Press Release
May 9, 2009

Transcript of interview of Sen. Zubiri at DZXL-RMN

SJMZ: Good morning. Magandang umaga Rey, Jeff sa inyong program, sa tagapakinig ng programa niyo.

RMN: Magandang umaga po nandito rin po si Marlon Purificacion.

SJMZ: Magandang umaga Marlon.

RMN: Parang ume-echo sir, nasaan kayo sir?

SJMZ: Actually nasa Cagayan de Oro ako, galing ako ng Bukidnon tapos meron kaming ite-turn over sa mga bayan dito sa .... na mga projects namin na school buildings. So nasa Mindanao ako.

RMN: Ikot Sir ikot? Sarili niyong proyekto iyan?

SJMZ: Oo mga projects namin, sa PDAF namin at imo-monitor ko lang na hindi napupunta sa kalokohan itong nabibigyan natin ng PDAF na munisipyo.

RMN: Bago tayo pumunta sa mainit na isyu dun sa ethics committee, mga committee of the whole, Sir malapit na ang adjournment, ano ba ang natapos ng senado? Mga iportanteng bills.

SJMZ: Marami actually last week tinapos namin iyong EPIRA Law, amendments to the EPIRA Law para bumababa ang presyo ng kuryente. At least dito sa mga amendments na ito sa tingin po namin baba ang presyo ng kuryente. Marami po kaming tinapos na local bills almost 170 high schools and brand new high schools ang ipinasa namin or 150 ba iyon na dati hindi pinapansin ng Senado. At meron din po tayong mga ipinasa na Rent Control Law iyong aking pet bill na since congressman pa ako iyan po ang aking adbokasiya at ipinasa po namin iyong extension to 2011. Ito po ay pagbibigay proteksyon sa ating mga renters iyong mga nag-uupa ng bahay na hindi po tataas ng mahigit sa 10 porsyento

RMN: Iyong Rent Control Law?

SJMZ: Rent Control Law na third reading na. Actually this week meron po kaming bicam. So were hoping by end of May mapirmahan na po ito ni president at magiging batas na siya.

RMN: Magandang balita lalo doon sa mga rumerenta dahil sakit ng ulo kada-taon may taas na naman ng singil.

SJMZ: Alam mo minsan nagsasamantala di ba. Kung wala po tayong rent control pede nilang iakyat ng 20 percent o 30-porsyento ang iyong pagbayad sa upa at hindi na po kaya ng ating mga kababayan iyan buti na lang sana kung iyong suweldo ng ating mga kababayan umaakyat din ng 10- percent o 10-porsyento taon-taon ay hindi naman. Minsan naiiwan lang dun sa kanilang kakayanan. So, talagang tutulungan po natin sila sa aspetong na ito. At marami pa pong iba. Andiyan na nga iyong CARP Bill, Agrarian Reform measure na nakapending sa amin sa Senado. Ang pangako po ni Senate President ay by next week ia- approve na natin ito with amendments of course. Siyempre lalagyan natin ng reporma dahil ayaw natin mangyari yun nangyari ng ilang taon na nagkaroon ng korapsyon ang tanggapan ng Department of Agrarian Reform. Kung saan iyong pondo na ginamit po para sa land acquisition ay napupunta sa korapsyon at iyong pondo sana na gagamitin sana para sa ating mga magsasaka pandagdag ng kanilang ani or let's say modernization program ay Nahunta rin sa katiwalian. So iyon po ang dinadagdagan namin ng amendments sa lumang CARP Law para lalong gumanda.

