Press Release
June 18, 2009

Transcript of Kapihan sa Senado, first part

Sino ba ang grupo ng senador na may plano magboycott ng SONA?

Sa totoo lang hindi ko pa pinag-iisipan kung pupunta ako o hindi. Tawagin man yung boycott o hindi pag-boycott sa SONA. Matagal pa naman yun e. Napakaaga para pag-usapan pero isa ang titiyakin ko sa inyo: hindi ako magpapagamit at wala rin sigurong senador na magpapagamit sa Kamara de Representantes kauganay ng con-ass o ng cha-cha. So mag-attend man ang mga senador sa SONA, ang important e wala sila run at hindi sila magamit kapagka pinukpok na ang martilyo para sa pag-convene ng isang constituent assembly.

What do you mean na magagamit?  In what way?

Kasi baka pagpukpok ng martilyo para sa con-ass, nandun pa yung Senador at tatayo-tayo pa run. Siguro dapat kung mag-aattend man ng SONA, tumayo malapit sa pintuan at sa exit. Para anytime con-ass na pala ang pinupukpok, e agad nang lumabas ang senador para hindi siya magamit wittingly or unwittingly.

That I think is the Gordon formula. I heard him say he will attend but any discussion about the con-ass, he's walking out.

Siguro pwede tayong maniwala na lahat ng senador, ganun ang gagawin kung may mag-attend man. Sa parte at punto de vista ko sa totoo lang, napakalayo pa nun para pag-isipan ko kung anong gagawin sa pag-attend o di pag-attend dahil ilang ulit naman na nagpunta at ilang ulit na rin akong nag-boycott at di nagpunta depende sa pagkakataon at depende sa panahon kung saan may isinusulong na hindi ko gusto sa administrasyon.

Are you prone or inclined to not attend, wag naman boycott?

At this point in time, I'm inclined not to attend because I think there are better things to do than to listen to politicking and again listen to the figures that cannot be seen or felt on the ground by our people. You have about three or 4 months to go before your birthday, before you get qualified.

Have you made up any decisions?

If at all I have, it will still be announced after I turn 40 and not before for the simple reason that I am as of now not qualified for that position other than that which I am holding, that of being a senatdor. Sinasabi na nga ng ilan na bata at nagmamadali, mamadaliin ko pa. wala pa ako sa edad. Darating din siguro sa araw na iyon hindi lang siguro sa araw na ito.

When you turn 40, you are barely a month I think before the start of the filing of certificates of candidacy. Tama ba yun?

That is correct but under the law you must be of age on the election so the window actually is even farther, May 10, which you must be of age if you are to qualify for a higher position other than that of being a senator.

Oo pero by that time you must have made up your mind because meron bang late na pwede mag-file ng certificate of candidacy past the deadline?

Wala na. November 30 is the deadline as of now based on the Comelec resolutions if automation will be pursued and will proceed.

May possibility ba na magkaroon ng con-ass during the joint session?

Kabastusan yun para sa akin dahil unang-una, du process dictates that n otice should be given. Ang imbitasyong ipapadala nila para sa SONA. Kabastusan naman kung biglang isisingit nila ang con-ass sa isang psgtitipon na hindi sinasabi sa myembro na iyon pala ang pag-uusapan. Kung ganun na sila kabastos siguro dun na nila makakamit at makikita yung tunay nag alit hindi lamang ng mga senador o pera ng sambayanan kaugnay sa kanilang gagawin. Ilegal na nga, hindi na napapanahon, bawal na nga, pambabastos pa ang gagawin kunsakaling mangyayari nga iyon.

So sa tingin nyo kaya nilang gawin iyon?

Hindi naman siguro pero hindi na rin ako magugulat kung bigla nilang gawin.

Comment ninyo po don sa mga sticker na natanggap ng mga reporters...

