Press Release
March 23, 2009

Excerpts of interview in Nacionalista Party office with Sen. Manny Villar

Q. Reaksiyon sa pagtakbo ni Gov.Ed Panlilio

Villar: Sa tingin ko ang lahat naman ay dapat i-welcome sa pagtakbo ng sinuman at sa pagkakakaalam ko nga, labing walo na yata ang gustong tumakbo sa pagka-presidente. Maganda din naman na madaming pagpipilian ang ating mga kababayan sa 2010, lahat ng gustong sumali ay welcome sa bagay na ito. Si Among Eddie ay isang Pilipino at bilang isang Pilipino ay may karapatan siyang kumandidato subalit yung sa isyu na siya ay pari, ito ay isang isang isyu na dapat resolbahin ng Catholic Church.

Q. Sir,maituturing bang "threat" sa mga presidentiables si Gov.Panlilio?

Villar: Bawat isang presidentiable ay isang threat sa bawat isa at ganun lahat ang treatment dapat diyan. Hindi naman natin pa alam ang mga mangyayari sa mga darating na panahon at siyempre pagdating ng panahon, liliwanag din talaga kung sino ang magugustuhan ng ating mga mamamayan at magandang hintayin na lamang natin yan. Sa palagay ko nga, marami pang papasok sa larangan ng pagka-pangulo, mas marami, mas maganda.

Q. Sir di ho ba major concern naman talaga, dapat may pondo ka at may partido, hindi lang basta papasok na lang sa ganun?

Villar: Hindi naman kailangan yung pondo sa iyo manggagaling, kung maraming naniniwala sa iyo sila naman ang magbibigay sa 'yo ng pondo para ikaw ay makatakbong kandidato. Natanong na din ako minsan diyan, ang sabi ko malaki ang magagastos pero iyon naman ay di kailangan sa iyo manggagaling, may mga donasyon yan, tulad na nga lang ni Barrack Obama, napakaraming tumulong sa kanya, normally marami din naman ang tutulong sa iyo.

Q. Sir nag-iinsinuate po palagi si Sen. Kiko Pangilinan na maging Vice President niyo, may pag-asa ba na kunin niyo siya?

Sa kiko naman ay okay naman siya, pwedeng Vice-president pwede ngang President yan e. Actually, si Kiko ay isang tao din na pwedeng makasama din sa mga taong pwedeng pagpilian sa pagka-pangulo, hindi lamang pagka-Vice President.

Q. Nakikita niyo na pwede kayong mag-tandem sa 2010?

Lahat naman ay possible sa 2010, lahat ay pwede. Bagamat siyempre yung mga kombinasyon na ganyan ay sa banding huli pinag-uusapan yan pero walang imposible sa panahon ngayon.

Q. Talking about party support Sir, na-drag si Pres. Estrada sa Dacer-Corbito case, maaapektuhan ba yung paghingi mo ng suporta sa kanya?

Villar: Wala, walang epekto yan sa relasyon namin ni Pang. Erap Estrada, siya'y mananatiling isang kaibigan, at alam mo naman dito sa atin, demokrasya naman dito, hanggat hindi naman napapatunayan na ang isang tao ay wala siyang kasalanan. Kaya ako diyan sa kaso na yan ay hihintayin ko na lamang na gumulong ang hustisya, meron naman tayong mga rules diyan at procedures, hintayin na lamang natin yan.

Q. Sir dun po sa lumalawak na iringan ngayon ng AFP at ni Sen.Gordon sa pagpapalaya ng ICRC?

Villar: Ang aking patakaran kasi, ako, kapag kapwa ko Senador ay hindi ako masyadong nagko-komenta dahil may kanya-kanyan kaming ginagawa at minsan ay may nangyayaring mabuti, minsan may nangyayaring masama, kaya ginawa kong policy sa aking buhay, sa aking pagiging Senador, ay gawin na lamang ng tahimik yung aking trabaho at hindi ako mag-iingay, dito lamang ako sa isang tabi at tuloy yung aking pagtulak ng aking mga advocacy , yung pag-ikot at pagkuha ng pulso ng ating mga mamamayan at hindi na ko nagko-komenta sa trabaho ng aking iba pang mga kasamahan.

Q. Mas maigi po ba na hindi makikialam ang pulitiko?

Villar: Mahirap na masabi yan, sapagkat may mga pagkakataon din naman na marami sana ang nagkokomenta, pero kung anuman ang nangyayari sa ngayon, siguradong mali yan dahil sa hindi pa sila nakakalabas, kaya pwedeng from time to time ay rebyuhin natin yang bagay na yan.

Q. Satisfied naman po ba kayo sa ginagawa ng militar ?

Villar: Obviously hindi, dahilan sa hindi pa nakakalaya. Masasabi lang natin na okay lang yan pero hindi ganyan .

Q. Yun po bang pag-pull out sa mga military ay tama ba?

Villar: Actually, hindi ako pamilyar at hindi ko nasusubaybayan ang nangyayari diyan sa ICRC, subalit ang military naman ay may sariling kakayahan na gumawa ng pamamaraan na sa kanilang inaakala ay dapat gawin.

Q. Sir si Tony Blair nasa bansa ngayon, sa tingin niyo makakatulong siya sa peace process. Gagawin daw siyang adviser sa peace process?

Villar: Madami na kasing adviser. Hindi naman siguradong makakatulong din siya. Walang masama pero sa akin ay hindi naman basta dumating na lamang ang kung sino ditto ay gagawin na siyang adviser. Ang pagpili ng adviser sa negosasyon nay an ay isang bagay na seryoso. Hindi lang naman yan dahil sa ikaw ay isang mataas na tao o sikat na tao e kukunin ka na bilang isang adviser. Ang role ng isang adviser ay isang bagay na pinipili base sa o sang-ayon sa kagustuhan ng mga nagne-negotiate, sang-ayon sa kagustuhan ng mga interesadong partido dito sa bagay na ito . Malalim na problema ito ng bayan at hindi pwedeng basta ibibigay na lang to sa sinumang gustong mag-volunteer na maging adviser.

Q. Sir nung na-implicate kayo sa double insertion project dati, hiningi nila na mag-resign kayo as Senate President, ngayon po ay involved si Sen. Lacson who accused you of the C5 mess, would you at least ask him to take a leave of absence?

Villar: Sa akin kasi, may kanya-kanya kaming patakaran sa buhay. Ako ay ginagawa ko yung inaakala kong tama at I'm sure na gagawin din ng sinumang senador yung inaakala niyang tama. Kanya-kanya kaming pamumuhay at sa akin, tuloy-tuloy lamang ako sa aking ginagawa.

Q. Sir on other issues, may lumabas na SWS Survey saying na bumaba yung hunger incidence ng 23% to 15%, do you share that view?

Villar: Yun kasing pagbaba ng hunger na konting porsiyento lamang wag natin masyadong seseryosohin yan, kasi sa akin maski konti lamang ang nagugutom ay problema pa rin yan. Kasi isang porsiyento ng ating bayan na nagugutom ay 900,000 yan kasi 90 million tayo. Kaya yang mga pagbaba na ganyan ay maaaring statistical error lang iyan, pero maski ka pa bumaba, ang dapat natin siguraduhin ay hindi yan temporary, kasi pag sinabing kaya bumaba yan ay mayroong mga programa, may mga feeding programs ay baka temporary yan. Baka pag itinigil mo yang mga programa na yan, pag nawalan ng pondo ay babalik na naman sa hunger level. Ang dapat ay magkaroon tayo ng matagalang solusyon sa problem na yan.

News Latest News Feed