Press Release
April 27, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW AT THE SENATE

On the MAR-KORINA Engagement

Q: May details na ba para sa wedding?

MAR: Maaga pa akong natuto na ang mga bagay na ganito ay ipinapaubaya na sa bride. Si Korina ang nakakaalam nitong lahat.

Q: Pero within the year? June bribe ba?

MAR: Oo naman within the year. Si Korina ang nakakaalam ng lahat, lalo na kung kelan.

Q: Bakit naiyak ka nung Sabado?

MAR: Well, na-touch naman ako. Matagal kong pinangarap na ibigay niya sa akin ang kanyang matamis na oo, at nung binigay niya sa akin, naalala ko 'yun. At nung sinabi niya na sa lahat ng nakilala niya, ako 'yung napusuan niya, siyempre napukaw ang damdamin ko. Sobrang saya ang naramdaman ko at nagkaroon ako ng tears of joy.

Q: Anong masasabi niyo dun sa mga taong hindi masyadong positive ang reaction, porke malapit na kasi ang 2010 at iba pa?

MAR: Hindi ko na pinapansin 'yung mga ganun. Basta, masayang-masaya ako, at masaya din si Koring. At iyan ang pinakamahalaga.

Q: Invited din ba si Noynoy?

MAR: Bakit naman hindi?

Q: May role ba siya sa wedding?

MAR: Hindi pa kami dumadating diyan sa mga usapan ng mga role-role. Pero expected naman na katrabaho ko siya kaya meron naman siguro...

Q: Private ba ito sir? Kasi sabi ni Noynoy, kung private baka hindi daw siya makarating or baka hindi siya imbitahan?

MAR: Hindi naman niya sinabi iyan sa akin.

Q: Other presidentiables imbitado din ba?

MAR: Aalamin natin. Siguro malalaman natin ang guest list at iba pa kapag napag-usapan na ang mga detalye. Ang importante ngayon ay si Koring, ibinigay na niya sa akin ang kanyang matamis na oo, laking tuwa ko naman. Masayang-masaya kami, umaapaw kami sa saya. At natutuwa din kami dahil kasabay namin sa saya ang taumbayan.

Q: What did your son say? Did he know before the announcement?

MAR: Oo naman. Kaya tumagal ng konti magmula sa proposal hanggang sa confirmation dahil sa ako naman ay kinausap ko ang aking anak, ang aking pamilya. At siya din, kinausap niya ang kanyang pamilya para hindi naman sila mabigla sa napakahalagang pangyayaring ito.

Q: Wala namang nag-resist?

MAR: Wala naman, masaya ang lahat. Ang anak ko ay tuwang-tuwa. Niyakap niya ako, niyapos niya ako, at sabi niya "I am so happy for you, Dad." Sinabi ko sa kanya, "Anak, huwag kang mag-alala, hindi na mawawala ka sa akin o malalayo ka sakin kundi ay may madadagdag na magmamahal sa iyo, si Ate Koring."

Q: Any message for Korina?

MAR: Honey, alam mo naman mahal na mahal kita. At sana magpatuloy ang pagmamahalan natin.

Q: Any plans of expanding your family?

MAR: Iyan ang isa sa pinakamalaking pag-uusapan namin. Alam ko na pangarap ni Korina iyan at ako, ganun din. Agad naming aatupagin ang pag-expand ng aming family, at the soonest possible time.

Q: Ilang anak ang pangarap mo?

MAR: Well, basta...sila ay 4 na magkakapatid at ako, kami ay tatlo. And of course, gusto namin maraming mga anak.

Q: Girl naman?

MAR: Of course, lalaki gusto din natin ng lalaki pero nakita ko naman kung paano magmahal ang mga anak na babae sa kanilang ama, kaya okay na din.

Q: Ang wedding dito sa Pilipinas? What about the honeymoon?

MAR: Definitely ang wedding dito. Ang honeymoon, dito din. Ang importante mabigyan kami ng kaunting panahon para ma-enjoy namin ang aming honeymoon.

Q: Open sa public ang kasal?

MAR: Usapan namin hindi pwedeng i-lihim iyon.

Q: Bakit kayo bigla nag-announce last Saturday?

MAR: Hindi naman namin plano na sabihin ito last Saturday. Kaya lang nandun siya as guest co-host ni Willie. Siyempre tinawag ako, bibigyan ko siya ng rose. Eh si Willie biglang nagtanong, biglang ginawang ma-drama. Hindi na kami nakaiwas. Kasi naman kami, natural, walang plano, walang script, lumabas ang totoo.

Q: Kelan pa ba kayo naging couple?

MAR: Mga 5 years na. Nasa DTI pa ako nun.

News Latest News Feed