Alam ninyo tulad lamang yan ng keso na magpapadala lang kalahati pa. bahagi na siguro ng itnriga, ng tsismis, ng paninira na kasabay ng darating na halalan ang mga ganyang uri ng gimik. Pero para sagutin ng diretso, hindi sa amin galling yan, hindi kami ang nagpakalat niyan. Hindi naming inatorisa yan at maliwanag na naninira lamang kunsaka-sakali. Sa kabilang banda, hindi rin naman dapat magalit ang sinumang politikong biktima ng ganitong uri ng gimik dahil bahagi yan ng pinsaukan naming mundo. Ang pagkakaroon ng mga kritiko na duwag at ayaw magpakilala, ang pagkakaroon ng mga kritiko na nais lamang manira. At minsan mas maganda na rin siguro ang pinapansin kesa hindi ka pinapansin.

So simula na yon ng black propaganda?

Black, violet, blue or red basta propaganda, propaganda pa rin na may kinalaman sa halalan.

Napapangiti kayo sir ah?

Kaysa naman magalit ako.

Parang pinapalitaw na may koneksyon kayo sa Smartmatic...

Sasagutin ko na rin ng diretso, hindi yan totoo at maliwanag na paninira yon, ang rason kung bakit hindi muna pumasok ang oversight committee sa bidding procedure na ginagawa ng Comelec dahil ayaw naming may masabi ang sinoman, kabilang na ang Comelec na nakikialam at naprepressure ang oversight committee sa kung sino ang pipiliing winning bidder ng Comelec, nag-timing talaga kami na ngayong mayroon ng winning bidder, ngayon lang namin ipapatawag ang hearing para wala kaming pressure o impluwensiyang ibibigay o idudulot sa Comelec sa pagpili sa kung sino ang karapat-dapat. Panagalwa yung nagdi-debate kami tungkol sa budget sa Comelec, lahat ng tanong ko sa comelec ang isinasagot sa akin, bahala na raw ang winning bidder, ngayong may winning bidder na tatanungin namin lahat ng mga pagdududa, alinlangan at hindi masagot ng Comelec sa nanalong bidder, kabialng na rito ang mga sumusunod na tanong, ano ba ang security feature ng balota, paano ba electronically transmit ang resulta ng boto sa mga malalayong lugar, sa mga bundok na waalng signal, anong security feature ng e-transmission na yan, anong garantiya na hindi madadaya ang makina, kaya ba nilang i-roll out itong automated election system sa loob ng isang taon at paaano kung pumalpak ito sinong mananagot at ano ang kabayaran na ibibigay ninuman.

So may hearing kayo next week...

Sa darating na martes.

GMA to run in Congress...

I think yung pagtakbo ni GMA bilang kongresista sa Pampanga is more of an ethical and moral issue than a legal issue, maliwanag naman kasi ang batas waalng prohibition para tumakbo siya bialng kongresista, hindi nalagay sa batas dahil hindi naman siguro nakonsidera at napag-usapan ng mag sumulat sa batas natin na may isang nakaupong presidente o dating presidente na tatakbo pa sa mas mababang posisyon. Yan ang hindi ko maintindihan, presidente ka na o dati kang presidente bakit ka pa tatakbo sa mas mababang puwesto tulad ng kongresista, anupa ang gusto mong patunayan at ano pa ang hindi mo napapatunayan at gusto mo pang manilbihan sa mas mababang posisyon, ikaw lang ba ang pedeng ugmanap ng papel bilang kintawan sa distritong yan, wala na bang ibang magaling na tumakbo na pedeng tumakbo sa distritong yan, kabialng ang kanayng anak at siya lang talaga ang pedeng umanap ng tungkuling yan. Ilang mga katanungan na nagbibigay daan para sabihin ng ilan na masama sa panlasa at masamang tingnan ang balakin o pi-float na idea na tatakbo si Pangulong arroyo bilang congressman sa Pampanga.

Si Erap tatakbo rin daw kung tuloy si GMA?

