Press Release
April 22, 2009

Transcript of SP Enrile's Interview at the Hearing
of Senate Committee on Labor

Q: Sir, ano po masasabi nyo dun sa desisyon ng Supreme Court para sa additional members of the Party List Representatives?

SP: Ngayon nagsalita na ang Supreme Court. Yung mga tumutuligsa sa amin dapat lunukin nila yung mga sinasabi nila. Akala nila, napakadunong nila.

Q: Sir, may mga misgivings kasi. 250 kasi yung limit.

SP: 250 ang nasa Saligang Batas. 50 is still reserved for the Party List. At 200 ang elective. Ngayon ang elective ay 220 na. Pagkatapos, ang Party List ay 22 lang. Sinasabi ng Saligang Batas, sa kabuuhan ng warm bodies, actual members ng Congress, 20 % ang Party List. Hindi mababago yun. Nasa Saligang Batas yun. Nilalabag ang Saligang Batas. Kaya mabuti at gumawa na ng decision ang Supreme Court, para wala ng mga balitaktakan na mga mali.

Q: So, yung bill nyo, ano na po ang status?

SP: Nandiyan. Hindi naman lahat ng additional100 mapupuno yun. Yun pa ang isang error diyan. Alin lang yung kailangan, yun lang ang lalagyan. Sa aking paningin, ang magiging elective ay siguro magiging 240, dahil may 220 na. May 20 bills pa na nangangailangan ng dagdag na mga Representatives sa mga malalaki ngayong distrito. May mga 1 million population ang isang distrito. May kalahating million. Kailangan, kung nadagdagan ang Party List ngayon, almost masusunod na yung 20 %. Dahil ang computation ko noon, kailangan mga 45 yata ang Party List Members. Ngayon ay 55 pala.

News Latest News Feed