RMN: Sir, natutuwa si Marlon don sa Rent Control Law alam niyo naman marami itong inuupahan [Marlon - may paupahan kami] (laughs) ay may paupahan pala [Marfil - dami niyang pinapaupa]

SJMZ: May proteksyon naman iyong nagpapaupa huwag kayong mag-alala. Actually patas naman iyong batas meron po tayong rent cap per month pero at the same time meron tayong nakalagay sa batas for ejectment, iyon grounds for ejectment (nabisaya na ako)

RMN: Bisaya din kami Sir okay lang magbisaya dito si Jeff lang ang hindi Bisaya

SJMZ: Iyong ipalagay po natin na, let's say sin-sublease marami pong ganun uupa sila ng bahay or apartment tapos mag-sublease sila. Maguupa sila ng bedspace sa ibang tao bawal po iyon under our new law unless meron permission o go signal ang mayari ng bahay. Pangalawa, kundi sila nagbabayad ng sobra sa tatlong buwan, let's say after 3 months hindi nagbabayad ng monthly payment pede na din silang ma-eject sa kanilang tahanan. So meron din proteksyon ang ating mga mayari ng mga pinauupahan.

RMN: Maiba tayo Sir. Alam niyo naman mainit tong issue kay Many Pacquiao at alam naman natin lahat na kayo ay kasama doon sa nanood at hindi niyo naman itinatanggi iyan.

SJMZ: Kay Pareng Manny

RMN: Kaya lang Sir mukhang noong nakaraang tinatanong ka yata mukhang medyo hindi mo yata nagustuhan iyong tanong na mag-quarantine?

SJMZ: Kinuwentuhan ka ni Linda ha (laughs)

RMN: Hindi napanood namin sir, nireport.

SJMZ: Actually ang totoo niyan Rey medyo nainis lang ako. Dahil bakit naman iyong politiko lang o si Manny Pacquiao o ang Team Pacquiao lang ang pinagiinitan. Araw-araw gentlemen libo-libo ang pumapasok galing sa Estados Unidos. Sana po lahat kasi ang sinabi ko kung kaming lahat ang ika-quarantine sasama po ako, hindi po ako natatakot sasama po ako basta may batas, may utos ng DOH pero Huwag lang naman sanang ako, Si Sen. Bong, iyong kongresista si Manny Pacquiao kami lang ang ika-quarantine sa loob ng ospital o dun hotel. Alam mo ang kasabay ko sa eroplano halos 400 na kababayan natin kasabay ko galing ng Amerika. At araw-araw po tatlo iyong 747. Iyong kasya sa 747 - 480 passengers, tatlo di halos 1,300 na kababayan natin at mga dayuhan na galing ng America, Los Angeles, tsaka San Francisco, at Nevada dumadating araw-araw bakit naman kami lang ang tinutukan ng media, ng ating mga kaibigan sa media at ng tao sana naman silang lahat. Dapat naman may circular ang DOH na sabihin na hindi lang kayo dapat lahat, lahat ng darating araw-araw dapat mag-quarantine kapag ganun sana ang kautusan maganda. Pero iyong dating kasi sa ating lahat ng politico dapat iyan ikulong, mag-quarantine pati si Manny Pacquiao para naman naawa ako sa tao. Kasi sa Estados Unidos para siyang hari doon, mahal na mahal siya ng mga tao doon pagdating po dito binabatikos natin siya.

RMN: Payag ba kayo sa self-quarantine? Alam niyo kung sino ang matutuwa sa self-quarantine Sa inyo Sir? Misis niyo. Pero payag ba kayo dun sa self-quarantine?

SJMZ: Payag na payag. Alam mo nag-quaratine naman ako, nagself-quarantine naman at meron po akong pinsan na doctor at nagpa-check ako sa kanya wala naman po kami sentoma na pinapakita. I'm as fit as an ox daw, medyo healthy, healthy tayo overweight nga. Kaya so far wala naman tayong problema. Dumaan na po ng isang linggo ang pagbalik ko sabi nila ang quarantine is for 5-days so medyo ligtas na po tayo, wala po tayong problema. Ang nakakatakot lang ang dumadating ngayong. At habang nagsasalita po tayo may dumating na naman kaninang alas kuwatro o alas singko ng umaga tatlong malalaking eroplano kung saan ang nakasakay halos 1,300 na pasahero iyon ang dapat pansinin ng DOH.

RMN: Ah tama rin ho kayo doon.

