Press Release
March 17, 2009

Transcript of interview in DZRH with Joe Taruc with Senator Manny Villar

Q: Mula ng kayo ay mag-resign bilang pangulo ng Senado marami ang nag akala na tinigil na ninyo ang inyong pagtulong sa mga OFWs Mr. Senator?

Villar: Hindi naman. In fact ngayon nga ay ,as madami akong ginagawa. Gusto kong ibalita sa ating mga kababayan na nakaligtas sa isang prostitusyon den iyung tatlong Pilipina na napauwi natin kamakailan mula sa Malaysia. Sila ay pinipilit pahithitin ng marijuana at mag-take ng cocaine at gabi-gabi nga ay nagtetext ang isa sa kanila at sinasabi na padating na naman ang nagbibigay sa kanila ng drugs. Ang aking staff nga ay halos maiyak at nahirapan na ma-trace ang bahay na iyon ng tatlo pero hinanap namin at nais kong ibalita sa ating mga kababayan na yung tatlo na iyon na humingi ng tulong sa atin ay nandito na ngayon at nakabalik na at nasaklolohan natin. Bagamat syempre napakasaklap ng kanilang dinanas at gusto nilang ibahagi din sa mga kababayan natin ang nangyari sa kanila upang hindi na mangyari sa iba.

Q: Dati-rati ang mga Nababalita ay mga OFWs na galing Middle East, pero ngayon pati po dito sa mga Asian countries tulad ng Malaysia ay marami na din tayong natutulungang OFWs?

Villar: Oo nga e, nakakagulat at mas matindi ito, kasi laban sa kanilang mga kalooban ay nadala sila sa isang Prostitution den. Talagang masamang-masama ang loob nila nang sabihin sa kanila na iba ang kanilang magiging trabaho at sila ay pinuwersa. Ito nga ay aking tinitignan dahil sila ay ni-recruit bilang singer at gustong kong tignan ito para huwag maulit at hanapin ang mga responsable dito sa nangyari na ito.

Q: Mr. Senator, Ano ang maipapayo ninyo sa mga kababayan natin na gustong magtrabaho sa abroad?

Villar: Alam mo sa mga kababayan natin, okay lang mag-abroad pero siguraduhin lang nila na maayos ang kanilang recruiter. Kung meron naman dapat tulungan sa ating mga kababayan doon n mga bagong bayani ay huwag mag-atubiling tumawag sa ating help line at baka sakali ay tayo ay may maitulong sa 09174226800.

Q: Iyan po ay anytime of the day or during office hours lamang?

Villar: Anytime of the day kami ay tumatanggap ng tawag.

Q: Maaring tawag mula sa OFWs or sa kanilang mga kamag-anak?

Villar: Oo. Kami ay marami nang natutulungan. Bagamat syempre ay hindi lahat pero marami na at talagang kapag kami ay nakatanggap ay talaga namang ginagawa naming\g ang lahat ng aming magagawa para makatulong sa kanila.

Q:Kamakailan lang ay nagsagawa ng survey ang UP Communication Research Department tungkol po sa mga kanais-nais at dapat na maging Pangulo ng ating bansa. kayo po ang nanguna dito sa naturang survey. Reaksyon po ninyo Mr. Senator?

Villar: Ako ay tuwang-tuwa at patunay lamang ito na naiparating ko ng mahusay ang aking mensahe tungkol sa Sipag at Tiyaga bilang isang katangian na mahalaga sa pag-unlad ng ating sarili at pagsulong ng ating bayan. Ako nga ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan dahil sa kabila ng aking pinagdaanan ay nanatili pa din ako sa kanilang mga puso at isipan bilang isa sa mga nangunguna sa pinagpipilian para sa 2010 Presidential elections. Bunga na rin ito marahil ng ating ginagawang pagtulong sa ating mga kababayan na sinimulan ko noon pa man.

Q: Senator, yun namang Survey ng Pulse-Asia?

Villar: Iyun naman katulad ng sa UP ay kinakatuwa ko. At least ako ay nasa isip pa ng ating mga kababayan bilang pwedeng manguna sa ating bansa.

Q: In other words ay talagang kayo ay determined na ituloy ang inyong ambisyon?

Villar: Oo naman. Bagamat itong pagtulong na ginagawa natin ay matagal na nating ginagawa yan at itutuloy ko yan, manalo man at matalo, Lalo't lalo na kung ako ay maging Pangulo. Pero kung hindi naman ay ito po ay walang tigil nating gagawin dahil sa hindi naman natin pwedeng iwanan ang ating mga OFW na kababayan.

News Latest News Feed