Hamon yon kay Pangulong Arroyo kung saka-sakali ni Pangulong Estrada at para sa akin yon ay pagsagot lamang at pagtugon sa nabanggit ko ngang hindi maganda at hindi masarap sa panlasa na balak gawin ni Pangulong Arroyo.

Si FVR ba walang balak?

Hindi ko alam, pero tulad ni Pangulong Arroyo at Pangulong Estrada walang prohibition na tumakbo para sa mas mababang puwesto para sa sinumang nakaupo o dating pangulo kung nanaisin niya.

Si Danding Cojuangco, tatakbo ba siya?

Hindi ko rin alam, sa pagkakaintindi ko ay hindi.

Si GMA magkakaroon ng immunity suit kapag nanalo siya?

Ang immunity from suit applies only to the President, not even to the vice president or any senator or congressman. The immunity provided for to a member of Congress is immunity from arrest for any crime the penalty of which is below six years. Kung mataas sa anim na taon pedeng arestuhin maski na mababa sa anim na taon pede pa ring kasuhan, hindi lang pedeng hulihin pa.

Pero kung prime minister?

Kung prime minister ibig sabihin babaguhin mo na yung Saligang Batas at hindi na natin alam kung ano ang ibig sabihin ng immunity at ano ang saklaw nito.

Pero hindi pa kayo at least concern na lumusot itong 1109 sa Supreme Court dahil may two new associate justices coming in again as chosen by GMA?

Dalawang bagay rungkol dyan, bilang abogado hindi ko pedeng pangunahan o sabihing wala akong tiwala sa Korte Suprema anuman ang pribado kong pananaw kaugnay nya. Pangalawa dapat sanang maghunos-dili ang mga congressmen sa pagmamalakit pagmamayabang at paghahamon na iakyat ito sa Korete Suprema na para bagang sinasabi nila na sigurado silang panalo kapag inaykta ito sa Korte Suprema. Hindi maganda ang kanilang nais ipalabas kaugnay ng pagiging malaya at independent ng korte suprema sa kanilang pagmamayabang at paghahamon at pagpapakita ng lakas ng loob. Pinanghahawakan ko pa rin ang pagiging makakasaysayan at pagmamahal sa batas ng mga miyembro ng korte suprema sino mana ng nag-apoint sa kanila, saan man sila nanggaling dahil tatagal at aabot sa saling lahi at napakaraming henerasyon ang isusulat nialng pasya at desisyon kaugnay sa bagay na ito na napaka liwanag naman sana ng direksyon na dapat tahakin nila kaugnay sa pagbaba ng desisyon sa isyung ito.

On surveys..., sa latest na pinalabas na SWS, number one si Villar

Iisa lang naman palagia ng reaksyon ko sa survey, sino man ang mataas, hindi dapat magyabang, sino man ang mababa hindi dapat magalit o mainis dahil survey lang naman yan, ang pagbabasehan pa rin kung sino ang mauupo at mananalo at magtatagumpay boto pa rin ng tao pagdating ng halalan sa darating na taon. Suriin lang natin ang survey ang tanungin natin ang ilang simpleng mapanuring katanungan: sino ba ang nagpa-survey, ano ba ang tanong, accurate ba ito at dyan ko lang ba ibabase ang desisyon ko kung sino ang iboboto o pipiliin ko. Tatlong simpleng katanungan kaugnay ng mga survey na lumalabas at naglilipana ngayon.

In connection with the surveys, this one it has been reproduced I think today was done about three or four months ago. So do you think this is deliberate?

Tanungin na lang natin sa nagpublished o nagpalabas ng kuwento kugn saka-sakali kung bakit marami naman ang sumunod na survey pilit pang nilalabas yung survey na mas matanda na kaysa ron sa mga bago. Pangalawa ang total ng survey partikular ito sobra sa 100%, paano naman at bakit nangyari yon samantalang one-on-one ang laban.

Reaction sa frequent travel ni GMA abroad...

