Press Release
June 2, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW with
PINKY WEBB AT DZMM

On Pulse Asia survey

Q: Malakas ka sa ABC, lumalakas sa D pero kulang pa din sa E. Anong sinasabi ng mga strategists niyo dito?

MAR: Sa totoo lang, hindi ko pa nakikita ang mga detalye at hindi pa ipinapaliwanag sa akin. Sa ngayon ay laking tuwa ko lang at nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan sa tiwalang na ipinagkaloob nila sa akin. Nagsisilbi itong inspirasyon at hamon para ipagpatuloy ko ang ipinaglalaban natin na pantay na laban para sa lahat.

Q: Challenge sa mga kandidato palakihin ang suporta ng masa ...

MAR: Importante ang lahat ng kababayan natin. Sa totoo lang, 'yung mga higit na nakararami, lalong-lalo na 'yung mga mahihirap sa buhay, walang pag-asa, walang makakain, walang trabaho, 'yung nasa D at nasa E. Pero nangangailangan ng tulong ang lahat ng ating mga kababayan. Ang pinakamahalaga dito ipagpantay natin ang laban para sa kanilang lahat. At ang isa sa pinakamahalaga ay 'yung sa edukasyon.

Q: Kung magtuloy ang statistical tie among the top 5 hanggang eleksyon, ang mangyayari, split ang ratings sa 5 at mahihirapan ang isa na manalo sa isa kasi too close to call. Anong nakikita ninyong mangyayari kung ganito ang situation na too close to call? Malaki ang posibilidad na manalo si ay Vice President De Castro laban dun sa 4 na nagsasabing oposisyon sila?

MAR: One year na lang ang eleksyon pero matagal pa talaga iyan. Ang punto dito ay kinikilatis kaming lahat ng taumbayan at palagay ko, hahatol sila ng tama. Dahil alam nila na kung mali ang hatol, mali ang pagpasya, nakikita nila na anim na taon na naman na pagpeperwisyo, anim na taon na naman na kawalan ng pag-asa, walang trabaho, walang patutunguhan ang bansa natin. Kaya palagay ko, sa darating na mga buwan talagang kikilatisin kami ng mga kababayan natin at pipili sila ng tama.

Para sa akin, iyong tiwala na ipinagkakaloob nila sa akin, magmula nang ako ay tumakbong senador at hanggang ngayon, hanggang sa darating pa, ito'y nagsisilbing inspirasyon na gawin ko ang tama, gawin ko ang tuwid at tapat para sa ating mga kababayan.

Q: Are you considering withdrawing para lang masiguro na hindi administration ang manalo?

MAR: Hindi ko nakikita na ang halalan sa 2010 ay administration versus opposition. Ang halalan sa 2010 ay tungkol sa, saan ba natin gustong dalhin ang bansa natin at sino ang pinakamabuting piloto o driver o magmamaneho ng bansa natin? Palagay ko iyan ang paghahatulan ng bansa natin. 'Yung admin at oppo na labanan, parang pass� na iyan eh. Nakikita naman eh, sabi nga nila di ba, statistically tied. Kung ganun ang sinasabi ng nag-analyze nito, na statistically tied, eh di there are 4 chances out of 5 na opposition ang mananalo. Ang punto dito, para sa ating mga kababayan, at para sa akin na rin, saan ba natin gustong dalhin ang bansa natin? Ano ang pamamaraan? At sino ang pinakamagaling na piloto para makamit natin ito? Para sa akin, dapat itigil ang pangungurakot, mga anomalya, dapat ibangon nating muli ang ating bansa at mabigyan natin ng pag-asa ang ating mga kababayan.

Q: Mukhang walang atrasan ito, sir?

MAR: Lalaban tayo!

Q: May texter kami dito: Napakarami ng sinira ni Mar Roxas. Nawalan kami ng hanap-buhay dahil sa pre-need. Mga agents kami ng Prudential Life Plans. - Marissa

MAR: Marissa, ahente kayo ng isang produkto na hindi naman po ako ang nagpapasya kung tama po iyan o hindi kundi ang ating mga kababayan. Nakita ng mga kababayan natin na alanganin itong mga produkto ng pre-need na ito. Nakita nila 'yung CAP, nakita nila 'yung Legacy at lahat ng 30 pa na kumpanya na nagsara at naunsyami na lang, nawala ng parang bula, ang mga pera at pag-asa ng ating mga kababayan. Palagay ko iyan ang dapat sisihin natin. Na kung saan nakikita ng mga kababayan natin na ang kasiguruhan na akala nila mabibili nila sa pamamagitan nitong mga pre-needs ay nawala na. Iyan po ang nangyari diyan. Para sa akin, binabantayan ko po ang interest ng lahat ng mga bumibili ng mga planong ito kasi hindi ko gusto na naloloko sila, hindi ko gusto na pinagsasamantalahan sila, na ninanakaw ang kanilang pera at ang kasiguruhan para sa tuition, para sa pag-retiro, at kamatayan ay nawawala ng basta-basta na lang. Para sa akin, pino-proteksyunan ko po iyan.

On state of education

MAR: Kahapon lamang ay nandun ako sa Payatas elementary school. Bilang chairman ng committee on education, tinitingnan ko ang sitwasyon ng edukasyon dito sa ating bansa. At kitang-kita na kulang na kulang pa rin talaga. 'Yung pera, 'yung tamang paggastos nitong perang ito sa edukasyon. Paano natin ipapantay ang laban, lalo na para sa mahihirap, kung hindi natin sila bibigyan ng magandang edukasyon.

News Latest News Feed