RMN: Sir maiba tayo ng tanong Sir.

SJMZ: Sige po.

RMN: Iyong sa ethics pa rin, Manny pa rin ito pero Manny Villar naman. Nalilito na iyong mga nagbabantay sa Senado kung ano ba talaga iyong nangyari at ano ba talaga iyong mangyayari sa Lunes?

SJMZ: Actually nag-meeting po kami ng mayorya last Wednesday ang sabi po namin, pinagusapan po namin doon sa meeting ay pagbibigyan po natin ang minority last Thursday na Ilabas nila ang kanilang gusto nilang Ilabas, gusto nilang request na ihain sa committee of the whole kaya hindi po kami masyadong nakipag-debate dahil iyan po ang agreement noong Wednesday night na hayaan ang minority na ilabas ang kanilang hinanakit. Ang kanilang gustong i-request sa committee of the whole at aaksyunan namin. Magkakaroon po ng aksyon iyan sa Lunes. So sa Lunes napaka-importante nitong 9 o'clock meeting ng committee of the whole kung saan magde-desisyon na po kami kung aamyendahan ba ang rules ng committee of the whole or hindi.

RMN: Committee ng committee of ethics iyon sa rules? SJMZ: Rules kasi in-adopt ng committee of the whole ang rules ng ethics committee.

RMN: Nakikita niyo ba Sir na sa Monday maayos na malapit ng matapos iyong sesyon?

SJMZ: Sa tingin po natin magkakaroon ng finalization o iyong matatapos na po ang usapin dito sa rules. Sa tingin ko kasi kung paguusapan po natin itong rules made-delay e. Magkakaroon ng extension, delay ng delay itong kaso ni Sen. Villar. Sa tingin ko hindi na nakakabuti kay Sen. Villar iyon dahil mas maganda na pumasok na tayo sa hearing proper, preliminary inquiry. Sa Lunes preliminary inquiry para sa ganoon makasagot din si Sen. Villar. Kasi as of now puro speculation iyong lumalabas kung ano po iyong mga charges sa kanya kung ano po iyong ginawa niya. Mabuting makasalita na rin siya at magbigay na rin ng kanyang pahayag, ng kanyang side sa dito sa problemang ito para sa lalong madaling panahon at least marinig na din po natin kung ano ang defense niya, ano pang gagamitin niyang rason dito bakit nangyari itong sinasabi ni Jamby na double insertion na itong kalsada daw ay dumaan sa kanyang mga properties o sa kanyang subdivision. Kaya napaka-importante na matapos na ang usapin ng rules or matapos na ang set rules na gagamitin ng ating committee of the whole. Kaya ang utos po sa amin ni Senate President is by Monday magkakaroon na po ng desisyon, final decision sa rules para pagusapan na po ang iyong preliminary inquiry.

RMN: Sa tingin niyo kaya ba iyong kasi nagkaroon ng problema sa quorum kinukuwestyon ng minority. Kaya ba sa Lunes

SJMZ: Hindi po tayo nagkaroon ng problema sa quorum dahil ang pumasok po noong araw na iyon ay siyam. Ang nakalagay po sa committee is one third of the members dahil 23 po tayo ang lumalabas walo po ang kailangan para sa quorum dahil ang pumasok po noong last Thursday, so sumobra naman tayo ng isa, siyam po kami noon nung meeting namin last Thursday. I believe by Monday sa tingin ko po ay mas marami pang members ang darating.

RMN: May possibility ba na personal na bisitahin ng mga senador iyong pagaari ni Sen. Villar at mga structure na nakapaloob sa reklamo?