Ididikit ko yan sa usapin kaugnay sa panukala ng Department of Financena magtaas ng buwis, bago magtaas ng buwis ang gobyerno sana ang tingnan muna nila, una kolektahin ang tama ang umiiral na buwis. Pangalawa tigilan ang sumuggling para tumaas ang kita at revenue ng gobyerno at pangatlo babaan ang gastusin o hindi mga kinakailangang gastusin ng gobyerno, cut cost ika nga. Yan ang dapat munang gawin ng gobyerno imbes na magtaas ng buwis, pero imbes na ganyan ang gawin ang ginagawa nil gastos ng gastos, byahe ng byahe at kapalit non itataas lamang ang buwis sa kabila ng napipintong recession na parating o nandito na sa ating bansa.

Sir nagte-take advantage na ba si GMA kasi malapit ng matapos ang kanyang term?

Hindi ko alam pero anuamng gastusin ng pamahalaan sana tanungin ni Pangulong Arroyo ang sarili niya, una kailangan ba talaga ang byaheng ito, pedeng hindi na para makatipid naman ng kaunti ang gobyerno. Pangalawa, ganito ba karaming kongresista ang kailangang kasama o pedeng naman dalawa o tatlo na lamang para mas makatipid ang gobyerno. In times of acute public want, government should not spend lavishly because this does not appeal both well to our people, especially when you are once again knocking at their doors for new taxes.

Sir wala daw liquidation sa mga travel nya according to CoA...

Sa darating na budget deliberation yan ang isang bagay na titingnan muli namin kaugnay ng paggastos nila ng pera sa budget ng taong 2008 dahil yon pa lamang ang may CoA report kung saka-sakali. Masakit na malaki na nga ang ginagastos, kulang na nga ang pera gusto pang taasan ang buwis, hindi pa ili-liquidate.

May info ba kayo kung magkano ang gastos ng presidente bawat taon sa kanyang trip abroad?

Hindi ko alama ng eksaktong bilang pero nais ko sanang makita dito yung accounting at charging system na matatagpuan sa ibang bansa. Kung pupunta ang presidente sa siang lugar at gastos ng gobyerno yan at na-charter ang eroplano, kapagka may kaibigang siyang naghitch hike at sumabay lang na papunta ka rin lang naman doon baka pedeng sumabay na. sa ilalim ng batas ng iabng bansa, kelangang bayaran pa rin niya yung pamasahe at upuan nong taong sasabay. Kung siya ay pupunta sa isang lugar ang pakay niya ay politika para sa partido niya, bilang pangulo at personal para bisitahin ang isang kamag-anak idi-divide nila yung bilang at dami ng oras na gagastusin niya sa tatlong bagay na yon, at magbabayad kugn sino ang makikinabang. Halimbawa if it is a presidential function babayaran ng gobyernoa ng presidential function, if it is a party function babayaran ng partido yung party function o yung ocunterpart non sa ginastos patungo ron, kung may personal na counterpart din personal ding nyang babayaran yung ginastos patungo ron. So halimbawa pupunta siya sa isang lugar at anim na oras siya ron, dalawang oras para sa pulitika, dalawang oras bilang pangulo, dalawang oras para sa pribadong pag-i-enjoy, dapat one-third of the cost bayaran nya ng personal, one-third of the cost bayaran ng partido nya, one-third of the cost ng byahe bayaran ng gobyerno.

Pero sir how do we know kung ginagawa nila ito?

Diktado ng transparency at accountability na dapat alam ng gobyerno, alam ng taong bayan kugn ano ang ginagawa ng pangulo. If it is private time then let it be private time, if it is official time then whatever the president is doing should be made known.

Binabayaran ba nila yung PAL?

Hindi ko alam kung ano ang arrangement pero siguro naman binabayaran yon, dahil kung hindi papasok sa anti-graft law yon na bakit tumatanggap ka ng pabor kaugnay ng libreng sakay mula sa isang negosyante.

News Latest News Feed