Press Release
April 16, 2009

Transcript of interview (Unang Hirit) with Arnold Clavio
with Senator Manny Villar

Q : Meron ho bang paglabag sa rule ng Senado na pirmado na yung desisyon ng komite gayong ngayon pa lang yung hearing?

Villar : Hindi lang sa Senado, sa lahat ng batas Igan ay bawal yan. Bagamat yan ay parang eleksyon na meron nang resulta kahit wala pang eleksyon, kaya hindi naman tama yan. Alam ko naman na walang mangyayaring hustisya diyan kasi san ka naman nakakita Igan na ang nag-aakusa ang Chairman at ang boboto ay pawang mga presidentiables? Kahapon nga ang nandun lamang sa hearing ay si Loren Legarda,si Mar Roxas at si Ping, talagang wala namang mangyayari diyan. Ako naman, ang sinasabi ko, ay nagmamalaki ako sa proyekto na yan. Iyan ay isang napakagandang proyekto na C5, limang milyong mga kababayan natin sa Cavite City, Las Piñas at Parañaque ang makikinabang kaya ako'y nagugulat kahapon, nalulungkot ako sa nangyari, sobra naman. Akalain mong tapos na pala ang desisyon hindi pa nga naghe-hearing.

Q : So pulitika ang nasa likod nito?

Villar : Pulitika yan Igan, hanggang 2010 ay pare-pareho na 'yan at tuloy-tuloy na magkakaroon ng ganyan. Pero yung nangyari kahapon at kamakalawa ay ibang klase. Talagang sobra na yun dahilan sa may desisyon na hindi pa nga naghe-hearing para yang may resulta na ang eleksyon wala pa ngang botohan.

Q : Yung issue ng "double entry" natapos na ba yan? Nalinawan na ba 'yan Senator?

Villar : Alam mo, nag-hearing na iyon dun sa Committee on Finance at ako nga ay pumayag na mag-hearing maski ako ay pangulo ng Senado para ma-clear ang aking pangalan. Na-clear naman ako ni Chairman Enrile at sinabi rin ng DBM, sinabi rin ng Department of Public Works na hindi tama yung double entry at talagang dalawang proyekto yan at yun nga ang ating ipinapaliwanag. Nagtataka nga ako at inilipat-lipat naman, nung hindi mapatunayan yung double entry, inilipat naman sa "right of way" naman daw, sabi ko nga ay pangalawa na itong hearing na ito, ako naman ay hindi nakikipag-away kaya payag lang ako ng payag pero nung mangyari 'yung kahapon ay sobra naman yun.

Q : Inaasahan mo ba na hindi magiging parehas dahil yung mga pumirma dun sa committee report ay ito rin yung mga nagpatalsik sa iyo bilang Senate President?

Villar : Totoo naman, bagamat yung iba ang sinasabi sa kanila ay normal lang naman daw yun pero ang mahirap dito ay karamihan ng miyembro dito ay mga Presidentiables kaya wala ka naman talagang maaasahan na fairness dun.

Q : So yung pagkakatuklas na sufficient in form & substance yung reklamo?

Villar : Yan nga ay biruin mo tapos na? hindi pa nga naghi-hearing ay pinapaikot na at pinapapirmahan na. Wala naman sa lahat ng batas na ganyan na hindi pa nga naghi-hear ay may desisyon na.

Q : Anong kilos ng kampo niyo, meron ba kayong hihilingin na mag-inhibit lalo na si Sen.Lacson din ang nag-expose nitong double entry na ito?

Villar : Ang totoo niyan ang opposition ay hindi rin sumasali diyan sa Ethics Committee na yan dahil hindi namin kinikilala yang 'kangaroo court' na yan. Kaya lang ay nagulat din kami dun dahil ang nakataya na diyan ay ang kahihiyan ng Senado.

Q : Kunyari may nilabag na rules, siyempre ang next move diyan ay sampahan ng kaso sa Committee on Ethics e di sila din yun?

Villar : Yun nga e, sa lunes ay magkakaroon ng caucus, dahil sa medyo napahiya talaga ang Senado sa nangyari na yun dahil yan ay talagang isang paglabag sa isang ordinary rule ng anumang hustisya.

Q : Bakit naman Senator nag-leak yung committee report na yun?

Villar : Merong nakapagsabi sa kin, meron din namang mga taong nagkaka-interes sa kin at dahil nakita niya talaga na hindi naman tama yun at pinapaikot yun. Alam din naman kasi ng naglabas nun na hindi naman tama na may desisyon na nang hindi pa naghi-hearing.

News Latest News Feed