Press Release
February 12, 2009

Interview with Sen. Alan Peter Cayetano on WB and FG

Sen. Alan : Bagamat may consensus ang mga senador na dapat patas lang ang gawin ng WB at criniticize ang proceso, hindi pa sinasabi na naabswelto ang lahat ng tinuro o ang sinasabing walang collusion sa mga bidding, sa international man o local na kontrata. Ang magiging kritikal sa lahat ng ito ay no.1, yung paglalabas ng mga witnesses at no.2, yung sinasabi na lalabas ng Ombudsman na meron silang folder na tinanggap galing WB. Kung pareho din yung tipo na nakasulat dun sa naunang nalabas, sasabihin mo pa na na medyo kailangan mo pa ng mas mabigat na ebidensya. Ngunit maari at pwede din na ang ebidensya na hinihintay natin na ebidensya kasi precisely kaya nilabas ng WB ito ay kasi naghihingi tayo ng mas malalim na ebidensya. So yung ebidensya man ay nandun sa folder na yun o hindi, ay babalik uli tayo sa una, kailangang hanapin ang mga taong unang nagbigay ng link at willing magbigay ng link pa. at pangatlo, dun sa mga iba katulad ng FG, syempre habang hindi sya humaharap pa mismo at hindi pa natatanong mismo, pati sa mga kontratista na nandito, natural magdedeny sila but once yung nagaaccuse sa kanila ang kaharap na nila at meron ng ebidensya, ibang usapan na yun. So maliit ang step forward ng hearing today but maaring may giant step to in the coming days, depende sa nakalagay sa report nay an at depende kung lulutang yung iba pang witnesses.

It's not that walang evidence. It's the sufficiency of evidence to make a conclusion. Yung parang sinasabing may smoke, but hindi ka pa pwede magconclude na may fire pa talaga. Ibig sabihin kung yung WB lang yung titignan mo. Pero may mga independent naman na lumalabas na iba. Halimbawa, yung diary na hawak ni Sen. Lacson na sinasabi kung ilang beses ba nagkita ang mga kontratista etc ano? So meaning, it's really just a bad day insofar as the investigation is concerned but it's not a dead end and it will really depend on yung hawak ng Ombudsman ngayon. That's why the best I can say is to reserve judgment. But if you're saying, kung ang laman ng hawak ng Ombudsman ngayon ay more or less kapareha lang ng unang lumabas, na more of an interview na walang specifics sa sinasabi, may problema tayo.

I don't think anyone of those mentioned are already off the hook at saka kung unfair kung sabihin na ang lahat ng bidding sa ating bansa ay rigged, unfair din sabihin na walang rigging na nangyayari sa ating bansa kasi alam naman talaga natin na madaming anomalyang nangyayari satin.

Well, we wish him (FG) good health and hindi naman namin winish na sumama ang kanyang health. Gusto lang namin na magpaliwanag sya and tingin ko hindi pwedeng gamitin ang kalusugan so much so na pwede kang magcontinue ng mga activities and hindi ka magiging accountable. There has to be a way, the Senate has to find a way, na magiging accountable ang mga pamilya at ang mga close allies ng Pangulo dahil hindi din naman nila magagawa ito ng walang go signal din ng opisyal na nakaupo.

I hope that we can follow the biblical verse of "Hating the sin but loving the sinner." So, I said all we want is mapaliwanag bakit ayaw namin ng deposition. Sa deposition, hindi mo kita yung mukha, hindi mo nakikita yung expression, hindi mo makikita yung demeanor nung witness na a long line of scholars have said na essential sa judge na Makita ito. So kung baga, hindi ka pwedeng di pumunta sa studio. Eh di magremote ka na lang o phone patch na lang. But kung sabihin na papel papel na lang, eh walang kaibahan sa nangyari ngayon na yung abogado lang din yung sasagot. Kasi ang kailangan maintindihan ng FG, hindi naming sya hinahabol sa bawat pagkakataon kung hindi sa bawat pagkakataon na may anomalya, biglang nababanggit yung pangalan nya.

I don't think so. We all have our political, people we consider as people on the opposite side of the political fence but we never wish naman na may mangyari sa kanila na masama.

News Latest News Feed