Press Release
January 30, 2009

Transcript of Press Conference of Sen. Mar Roxas after the Cha-Cha Democracy Forum at the Bayview Hotel, Roxas Boulevard

Q: Ano ang pagtingin ng LP kung matuloy ang merger ng Lakas at Kampi?

MAR: Ang tingin namin sa merger ng Lakas at Kampi ay magandang development para doon sa mga nagnanais ng reporma ng pagbabago dahil dun makikita na nagsama-sama ang mga trapo under the leadership of Gloria Arroyo. So magiging mas madali ang pagpili ng ating mga kababayan. Kung gusto ninyo si Gloria at ang uri ng kanyang pamamalakad dito sa ating bansa, dun po kayo sa Lakas-Kampi. Kung gusto po ninyo ng pagbabago, ng reporma, ng accountability, ng transparency, ng oversight, at kung gusto po ninyo na may pahalaga sa karapatan ng bawat indibidwal ay huwag po kayo dun sa Lakas-Kampi.

Q: Kung ang administration can unite but the opposition medyo hati-hati pa rin, yun dawpo ang magiging disadvantage?

MAR: Mali po yung ang analysis na ang susunod na halalan ay admin, oppo. Dahil kung admin ka,napag-iwanan ka na ng kasaysayan. Hindi po kayo pipiliin ng taumbayan. Wala sa spelling, wala sa menu ang admin. Ang ating mga kababayan ay mamimili lamang doon sa mga nag-o-oppose ditto sa mga patakaran ni Gloria Arroyo.

Q: May lumabas na 12 slate ng Liberal, ito na ba ang mga ito?

MAR: Maaari na 'yung iba rito ay lalahok sa pagka-senador. Pero meron pong proseso, ang aming partido at nagsimula na ito. In fact we have tasked Secretary General Jun Jun Abaya and Chairman Frank Drilon to begin that process. Ang nasa harap ay miyembro ng National Political Council ng aming partido, na siyang operative leadership organ ng aming partido.

Q: You tagged Lakas, Kampi as trapos, does that mean na hindi na makikipag-ally ang LP sa Lakas?

MAR: Ang pag-aalyansa, ang pagsasanib, ang pagko-koalisyon, parati dapat batay sa plataporma, sa programa de gobyerno. Hindi ito barkadahan, hindi ito sama-sama, tayo-tayo, kayo-kayo. Hindi ito parang mga batang nasa playground na magpipilian lang kung sino magkakampi. Hindi ito ganun. Kami bukas kami parati na makipag-usap sa lahat ng nagnanais na mag-reporma tayo rito, magkaroon tayo ng pagbabago, magkaroon tayo ng accountability at transparency sa ating bansa.

Q: Kasama ba dito ang Lakas?

MAR: Nakita natin na ang kanilang liderato ang kanilang isinusulong nila ay 'yung administrasyon at ipinagmamalaki ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon.At kami, oppose kami diyan sa mga programang iyan.

Para sa amin, we are always open to talk based on platform and programs of government. Hindi personalidad, hindi 'yung sa tao, kundi 'yung sa plataporma.

Q: Naguguluhan kung pwede sa Lakas at Kampi ...

MAR: Tingnan natin ang mga balitang lumalabas. Committee to unify the factions. Ibig sabihin, 'yung mga political lords, 'yung mga political leaders, 'yun lang ang mahalaga sa kanila. Paano ipagsasama ang dalawa. Walang pinag-usapan kung san ba natin dadalhin ang bansa. Itutuloy ba itong MoA-AD o hindi? Ano ba ang posisyon nila sa Chacha? Dito sa global financial crisis? Ang aming sinasabi ay, kung ang mga bagay na ito, kung plataporma, kung mga isyu, kung mga programa ang pag-uusapan, palagi kaming bukas. Pero kung ang pag-uusapan lamang ay political primacy or political convenience or barkadahan, palagay ko hindi iyan ang kailangan ng ating bansa.

Q: Villafuerte said...if the merger does not push through...do you think there will be a repeat of 2007 where most of the candidates lost?

MAR: I think regardless of whether there is a merger or none, any party or any candidate that stands for the record of GMA is a sure loser. Under the umbrella of a party or as an individual candidate, anybody that says na maganda ang nangyari nitong 8 nagdaan na mga taon na ito at dapat walang pagbabago, dapat ituloy natin ito, palagay ko ay i-re-reject ng taumbayan. Yan ang nangyari nung 2007 at yan din ang mangyayari sa 2010.

Q: Do you think that by pushing for the merger, the administration is abandoning its Chacha plans?

MAR: Hindi mutual ito. Clearly, the call for a merger is consolidation of political force. Ang tanong ngayon, bakit sila nagkokonsolidate? Magiging parang KBL ba ito nung panahon ni Marcos? Nasa kanila na ang lahat ng opisyales at ito ang gagamiting kasangkapan para manaig ang ano gusto lamang nila tama man o mali. Ito ay nagpapakita ng bankruptcy ng liderato ni GMA. Ang gusto lang niya, sige magsama-sama tayo pero wala silang sinasabi para saan, anong kabutihan ang ihahatid nitong pagsasama na ito, anong purpose, saan dadalhin ang bansa? Wala. Halos wala kang madidinig tungkol sa kapakanan ng bansa. Ang madinig mo lang ang mga politiko nagsasama, nag-uusap para malaman, nasaan na si ganito, saan na si Juan, saan na si Jose. Yan lang yun. Nakikita ang uri ng liderato.

