Press Release
June 29, 2009

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On August Moon...

Sa diario at pahayagan ko lang din nabasa at napakinggan, but they can plan all they want but i dont think the people will stand for it and i dont think the people will allow it, kahit na yung detalye ng August moon lumang tugtugin na yan na narinig natin, lumang tugtugin nong panahon ng martial law, lumang tugtugin ng mga panahong nagdaan, hindi na uubra at hindi na yan sasakyan pa ng Pilipino.

They may create atmosphere of fear, tulad ng nangyaring bombing...

Kasi sa ilalim ng constitution ang martial law ay wala ng ngiping tigre, ang pagdeclare ng state of emergency ay tigre rin na wala ng ngipin, hindi yan binibigyan ng karapatan ang pangulo na i-abolish ang korte, ipahuli ang kahit sino nilang gusto. Sa ilalim ng kontitusyon halos wala ng kahulugan at ibig sabihin ang martial, maliban sa pagpapalabas ng tropa mula sa kampo nila, pero yung karapatang pantao, yung karapatan nating magsalita, yung pagfunction ng korte hindi mawawala at hindi mabubura yon.

Pero hindi ka ba nagdududa doon sa mga incidence of bombing lately, even nakarating na dito sa tanggapan ng Ombudsman?

Ang msakait dito sisisihin na naman nila ang oposisyon pero sa dulo plano din naman nila sang-ayon dito sa oplang nailabas. Ang hanay ng oposisyon naghahanda para sa halalang darating. Hindi gumagalaw ang oposisyon sa anumang pagkilos na may kinalaman sa ilegal, unconstitutional at marahas na pagbabago ng pamahalaan. Kung mayroon mang mga ganyang galaw ang dapat nating tingnan at ituro ang administrasyon dahil sila ang may kakayanang gawin ito.

Pero sir dapat bang bantayan ang movement ng PMA Class '78?

Madali lang naman bantayan dahil iilan lang namans sila at maliban don naniniwala pa rin ako na hindi Lahat ng Class '78, hindi lahat ng nasa militar at pikit matang susunod na lamang sa mga ganitong uri na ilegal, bawal at unconstitutional na mga pag-uutos. Maski na ang nakalagay don na sila ay makikialam sa cha cha, bawal yon at hindi pedeng makialam ang manghimasok ang armed forces sa anuamng political arena na usapan.

Head man sila ng brigada, head man sila ng kung anong ahensiya ng AFP nananatiling dapat pa rin silang sumunod sa nakatalaga sa konstitusyon at hindi mga robot na bulag yung mga miyembro ng ibang klase, hindi rin mga robot na bulag yung ating kasandaluhan na susunod sila kahit alam nila na mali, ilegal at bawal. Again pede silang mangarap kung gusto nila, pede silang magplano hanggang gusto nila ng kung anong senaryo pero hindi ito nangangahulugan na ito ay masusunod, na ito ay mangyayari nga at pahihintulutan ng ating mga kababayan.

Hindi ko aalisin sa kanila na may ganito silang uri ng plano dahil ang pinakaproblema ng anuamng administrasyong natatapos at exit plan, marahit isa ito sa mga alternative o option nila na exit pla, dahil ang alam ko at naiisip kong posibilidad ay dalawa: Cha-cha, pangalawa failure of electiosn para may justification sila na sila pa rin ang umupo at siguro pangatlo ito, itong August moon, pero itong tatlong binanggit ko puro ilegal, bawal at unconstitutional. Sana ang isipin na lang nila at magandang exit plan yung nasa loob at saklaw ng batas, yung legal, yung hindi bawal, yung hindi marahas at walang masasaktang Pilipino.

Bakit ang militar ang nagsusulong ng cha cha, bakit hindi ang mga lawmakers? Sinubukan na siguro nila at nagising sila at nakita na hindi makakaya ang three-fourth vote sa ngayon. Magconvene man sila ng wala ang senado, kulang pa rin ang kanialng boto para magpanukala ng amendment dahil ang kailangan nila mahigit 200 kongresista na boboto pabor dito na sa pananaw ko mahirap nilang abutin at imposible nilang makuha.

On GMA's trip abroad...

