Press Release
May 29, 2009

Opening Statement of Sen. Mar Roxas
Inquiry into the collapse of the Legacy Group of Companies and the plight of the

Pang-pitong hearing na po natin ito at patuloy nating susubaybayan itong isyu na ito at sisiguraduhin natin na magkakaroon ng tama at sapat na atensyon mula sa gobyerno ang mga biktima nitong Legacy at iba pang na-bangkaroteng kumpanya.

Status: Nakapagsampa na ng mga kaso sa DOJ ang iba sa mga nagging biktima dito sa Legacy pre-need. Ang status, may mga panibagong fees na china-charge ang mga korte, ang mga sala, para makapag-sampa ng kaso dito sa estafa. Ito'y inapela na natin, sumulat na po tayo sa Supreme Court, at sumulat na din po tayo sa Department of Justice para tumulong na ma-waive itong mga fees na ito. Pero itong mga fees na ito ang isa sa mga pinakamalaking hadlang sa pagfa-file ng kaso laban dito sa Legacy at kay Celso de los Angeles. Babantayan natin ang aksyon ng pamahalaan natin dito. Nitong nakaraan, nakita natin ang pangulo ay naghugas ng kamay para mapakita kung ano ang tamang paraan ng paglinis para dito sa AH1N1 virus. Ang babantayan natin ay kung naghuhugas kamay din po ang pangulo at ang pamahalaan dito sa problemang ito. Hanggang sa ngayon ay hindi pa natin nararamdaman ang makisig at buong loob na pagtulong ng pamahalaan para matulungan itong mga naging biktima nitong Legacy na ito. Libo-libo itong mga kababayan natin. At ngayon nga ay pasukan na naman at wala silang pambayad ng tuition. Naghahagilap na naman sila, akala nila ligtas na ang pang-tuition ng kanilang mga anak. Ngayon ay nasa alanganin na naman po tuition at kinabukasan ng kanilang mga anak. Titingnan po natin ito.

Nananawagan po ako sa Pangulo, nananawagan po ako sa administrasyon: Imbes na pag-aksayahan po ninyo ng panahon iyang mga political parties, 'yang pagsasama-sama ng mga partido po ninyo, imbes na pag-aksayahan po ninyo itong mga birthday at iba pang mga okasyon, siguro dapat pag-aksayahan ninyo ng panahon, bigyan ninyo ng panahon, itong mga naging biktima ng Legacy. Kayo mismo, Pangulong Arroyo, DOJ, at administrasyon, kayo mismo dumulog sa Supreme Court at tumulong sa ating panawagan na I-waive na itong filing fees na ito.

Nakita rin po natin, at talagang nakakagalit, nakakapikon, na development na kung saan meron na ngang freeze order dito sa mga assets ni Celso delos Angeles, pero sa kadahilanang walang Xerox o sira ang Xerox machine ng OSG ay hindi nila naipadala ito sa mga bangko. Magpaka-totoo tayo. Pino-proteksyunan ba ninyo si Celso de los Angeles? Bakit napakabagal, napakahirap, na isagawa itong mga tulong para sa ating mga biktima? Tingnan ninyo, sa Xerox machine lang, hindi naipalabas itong mga order freezing the assets? Pambihira talaga. Absurd na ito. Ang ating tungkulin ay tulungan itong mga biktimang ito. Hinihintay natin, Madam President, ang inyong aksyon. Ano ba talaga? Wala ka bang damdamin para dito sa mga biktimang ito? Pasukan na naman po. Sana hindi paghuhugas-kamay ang mangyayari dito.

News Latest News Feed