Q: So tuloy pa rin?

MAR: Sa aming impormasyon, marami kaming intelligence, marami kaming nadidinig at nalalamang impormasyon, nasa agenda pa din, nasa sentro pa din ng agenda ang Cacha. Infact, sa Martes may committee vote sa komite de representante, isang batayan kung anong mangyayari sa dito sa Chacha na ito.

Q: Kanina parang may endorsement na from some of your party mates for you to be the standard bearer. Kelan ka magde-declare?

MAR: Nagpapasalamat po ako sa kanilang endorsement. Bilang pangulo ng aming partido, dapat kong respetuhin ang aming proseso. Meron po kaming proseso at ako po ay inaasahan ko na lalahok ako diyan sa nakatakdang panahon. Sang-ayon sa aming partido, sa reglamento ng aming partido, sa ngayon ay public service kami, hindi sa politika. Kaya itong proseso ng pagpili ng kandidato ay nandiyan po lamang iyan. Pero hindi pa po tayo magsisimula ng pabugso-bugso diyan. Right now maraming pagsubok ang hinaharap ng ating bansa, itong global economic crisis, itong Chacha, itong mga banta sa ating demokrasya kaya diyan tayo nakatutok ngayon. Pero pagdating ng tamang panahon, may panahon tayo para sa politika, ay inaasahan nating sasalang tayo sa prosesong iyan.

Frank Drilon: Ang proseso naming para piliin ang aming standard bearer para sa 2010 ay isang formality that we go through. Ang aming kandidato ay si Mar Roxas na sa 2010.

Q: Kung formality na lang, ibig sabihin, if you are going to coalesce with other parties, ang position ninyo ay si Sen. Mar Roxas as standard bearer, hindi na kayo open for any other position?

Drilon: Hindi na. Ang standard bearer nga namin ay si Mar Roxas na. Kung gusto nilang mag-vice president sa amin, pag-usapan natin.

Q: No way that you are going to slide down?

Drilon: Wala, tapos na iyan eh. Ang sabi naming pormalidad ang proseso. Ang aming kandidato si Mar Roxas.

Q: You will not agree to coalesce if Mar is not the president?

Drilon: We will not agree with any coalition if Mar Roxas is not the presidential candidate.

Q: Ibig sabihin, hindi isa lang ang kandidato ng oposisyon?

MAR: Ang malinaw ditto, iisa ang kandidato ng Partido Liberal.

Q: Paano ang magiging chances kung divided, kung maraming tatakbo sa opposition laban sa isa from the government?

MAR: Ang magiging batayan sa 2010 'yung pagpili sa ating kababayan sa 2010, hindi admin o oppo. Walang pagkapanalo ang admin candidate. Ang maglalaban-laban lang ang mga kandidato na nagpreresente ng programa de gobyerno laban sa kasalukuyang administrasyon. Ngayon, pipiliin ng ating mga kababayan ang kandidato na sa kanilang paniwala ay may track record, malinis, walang bahid, walang mantsa at may magandang programa para sa ating bansa. Hindi ito admin o oppo. Yan ang aming paniwala at yan ang aming panindigan.

Q: Sen. Roxas, you are now accepting the endorsement?

MAR: What has been said is what it is. We have a process and I expect to participate in that process. Other party leaders have expressed their view and I will respect that.

Q: Drilon said the position is yours?

MAR: He is the campaign manager of that process

Q: Running mate na lang ang focus ngayon?

MAR: Yan ang dahilan kung bakit may proseso. Sa tootoo lang, ang liderato ng LP gusto naming i-push back ang pamumulitika. Kasi tingnan ninyo, ang pinag-uusapangayon yang tandem-tandem na iyan. Ano na ang nangyari sa economic crisis? Ano na ang gagawin natin dito? Ano na gagawin natin sa land reform eh til June na lang ang extension niyan? Ano na ang mangyayari sa preneed? Daang libo na mga magulang ang hindi makakabayad ng tuition. Ang daming problema n gating mga mamamayan. Nais nating makatulong sa kanila. Darating din tayo diyan sa tandem-tandem na yan. Kahit anong pagbabaligtad ang gawin natin sa mga pangalan, gutom pa din ang tao, hindi pa rin makakapagbayad ng tuition, bankrupt pa rin ang preneed, hindi natin alam kung tuloy pa rin ang lland reform. Dyan tayo naka-focus.

Q: Meron ng senatorial slate? Tapos na ang shortlist?

MAR: Sila ang in-charge sa proseso. Nnapakarami ang nagpapaabot ng interest na makasama sa slate, ang daming nagpre-presinta. Kaya para hindi ad hoc or subjective, meron talagang formal na proseso., at ang inatasang mag-monitor ay si Chairman Drilon at si Sec. Gen Abaya.

Q: Hindi ka ba kinakabahan sa survey?

MAR: Isa lang ang mahalagang survey at ito ay ang actual na election sa 2010. Malaki ang tiwala ko sa ating mga kababayan na pagdating pahgdating ng tamang panahon, pag-iisipan nila kung sino ang pinakamabuti para sa kanila at sa ating bansaat pipili sila ng tama.

News Latest News Feed