Press Release
June 2, 2009

Transcript of interview during the break of the hearing of the Committee on Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws

Status ng anti-political dynasty bill...

Nireport out na namin yung ant-politicak dynasty bill, bilang isa sa mga apektado sa bill na ito nag-inhibit ako sa bill subalit bago ako nag-inhibit nireport out ko muna sa plenaryo. Itoy parang laying on the table, para hindi ko maimpluwensiyahan o maapektuhan ang bill at ng sa unang pagkakataon mapag-usapan na at mapagdebatehan itong anti-dynasty bill sa plenaryo ng senado.

Pagsinabing nareport out...

Pinapa-draft ko na yung committee report ng walang pagbabago ayon sa bill ni senator lacson upang sagayon sa lalong madaling panahon, sana bago mag-adjourn masimulan ang debate, hindi man sa pagbabalik ng Kongreso nasa plenaryo na yon at pagdebatehan.

Pabor ka ba don?

Sa parte ko ako'y may conflict of interest dahil yung dating nakaupo sa inuupuan na distrito ng aking tatay ay ako at ang tatamaan o apektado kami sa bill na to. Pero maging ganunpaman, maski na may conflict of interest, dinisisyunan kong ireport out ito dahil yun ang tamang gawin para tumakbo yung bill at mapagdebatehan. Subalit ito na yung huling pagpapareticipate ko sa bill na to, ako'y mag-iinhibit sa bill na ito dahil sa conflict of interest.

Maging sa floor?

Lalo na sa floor.

Pero ano yung stand nyo doon?

Personally pabor ako sa anti-dynasty bill at wala rin namang magagawa kahit sinuman dahil nakasaad at nakalagay yan sa Saligang Batas na dapat magpasa ang kongreso ng isang anti-dynasty bill.

Paano ka maaapektuhan?

Hindi kasi ang dating nakaupo sa distrito na inuupuan ko noon sa Kongreso ang tatay ko tapos ang pumalit din sa akin yung tatay ko, saklwa ng anti-dysnasty bill yon, kaya may conflict of interest ako o yung ibang senador din kaugnay sa panukalang batas na ito.

Up to what degree?

Ang proposal as bill ni senator Lacson up to the second civil degree of consanguinity or affinity, mag-asawa, mag-ama, magkapatid.

Ma-aapply to sa 2010?

Kung mapapasa bago non at inasahan ko na sana isulong at itulak ito at makikipag-ugnayan kami sa tanggapan ni senator Lacson para siya na lamang ang magdefend ng bill na to sa floor dahil nga nag-inhibit na ako.

Maraming maaapektuhan ng bill na to

Ang problema ang dapat masusing pag-aralan ng bawat senador at bawat kongresista kaugnay ng bill na ito manalamin sila kung may conflict of interest din sila dahil kung meron dapat hindi sila makilahok at magparticipate sa bill na to at dapat mag-inhibit sila upang maiwan na laman yung mga walang epekto at walang conflict of interest kaugnay ng anti-dynasty bill.

So are you in favor?

I cannot vote for it nor vote against it. Nag-inhibit na nga ako at mag-iinhibit ako.

Under the bill bawal pumasok ang...

Bawal pumalit o tumakbo sa parehong upuan o tumakbo sa ibang upuan o puwesto sa loob ng parehong siyudad o munisipyo o distrito o probinsya, yun ang panukala, hayaan na lang natin yung mga maiiwang senador na madetermina ng magiging kahulugan o ibig sabihin ng dinastiya o dynasty.

Sir iilan na lang matitira dahil majority may conflict of interest...

Ilan man ang maiiwan mababago din naman ang configuration at definition ng majority of quorum para maipasa ang bill na ito.

Sir sa national level bawal din...

Hindi ko maalalang nabasa yon sa bill pero bukas ang bill para maamendahan at masaklaw yon kung saka-sakali. Work in progress ito, hindi pinal ang version na ito ng bill, bahala na yung maiiwang mag senador na walang conflict of interest. Sa panig ko, bagaman may conflict of interest ginawa ko kung ano ang laban sa interest ko, yan ay ang ireport out ang bill at hayaan na lamang ang maiiwang senador na hibugin ang panukalang bataas na ito.

Nagkaroon ba kayo ng committee deliberation?

Ang magdedeliberate na dapat dito mga politikong tatamaan kung saka-sakali dahil tanungin mo kahit sino marapat ipasa na ang batas na ito, partikular na ang civil society at non-government groups at ayoko at hindi ako pwedeng mangasiwa ng pagdinig kung saan may conflict of interest ako.

Yung nireport out nyo without any single na pagbabago?