Basta kinakailangan dapat naman talagang gawin bilang kinatawan ng ating bansa, ang hamon at panawagan ko lang naman ay simple, una piliin yung mga byahe na yung kailangan lang naman talaga, wag naman yung hindi kailangan dahil mahirap tayong bansa at medyo mahirap din ang ating ekonomiya sa ngayon. Pangalawa ipaliwanag sa ating mga kababayan, nag-aadvertise na sila ngayon na kung ano ang kanyang nagawa at ginawa don na kapaki-pakinabang sa atin at pangatlo baka naman kung pwepwede at kailangan talagang niyang pumunta roon bawasan naman ang gastos, imbes na 17, 20 o 30 congressman, baka naman pedeng dalawa o tatlong ocngressman na lang at ang isasama lang ay yung tunay na kailangan doon at hindi bystander lamang at hindi usisero lamang at hindi yung nagja-junket lamang at hindi yung ang papel ay patawanin lamang ang pangulo sa tuwing siya ay nagbabyahe.

Bakit nga pala sila nagkakaroon na ng ads?

Bilang tugon siguro sa panawagan at hamon ng ilang na ipaliwanag niya kung ano ang benepisyo o ano ang napala ng bansa at ng mga Pilipino sa kanayng pagbyabyahe. Utang yan ng sinumang gobyerno, ipaliwanag sa taong bayan ang ginagawa ng gobyerno, ipaliwanag sa taong bayan ang benepisyo sa taong bayan.

Sa mga trip niya nasunod din naman yung plano, kung ano yung dapat gawin, natuloy naman?

Yan ang isang imomonitor namin kasi kapagka nakipagkamayan ang isang Pangulo sa ibang bansa at nagsabi ang isang negosyante, "oo pinag-iisipan ko nga maglagay ng 300 million dollars ng investment dyan." Wala pa naman yun eh, ideya pa lang yon, plano pa lang yon at hindi pa naman actual na natutuloy. So siguro ang dapat nating tingan alin nga ba doon ang natuloy, alin nga ba doon ang nagkatotoo at alin don yung malayo pa sa katotohanan at tila imposible ng mangyari.

Sir milyon na naman ang ginagastos ng gobyerno...

Dapat kasing gastusin ng gobyerno, ang palaging titingnan nila yung ROI, kung gagastos tayo ng piso para dito ano ang balik nito sa taong bayan. Halimbawa kung nag-invest tayo sa pereventive medicine ganito kalaki ang matitipid natin imbes na ipagamot natin ang magkakasakit nating kababayan. Kung gagastos tayo sa isang byahe ganito rin kalaki ang malilikom natin na negosyong pupunta rito, ganito ring trabaho, ganitong karaming buwis, ganito kalaking economic activities. Dapat tinitimbang ang lahat ng ginagawa ng gobyerno sa ganyang uri ng antas.

Sir sabi si executive Secretary Ermita ang mananagot sa batas kung may problema sa budget ng office of the president tungkol sa mga trip abroad ng pangulo...

Sila ang humaharap dito dahil alanganin namang paharapin ang pangulo sa kongreso para depensahan ang sarilign budget but clearly he is acting under the instruction of and as alter ego of the president. Yung budget para sa travelling expenses ng presidente hindi lang naman yon ang kino-compute natin pagnagbbyahe ang presidente. Idagdag natin don ang budget ng Armed Forces of the Philippines sa PSG contingent, magkano ba ang ginagastos pagnabyabyahe ang presidente para sa pamasahe nila. Idagdag pa natin don ang budget ng ibat-ibang ahensiya kapag ka may sinama ang pangulo na magbabyahe na kasama niya, hindi yon nakakarga sa travellingexepenses ng office of the president, nakakarga yon sa budget ngdepartment. So maliban don sa 690-million budget para sa pagbabyahe ng presidente mayron pa ringpondo para sa ibat-ibang departamento na nagagastos sa tuwing sumama sila sa byahe ng pangulo.

Pero sir prerogative ng palasyo ng magre-align...

Prerogative nila at hindi ko sinasabing wala silang kapangyarihan, ang sinasabi ko sana magtipid naman ng kaunti, maghigpit gnsinturon, gastusin ng tama yung kakaunting pera natin at wag naman kun maglustay tayo ng pera ay ganoon na lamang, akala mo mayaman tayong bansa at ipakita yung benepisyo sa atin.

Ano ang magagawa ng senate para mapili yung mga trip ni GMA?

