Press Release
December 12, 2008

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on GMA's 'Unang Hirit'

On Charter change:

Q: Dapat bang hiwalay o iisa sa Kongreso ang boto sa Charter change?

MAR: Bicameralism ang konsepto na nandiyan sa ating Saligang Batas. Hindi ito pwedeng ibaluktot, hindi pwedeng maniobrahin ito. E kung magpapalit nga tayo ng pangalan ng kalye, bicameral iyan, dalawang botong hiwalay. Ano pa kaya dito sa Saligang Batas?

Q: Sasama ba kayo sa anit-Cha-Cha rally mamaya?

MAR: Nandoon kaming lahat sa rally, para ipadama ang ating tinig na ayaw na ayaw natin ito. Ayaw na ayaw natin na nakawin sa atin ang kapangyarihang mamili ng liderato natin sa 2010.

Q: Pero kailangan bang baguhin ang Saligang Batas?

MAR: Iyan ang dahilan kung bakit nag-file ako ng bill. Kung babaguhin natin ito, constitutional convention - pipiliin natin yung mga delegado, at ito'y sabay sa 2010 election, para isang pangalan lang ang idadagdag sa balota. Mga iyon ang siyang babalangkas ng bagong Saligang Batas.

Q: Ano ba yung mga probisyon na sinusulong sa Kamara? Nakarating na ba sa inyo?

MAR: Hindi pa, at para sa amin, nagkaroon ng halos unanimous na suporta sa mga senador, na hindi kami papayag dito sa baluktot na pagmaniobra dito sa Saligang Batas natin, na mapapawalang-bisa ang Senado.

Q: Sabi ni House Speaker Nograles na ang Supreme Court ang magdedesisyon dito.

MAR: Tama, dadating ito sa korte, kung pipilitin nila ito. Pero ang resolusyon ng Senador, lahat kami, sa personal at bilang institusyon, tututulan namin ito, at kami mismo ang maghahain ng kaso sa Korte Suprema.

Q: So nagdeklara na kayo ng giyera sa isyung ito?

MAR: Ganoon na po. Hindi namin papayagan ito. Kung isusulong nila ito, kung magso-solo flight sila, magkikita kami sa Korte Suprema

Q: Bakit sa tingin niyo hindi napapanahon ang Charter change?

MAR: Hindi napapanahon ito dahil pamamaraan lang ito para ipahaba ang termino ng Pangulong GMA. Itong si Gloria, parang walang sawa sa pananatiling nasa poder, sa kanilang paghahari dito sa bansa. At iyon ang dahilan kung bakit kung may pagbabago man, dapat after 2010 na.

Q: Kahit wala sa kanilang sinusulong ang term extension, hindi kayo naniniwala?

MAR: Hinding-hindi. Ilang beses sinabi noon, sinabi ng Pangulo hindi siya tatakbo, tumakbo rin pala. Kaya itong mga assurance na ito, walang saysay po ito.

Q: Ano ang mensahe niyo dito sa anti-Cha-Cha rally mamaya?

MAR: Ayaw natin ng pagbabago sa Saligang Batas, na magpapahaba ng termino ni GMA. Kaya dapat magsama-sama, magtulong-tulong tayo, para manatili ang ating kapangyarihang pumili ng ating kinabukasan sa 2010.

News Latest News Feed