Ito yung hearing na isinagawa namin kaugnay non, ito yung pagdinig na formally magtatransmit sa bill sa floor.

So sa last hearing magko-committee report na.

Nag-instruct na ako sa committee secretary na gawin na ang committee report para pagdebatehan na sa plenaryo, waalng pinagkaiba ito sa laying on the table ikanga ng bill, walang pinagkaiba ito sa limang senador na hinihiling na ireport out yung bill, may hearing man o wala para pagdebatehan na sa plenaryo ang isang panukalang batas.

Papaano mag-aadjourn na kayo bukas o Thursday?

At least nasa plenaryo na, at least matapos kaming magtake over sa committee noong February, itong committee on revision of laws, agad naming inaksyunan ang lahat ng bills, kabilang na itong anti-dynasty bill. Sir reaction lang ayon kay secretary Puno baka daw si Sen. Gordon ang standard bearer ng administrasyon...

Kung saka-sakali partido nila yon at sila ang magkapartido, desisyon at malaya silang gawin kung ano ang ninanais nila. Ayokong makialam at hindi rin naman apektado ang aming katayuan at partido.

How do you assess it?

Bawat nagnanais na kumandidato dapat seroyohing tingnan ang kanialng potensyal na makakalaban. Walang dapat minamaliit, walang dapat binabalewala.

FVR daw was meeting with the opposition and open to talk with Erap...

Magandang senyales yon dahil politics is addition, malaki ang matututunan ng marami, kabilang na ang oposisyon mula sa isang dating pangulo, kabilang na si FVR.

Posible yon na sumama sa oposisyon si FVR?

Lahat naman posible siguro sa larangan ng politika, kabialng na siguro ang pagkakaroon ng ibat-ibang alyansa lalong lao na sa napapabalitang disgusto ni dating Pangulong Ramos sa ginawa sa pagsasanib ng Kampi at Lakas.

May info kayo na nakipag-usap talaga siya sa oposisyon?

Wala. Wala, not with me ot not through me.

Bukas daw ia-aanounce na yung winning bidder pero ang natitira na lang talaga yung Smartmatic...

Mag-i-schedule kami ng pagdinig at hearing sa oversight committee sa automated election system para dinggin anumang reklamo, kuwestyonin at tanungin ang nanalong bidder kaugnay sa kanialng plano at gayundin ang Comelec. Nagdesisyon at pinili namin na magpatawag ng hearing matapso ang warding dahil ayoko na may masabi ang sinuman, kabilang na ang Comelec, na nakialam ang oversight committee sa pagpili sa kung sino mana ang dapat manalo sang-ayon sa batas.

Sir kaugnay sa pagreklamo ng AMA hindi ba senyales na yon na may hindi magandang nangyayari sa bidding?

Didinggin din namin ang reklamo nila at bibigyan namin ng pagkakataon na mapakinggan, ito ang ng oversight, anumang duda maalis, anumang pag-aalinlangan ay mapawi.

Walang kapangyarihan ang oversight committee baligtarin ang anuamng desisyon ng Comelec, angkapangyarihan lamang ng oversight committee mag-aral at pag-aralan at magbigay ng rekomendasyon pero wala itong kapangyarihan na i-overwrite, i-overturn o i-reverse anuamng desisyon ng Comelec. Noong naghe-hearing kami ang sagot sa akin ng Comelec bahala na yung mananalong bidder, yung winning bidder na ang bahala. Tinatanong namin anong mode of communication, satellite, cellphone, internet ba, sabi nila bahala ang winning bidder. Tinatanong namin kung ano yung hitsura ng makina, bahala na yung winning bidder, nagyon kung saka-sakali may winning bidder na tatanungin namin ng diretso yung nanalong bidder.

Sir comment lang marami daw napapabayaang important bills ang senado dahil sa hearing ng ethics committee...

I think that's an unfair comment, humigit kumulang 30 imbestigasyon pa lamang ang isinasaga ng senado, sa aking huling pagkakabilang mahigit 300 to 500 bills na, lokal man o nasyunal man ang pinapasa ng senado. Ibig sabihin wala pang 5%, halos 5% pa lamang ang mga inquiry in aid of legislation kung ikukumpara sa mga bill na naipasa na ng senado. Parehong trabaho yon na dapat gampanan ng senado at parehong dapat pagtuunan ng pansin.

Nauna nga naming pinasa yon (CARP extension) kaysa sa House wala naman silang hearing kay Hayden Kho at wala naman silang ethics don pero nauna pa ring pinasa ng senado yung CARP kaysa sa Kongreso.

News Latest News Feed