SJMZ: Puwedeng mangyari iyong kung may motion sa isa sa mga members na magkaroon ng actual site visitation dito sa lugar na ito. Puwede pong mangyari iyon. At this point in time ang napaka-importante alam mo ito ay labanan ng legalities. Ako po I must admit hindi po ako abogado kaya ang magagaling ditong makipag-debate iyong ating mga legal luminaries sina Sen. Pimentel, Sen. Enrile, Sen. Joker, of course Sen. Alan, and Sen. Gordon sila po iyong magagaling, batikan na abogado. Pero ang importante po dito iyong karapatan ni Sen. Villar ay dapat pakinggan at bigyan din ng pansin at ang karapatan ni Sen. Madrigal iyong ating complainant ay bigyan din ng pansin at siyempre mapakinggan. Ito po ay dumadaan sa proseso ng sa ganoon ay hindi tayo dumadaan sa trial by publicity. Pero ito ang kagandahan nito mga kapatid ay magkakaroon ng takot. Magkakaroon ng takot ang ating mga senador, kaming mga senador na gumawa ng kalokohan. Dahil kung gagawa kami ng kalokohan mambastos kami, manuntok kami ng isang taon, mag-swindle kami ng isang tao puwede kaming imbestigahan. At ganito po ang mangyayari. Alam mo deterrent.

RMN: Kagaya din ng pagimbestiga niyo sa anomalya ng Malacanang.

SJMZ: Yes. Whatever anomalya ng Malacanang, anomaly sa PDAF mo. Kung kinorakot mo rin ang pork barrel mo at lumabas iyan at may magreklamo sa iyo at may nagfile ng complaint kawawa ka din dahil ganito rin ang proseso sa iyo. Ang kagandahan nito magiingat na ang mga senador na huwag ng gumawa ng kalokohan at huwag pong lumabag sa batas.

RMN: Sir bago ka namin bitawan may isa muna akong tanong. Kayo ba ay nasisiyahan? O ano ba ang feeling niyo na kayo bilang Majority Leader mukhang marami ang nakakapansin sa inyo talagang bihasang-bihasa ka raw parang hindi daw nag-practice parang diretso. Parang matagal ng naghanda.

SJMZ: (laughs) Salamat Rey ha. Alam mo siyam na tao kasi ako galing sa House of Representatives at doon sa siyam na taon nakadaan na ako sa minority at sa majority. Noong nasa minority po ako noong first term ko, 1998 to 2001, assistant minority leader po ako noon ni Mayor Sonny Belmonte kaya medyo nahasa na po ako sa mga move to adjourn, nahasa po ako sa pagku-kuwestyon ng quorum. Kaya alam ko po iyong mga tactics ng minority sa pag-delay, sa pagtanong at pag-inquire dito sa point of order ng House of Representatives. At pagpasok ko naman sa majority naging chairman din naman ako ng .... At alam mo doon sa house of representatives pag-ikaw ay isang chairman ang mga miyembro mo medyo 50 o 60 at kailangan medyo iyong diplomacy, grabeng diplomasiya mo doon sa pakikipag-usap sa ating mga miyembro. Kaya pagdating sa Senate nakita ko po 23 lang ating mga kasamahan. at alam mo ang number one rule ko kasi ay dapat alam mo kung saan ang lugar mo. In other words you must know your proper place. Pagdating ko po doon ako po alam ko po ako ay baguhan, ako po ay number 12 pa, pangtlo ako po ay bagong-bago dapat hindi po tayo magpakita ng yabang dapat medyo humble po tayo. Matuto tayo sa ating mga senior members. Kaya siguro iyon ang nagustuhan nila sa akin dahil wala po akong agenda. Wala naman akong tatakbuhan na higher office. Ako ay natutuwa lamang na ako ay nanalong Senador. Kaya wala po akong yabang pagdating sa trabaho ko. Pati nga si Sen. Pimentel na alam naman natin kung ano ang history namin ni Sen. Pimentel dahil sa kanyang anak ay mahal na mahal ko po at kasama ko sa session at palagi kong mina-mano po at nakikinig po ako sa kanyang mga payo dahil lahat naman sila na mga senador na aking mga kasamahan ay magagaling. Meron po silang ibat-ibang kakayahan at diyan po tayo nakikinig lagi at sana matuto sa kanilang sistema.

News Latest News Feed