Press Release
June 9, 2009

Transcript of the Majority Leader's interview with Nimfa / dzBB

Sabi niyo po you'll campaign against Bayani Fernando?

Well he is pitting me to the wall yun ayoko sanang magsalita, hindi na sana ako magsasalita. Noong kinausap ako ng mga kapartido ko na huwag na lang tayong magbanggit ng mga kandidato open na lang yun selection committee kung sino ang ating pipiliin tumahimik na ako. Ang problema itong si Bayani Fernando doon sa ANC, sa leadership forum binanggit niya iyong pangalan ko. Na ako lang daw ang against sa kanya tapos pagdating naman sa newspaper ngayong umaga binanatan pa ako, na ako ay traydor at kung ano-ano pang sinasabi niya sa akin. Kung naghahanap po siya ng kaaway at gustong kumampanya kontra sa kanya ako ay puwedeng mag-volunteer walang problema sa akin iyon dahil sabi ko nga kung sa traydor lang ayoko sana itong banggitin pero last October 10, 2007 sa isang committee on housing hearing may lumapit sa akin halos daan-daang pamilya nakikiusap na kung puwede huwag gibain iyong kanilang tahanan sa Quezon City at ang pakiusap lang nila ay sana bigyan lang sila ng tatlong lingo para ma-dismantle iyong kanilang mga bahay, tanggalin iyong mga yero para sa ganoon ay matino po ang pagplipat nila at hindi masasayang ang kanilang mga materyales. Nagpa-hearing po ako at nakiusap po ako kay Chairman Bayani Fernando hindi po ako ay dahil senador kundi ako ay chairman ng committee on housing nakikiusap ako sayo na kung puwede magkapa-partido po tayo na kung puwede bigyan lang ng tatlong linggo itong mga ito para makalipat naman sila ng maayos. On record nagsabi siya ng oo. Sabi niya okay kasi ikaw na ang humihingi sa akin ng pabor gawin natin iyan e, wala pa namang limang araw ay pinagde-demolish at pinison ang mga bahay doon. Bumalik iyong mga informal settlers sa akin na umiiyak at nagtatanong anong nangyari sa pinagusapan natin at pinangakuan ni Chairman Fernando. This is on record. Talagang ito po ay nasa records ng aming committee, so ganyan ba ang klase ng taong gusto nating maging presidente na walang puso para sa mahihirap? At hindi tumutupad sa usapan? Sinong traydor ngayon? Huwag hindi po niya puwedeng itanggi ito dahil naka-record iyan lahat meron po akong tape recording at video ng aming committee hearing kaya huwag niya pong sabihin na ako pa ang traydor. Nasa demokrasya tayo at sa isang demokrasya puwede po kaming mangampanya para sa aming mga kandidato kung sinong gusto naming kandidato sa pagka-pangulo. Ngayon ako ay nagsasabi ng katotohanan lamang ang problema itong si Chairman Fernando ay balat sibuyas at napipikon. Hindi ko naman sinabi na hindi siya magiging kandidato ng ating partido. Ang sinasabi ko lang kailangan niyang mag-double time dahil hindi siya binabanggit ng ating ibat-ibang kapartido sa ibat-ibang probinsya. Kasalanan ba iyon? E, balat sibuyas iyong tao tapos "shut up" ang sabi sa akin. Aba hindi pa nga siya presidente shut up kaagad ang payo niya sa mga miembro ng partido hindi naman puwede iyan. Hindi naman dapat diktador ang style ni Chairman Fernando. Kaya dapat na siya siguro ang mag-shut kasi ako ay nanahimik na inuudyok niya pa ako doon sa ANC leadership forum, in-udyok na naman ako sa newspaper ngayon at kung ako ay umikot at magsalita, kausap ko iyong mga kamiyembro naming ng partido ay talagang baka bumaba pa lalo ang rating niya. Kaya mas mabuti na lang kay Chairman Bayani Fernando huwag kang balat sibuyas. Huwag kang mapikon at makinig ka please sa mga kamiyembro mo at hindi lamang sa mga sipsip sayo diyan sa MMDA.

Talking of chances, may chance ba siya na ma-endorse na standard bearer ng Lakas-Kampi considering na noong convention niyo ni wala yatang sumalubong sa kanya? Sina Sec. Teodoro at saka si Vice?

