Press Release
March 31, 2009

Transcript of ambush interview with Sen. Zubiri

On Presidential race

We're down to three (3), Vice President Noli De Castro, Sec. Gilbert Teodoro tsaka isang dark horse possible diyan sina Sen. Loren Legarda, dating Senate President Manuel Villar or Sen. Richard Gordon. Basta tatlo. Meron emergency meeting ang Lakas this Sunday pag-uusapan ang possible na magiging presidential candidate dahil malapit na ang halalan. Last day of filing ay November 30, so, by June 2009 meron na dapat convention ang partido.. Latest at least July. Kapag hindi nakapag labas ng May or June medyo grabe na. Last Sunday nag-emergency meeting kami, ang execom kaya tayo naglabas ng tatlong pangalan dahil nakikita na natin iyong urgency. Dapat magkaroon ng kandidato sa pagka-presidente ang Lakas.

On Bayani Fernando

Mahal na mahal po namin si Chairman Bayani kaya lang hindi siya masyado nagre-rate. We must be practical. Maraming mawawala sa partido kapag hindi winnable ang isang kandidato dahil hindi niya madadala ang mga local leaders ng partido. It's a game of popularity kaya sana po huwag magalit si Chairman Bayani. Sana po huwag kayong magalit ako po ay nagsasabi lang ng katotohanan. Iyan iyong pinag-meeting-an namin last Sunday. We've come out with a shortlist baka sabihin niya si Sec. Teodoro hindi naman pumapasok sa survey pero iyong sa kanya hindi pa siya noon nagde-declare. Pero ngayon na nag-declare na siya, available na siya for president tignan natin next survey sa June. By June we need to know our candidates. (Joke) Parang ayaw na niya akong kausapin (chairman Bayani). Parang ipapahuli na niya ako sa MMDA. Hindo ko pa nakakausap si Chairman Bayani. I think we should be open to the probability na magsipag pa siya ng kaunti.

On ICRC hostage crisis

Nanghihinayang ako sa demands ng Abu Sayyaf terrorist group. Malabo talaga silang kausap. Wala silang goodwill sa ating gobyerno. Ako po ay member ng Red Cross naaawa ako sa mga kasamahan natin. Hindi naman puwedeng isakripisyo ang buong probinsya. Ang hinihingi nila mag-pull out ang military sa buong probinsiya hindi naman puwede iyon dahil baka buong probinsiya naman ang ma-kidnap. So, instead of 3 hostatges magiging isang libo na. So, the military has to do what is right. My warning to the terrorist Abu Sayyaf Group kung may mapapahamak na isang Red Cross workers na hawak nila ang masasabi ko lang military solution ang magagawa ng gobyerno diyan or death penalty.

News Latest News Feed