Press Release
February 24, 2009

Transcript of interview with Majority Leader Zubiri on World Bank briefing

Ano ine-expect ninyo sa briefing ng World Bank?

Tignan natin ang proseso ng pagbibigay nila ng projects sa atin. Doon natin malalaman kung ano'ng puwede nating palitan dito sa procurement process ng ating gobyerno at sa pag-a-apply ng loans for projects.

Transparency is the key at kaya kami nanghihinayang dito sa World Bank [dahil] ayaw nilang magpaka-transparent sa kanilang mga transaksyon at dealings. Katulad nito - iyong briefing, bakit ba executive session? bakit hindi open session? Para nang sa ganoon may free flow of questions. Parang ayaw nga rin nila magpatanong. Sa tingin ko kawawa ang bansa gusto nga natin malaman ang katotohan, gusto natin sugpuin ang problema ng korapsyon, ayaw naman nilang makipag-cooperate sa atin. So, we're always back to zero or square one. Dito sa investigation na ito. Wala tayong expect na malaki. Wala sa tingin ko kaya hindi sumipot si Senator Miriam Defensor Santiago kasi frustrated din siya. So, wala din pong mangyayari dito.

News Latest News Feed