Press Release
June 2, 2009

Transcript of interview with Senate Reporter with Sen. Manny Villar

Q: Ano ang reaksyon mo sa paglilitis today?

Villar: Kagaya naman ng inaasahan natin, wala naman tayong nakitang bago diyan, halimbawa iyong mga alignment, talagang nagugular ako sa mga kalye na iyon. Meron pang sinasabi na hanggang Noveleta. Sa palagay ko iyon ang toll road at iba talagang kalye iyon. In fact, by now dapat alam na nila na dalawang kalye ang pinag-uusapan, isang may bayad at isang wala. Iyong hanggang Noveleta, iyon ang toll road. Wala akong kinalaman doon. Sabi ko nga, hindi ko malaman kung bakit nabanggit iyon dahil hindi naman iyon ang C-5.

Q: Doon kasi sa mga ipinakitang sulat, dokumento kanina, like iyong letter of request nabanggit iyong word na realignment, iyong sulat ni Asec. De Leon recommending realignment din so parang nagkakaroon ng ...

Villar: Alam mo iyong realignment, normal iyan kapag merong dadaan sa iyo minu-move nila. Kamukha nga ng profile na pinakita nung una, nag-request ang LRT ng realignment kasi ginagalaw-galaw iyan kapag dumaan sa iyo ginagalaw-galaw iyan depende kung ano ang gusto ng DPWH. It does not mean na it's a major realignment. The things is, walang pagbabago kaya wala akong nakikitang pagbabago doon sa mga sinabi ko dati, iyon pa rin ang aking posisyon rito. Ang maliliit na alignment na iyan ay normal, in fact ang ipinakita niyang profile ay request ng LRT. Inuulit ko, kasi tinutukoy na para bang masamang daanan ang property mo. Hindi ko naman itinatanggi na dumaan sa property ko, itinuro ko nga sa inyo lahat iyan diba sa media? Walang masama diyan. Kung kukunin ang lupa ninyo, babayaran naman kayo talaga diya. Ang masama kung may overprice. Iyan naman ay zonal value ang ibinayad at ayon sa batas kapag zonal value, iyon talaga at walang negosasyon. Kaya nagtataka ako na pinapalabas na parang may itinatago ka, wala akong itinatago. Talaga namang dumaan sa aking property iyan kaya nga lang sinasabi ko, iyon namang issue na inire-realign, inuulit ko uli na nakakatawa na na dalawa talagang project iyan at iyong isa ay iyon nga sigurong sinasabi niya na hanggang Noveleta. Hindi iyon nababago hanggang ngayon.

Q: Doon sa tatlong pinakita na TCT na sinasabing may annotation sa likod na naremata na ng Central Bank, binayaran pa rind aw kayo doon?

Villar: Kuryente na naman. Alam mo iyang nabayaran kami diyan, ang pagkakaalam ko iyan ay ibinalik sa Central Bank dahil hindi naman sa kumpanya namin iyon. Nung ibinayad sa kanila, nagtataka sila kaya ibinalik nila doon sa may-ari. Iyon ay pag-aari ng Central Bank. Kaya kuryente na naman. Hindi napunta sa kumpanya namin ang pera na iyon na sinasabi nila. Iyon ay ibinayad sa amin dahil siguro ang titulo ay nandoon pa pero iyon ay naibayad na kaya ibinalik yung pera doon sa Central Bank, hindi napunta sa kumpanya. Kuryente na naman talaga.

Q: Nagkaroon ng initial na bayad but ...

Villar: Hindi, kasi ibibigay iyon kung kanino nakalagay yung titulo. Pero it does not mean na yung kumpanya pa ang may-ari nun. Maaari kasing naibayad na pero hindi pa nata-transfer ang titulo. Pero iyong perang ibinayad ay hindi napunta sa kumpanya, napunta iyon sa Central Bank.

Q: Hindi dumaan sa ...

Villar: Hindi, ibabayad muna sa iyo pero isu-surrender mo rin sa Central Bank. Hindi naman iyo iyon kaya ibinayad iyon. Kaya kulang ang impormasyon nila. Ang impormasyon lang nila ay naibigay sa kumpanya pero hindi na nila naituloy ang imbestigasyon nila na iyon ay ibinayad right after sa CB. Kaya kuryente na naman.

Q: On Pulse Asia survey

Villar: Sa akin, maganda iyan. Sa akin naman SWS, Pulse Asia, ay welcome naman sa akin at talaga namang mainitan. Okay lang naman sa akin iyan. Syempre hindi pa natin malalaman kung paano maghuhusga ang mga tao kaya maganda na ang ratings ng dalawang agencies na iyan, yung SWS at Pulse ay normally ina-average iyan. Iyong SWS nakita ko rin naman at iba rin ang resulta. Iko-compare natin iyang dalawa.

Q: May bago na kayong SWS, sir?

Villar: I think malapit na ring lumabas.

Q: Hindi na raw masyadong malinaw kasi statistically tied kayo sa Pulse Asia.

Villar: Oo.

Q: Naapektuhan kayo dito sa issue?