Hindi nga siya sumipot sa convention namin. Kung ganya po iyong attitude niya at hindi siya sisipot at gusto niya parang coronation na lang ito, alam mo iyong coronation ng mga prinsipe na gawing hari iyan ang gusto niya sa tingin ko talagang maba-bad shot siya sa mga miyembro ng partido. Masyadong malakas ang dating niya dapat hinay-hinay lang siya at huwag siyang maghahanap ng kaaway sa partido. Alam mo mas mabuti pang gawin niya ang ginagawa ng dalawa na si Noli de Castro atsaka si Gilbert Teodoro na imbes na awayin iyong mga miyembro ang ginagawa po nila umikot sila sa ibat-ibang parte ng bansa nakikipagusap sa ating mga miyembro iyan ang mas maganda.

Hindi siya sir nakikipagusap sa mga members? Ang gusto niya ako lang ang Lakas, ako lang ang i-endorse niyo?

Iyan ang gusto niyang ipalabas. Gusto niyang ipalabas "na ako lang tumatakbo sa partido, so wala na kayong ibang pipiliin pa ako na" hindi naman puwede iyon dahil ito ay demokrasya. Ang gusto ko nga mangyari na pabor sana sa kanya na pagdating sa selection ng ating kandidato sa national convention magkaroon ng halalan na one delegate, one vote. Isang delegado po ng partido ay makakaboto po para sa kanyang manok na pagka-presidente at bise-presidente. Mas pabor sa kanya iyon kasi ayaw nga niya na pipiliin ng iilang tao, so ako ay kampi sa kanya diyan, pabor kaming dalawa na pipiliin natin ang mga miyembro. Ngayon ang dating niya ngayon ay iba ang gusto niya dahil siya lang ang kandidato sa aming partido dapat ilagay sa kanyang ulo ang korona, ang crown ng partidong Lakas-Kampi ay hindi naman puwede iyan. Meron po tayong proseso at ang tamang proseso diyan ang mga miyembro ang pipili ng ating kandidato sa pagka-pangulo. Kaya ang payo ko sa kanya na imbes na awayin po ako, awayin po kami mas mabuti pa na ikampanya po niya ang sarili niya sa mga miyembro kaysa mapikon siya. Dahil iyong sinasabi niyang mga "shut up" at kung ano-ano pa ay hindi po makakapag-bigay ng boto sa kanya lalong-lalo na sa ating mga kasamahan sa Mindanao. Kaya mas mabuti na sa halip na maghanap siya ng kaaway mabuti pang mangampanya na lang siya sa mga kapartido niya.

Doon sa mga survey would it matter doon sa choice ng coalition?

Of course it matters. Hindi po ako mambobola sa ating mga taga-pakinig kapag hindi ko sinabing it does not matter. It definitely matters because unang-una winnability ay napaka-importante ay si Chairman Bayani Fernando naging 0.3 percent na lang dati 1 percent nagging 0.3 pa kaya malaking bagay iyon. Malaking bagay iyon at hindi ko sasabihin na hindi malaking bagay. Malaking bagay po iyon.

Kailangan din ba siyang magpaka-totoo na hindi siya winnable?

Alam mo hindi ko naman sasabihin sa kanya iyon. Ang sasabihin ko ay lahat po tayo ay puwedeng mangarap tsaka managinip basta huwag lang pong mang-insulto ng ibang tao.

Hindi kayo galit sir?

(laughs) Alam mo naman iyon di ba? Nanahimik ako di ba? Ito lang si Chairman Fernando masyadong balat sibuyas. Ako na nga ang tinamaan sa ANC forum nag-react ba ako hindi ko siya pinansin pero ngayon na ginawa na niyang personal ay ibang usapan iyon.

Sinabi niya iba-block daw niya ang entry nina Vice President De Castro sa Lakas Coalition pupuwede ba niyang gawin iyon?

Puwede. Alam mo puwede niyang may demokrasya tayo alam mo ang problema kay Chairman Fernando hindi niya alam kung anong ibig sabhin ng demokrasya. Paano niya gagawin iyon pagdating po ng executive committee meeting umattend siya at gawin niya he should put it to a vote. Gawin niya "I move to declare Teodoro and Noli De Castro as not fit to be a candidate for the coalition" iyan ang dapat gawin niya. Iyan ang dapat gawin niya mag-move siya ng ganoon at titignan natin kung may boboto pabor sa kanya. Iyan ang dapat niyang gawin at iyan ang tamang proseso. Hindi po niya puwedeng sabihin na hindi papasok itong dalawang kandidato dahil may karapatan itong dalawa na pumasok sa selection process. Katulad niya ipagtatanggol ko po si Chairman Bayani Fernando kung may magsabi na hindi siya puwedeng isama sa selection process. Ipagtatanggol ko po siya pero huwag naman niyang sabihin na itong iba hindi na puwedeng sumama sa selection process at ipagtatanggol ko din sila.

News Latest News Feed