Villar: Hindi naman. Ang totoo niyan ay one point lang iyon sa Mindanao. Sa akin okay lamang ang iyan basta ang importante ay makita mo kung paano kasi doon naman sa isang survey, tumaas naman ako ng malaki. So babalansehin mo rin iyan, depende kung saan ka naniniwala. Syempre normal na mas maniniwala ka kung saan ka mas maganda. Halimbawa sa dalawang survey na iyan ng SWS at Pulse, mas naniniwala ako sa SWS dahil doon ako mas maganda. Normal naman iyan. Pero sa akin, okay nang lahat iyan at walang problema sa akin iyan.

Q: Number one na kayo sa SWS, sir?

Villar: Tingnan n'yo na lang. To be fair with them, they will be releasing it shortly.

Q: On C-5 trial

Villar: Wala namang bago doon. Nakakagulat na hanggang ngayon ay ipinapalabas pa rin ang realignment. Dalawa ang kalye na iyan at naiiba ang toll road. Ngayon nga meron daw hanggang Noveleta pa. Palagay ko ang Noveleta siguro baka iyon ang toll road. Ano naman ang kinalaman ko sa proyektong hanggang Noveleta? Anyway, walang bago doon at sa tingin ko nga lumiwanag pa na dalawa iyong proyekto. Doon naman sa dinaanan ang property ko, maski kalian naman hindi ko itinanggi na dinaanan ang property ko. Sinabi ko naman din na kapag dinaanan ang property mo, nasa Konstitusyon naman natin, nasa batas na dapat naman babayaran ka. Pero nililiwanag ko lang na walang overprice iyan, ang ginamit po ay zonal value kung nabayaran na nila.

Q: Iyong P400 million po?

Villar: Iyon ang pinakamalaking kuryente, parang National Power Corporation iyan. Wala iyang P400 million na iyan. Hindi ko malaman kung saan na naman nanggaling ang amount na iyan. Hindi ko na laman kung ako ay matatawa subalit sana ay dahan-dahan naman sapagkat nasasayang ang oras n gating mga kasamahan sa SEnado. Iyong mga ganyang iresponsableng statement ay nakakahiya. Wala poi yang P400 million na iyan. Itinatanggi ko iyan, wala kaming natatanggap na ganyan.

Q: Iyong iginigiit ni Madrigal na iyong Bangko SEntral merong narematang property pero kayo ang binayaran ...

Villar: Alam mo, hindi kami nagke-claim. Iyan ay chinek ko na, narinig ko na iyan. Nung binayaran kami, binigay naming agad sa Central Bank kaya kuryente na naman ito. Akala na naman natanggap namin. Binigay sa amin, sabi ng kumpanya ko, hindi amin ito sa Central Bank na ito. Dali-dali ibinigay nila ang tseke doon na matagal na. Kaya walang tinatanngap ang kumpanya ko doon sa property ng Central Bank, ibinayad sa kanila ang right of way. So mali na naman. Kulang na naman ang research ni Sen. Jamby. Kuryente na naman.

Q: Sabi po ni SP Enrile, ipapatawag ang Central Bank, DPWH para nga ma-verify itong mga information na ito.

Villar: Okay din. Ang sa akin lang naman, para malaman nila in fact, pwede ko nang ipakita ang resibo siguro. Sana lang kapag naipakita ang resibo, mag-resign naman ang nag-aakusa ng ganyan.

Q: Iyong pagda-divest ninyong mag-asawa ...

Villar: Ito ay naipaliwanag ko na noon na ang divestment rule sa ating batas po ay iba sa members ng KOngreso, iba sa Executive. Ang miyembro ng Kongreso sa ating Konstitusyon ay kailangan lamang i-disclose lahat ng kanyang financial interest. At doon ay sumusunod kami, wala kaming bina-violate diyan. Sinusunod po naming ang batas sa divestment. Maliwanag an gating batas diyan. Nagtataka ako bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita na magkaiba talaga. Kasi collegial body ang Kongreso at walang isang senador o congressman na responsible sa isang panukala. It's a collegial act. Iyong Executive, pwedeng isang tao lang ang gumawa ng aksyon pero sa Kongreso, collegial kaya iba ang requirement niyan sa divestment, iba sa Executive. Sana mag-research muna sila.

Q: On Pulse Asia survey

Villar: Okay naman bagamat bumaba ako ng isa sa Mindanao, palagay ko kung saan ako bumaba ay wala namang kinalaman dito sa issue. In fact, sa tingin ko ang dapat nating gawin ay balansehin natin ang mga surveys, SWS, Pulse, titingnan natin pareho at ia-average natin kung ano ang maganda at kung ano ang lumabas na average siguro iyon ang dapat na tingnan. Ako ay nagre-rely din sa survey, iginagalang ko talaga ng Pulse pero sa akin nagsisilbing hamon iyan. Titingnan ko muna ang SWS kung ano naman ang kanilang masasabi sa resulta na iyan at ikukumpara natin. Pero okay lang sa atin iyan at hindi naman tayo dapat maapektuhan ng monthly changes niyan.

News Latest News Feed