Sa budget deliberation sisingil namin, sa darating na budgetdeliberation sisingilin namin ang executive secretary na may kinalaman sa budget ng office of the president tungkol sa pinaggastusan nong kanyang travelling expenses, kung ito nga ba ay may kabuluhan, may silbi o wala. Ang nangyayari kasi tuloy dahil yan ang ginagawa ng pangulo, pati tuloy yung PCGG Chairman ay tila gumagaya at naiinggit na rin at ginagawa na rin yon, ikanga kung ano ang gawin nga mga nasa itaas, ganon ang ginagawa ng nasa baba. I think this will go a long way in so far the standard is concerned, for government officials using public money travelling abroad, kung private na pera nila yun, sariling pera nila yon, kung sila ay nagbakasyon dahil sa sobrang daming trabaho, karapatan nila yon at okay naman siguro yon, basta hindi pera ng pamahalaan.

Taking advantage na lang sa mga remaining months...

Baka may mga bansa pa siyang hindi nakikita.

She is supposed to go to Egypt?

Hindi ko alam.

Obligasyon nating tanungin sa kanya yon. At obligasyon nilang ipaliwanag sa atin yon... pero kugn hindi niya mapaliwanag kugn bakit at anogn benepisyo, kung wala man lang imbitasyon o conference, kung wala man tayong diplomatic relations sa bansang yon....

May side trip yata sa Columbia....

Yung side trip ang tanong ko kasama ba yon sa official itinerary, yun ba ay personal na byahe nya dahil kung personal okay lang naman yon, hindi masama yon,basta personal din na pera nya yong ginamit niya, pero kung pera ng gobyerno ang gamit, dapat opisyal din ang lakad.

Napagod daw kasi kaya nagkaroon ng side trip...

kung pahinga yon, pede naman kasing magpahinga kung nasaan siya hindi ba? Sana istrikto tayo sa paggastos at paggamit ng public funds kung saan kung pribado yon chargeable na sa atin dapat yon sa private capacity. Kung opisyal yon eh di gobyerno ang magbayad. Wag yungmag-iimbento tayo ng opisyal reason o opisyal na excuse para lamang magamit ang public money sa isang maliwanag na pribadong rason o byahe.

Dahil uuwi na si GMA hindi na istrikto ang DOH yung pag self-quarantine...

Alam nyo sana kung ano yung bawal sa ordinaryong Pilipino bawal din sa presidente, kung ano ang pede sa presidente pede rin sa ordinaryong Pilipino. Sa totoo lang meron namang test eh, iswa-swab lang naman eh yung mga bagong dating para malaman at agad na malalaman don kung positive sa A(H1N1) yung tao at hindi naman kailangang hintayin yung sampung araw na pagkwa-quarantine. Pero ito gagawin nila ito kay pangulong Arroyo pero ba't hindi nila yon ginawa sa ibang byahero na hindi pangulo at hindi mataas na opisyal.

Palagay nyo deliberate din yung pagrelax sa quarantine rules...

Malamang dahil alter ego ni pangulong Arroyo si Secretary Duque, alangan namang pagsabihan ni secretary Duque ang bossing nya na wag kang lalabas ng bahay. Sa kabilang banda may practikal din naman rason yon, mahirap dina naman maantala ang trabaho ng isang presidente o ng gobyerno ng sampung araw. Pangalawa kun pede naman pala bakit pa tayo tinakot-takot .

On another black propaganda against sa inyo tungkol sa Smartmatic, double-edge sword daw kayo na senator...

Bahagi na siguro ang intriga, paninira at kritisismo sa mga panahong tulad ngayon na papalapit ang halalan. Ang nakakalungkot lang ni hindi pa nga ako deklaradong kandidato eh tila sinisimulan na nila base lamang sa mga lumalabas na survey. Maging ganunpaman sasagutin ko pa rin naman maski na ano, hindi totoo ang mga paninirang nilalabas nila at walang katotohanan at basehan ang kanilang sinusulat at pinapadala sa media sa pamamagitan ng liham.

(Question inaudible)

Umpisa pa lang ng hearing, nasa transcript yon, sinabi ko na, hindi ito ang venue para magsalita ang losing bidder, hindi ito ang lugar at panahon para mag motion for reconsideration o mag-apela sila, sa comlec nila dapat gawin yon at sa korte, at sinabi ko rin na hindi ko sila papayagang magsalita. Ang mga katanungan ko hindi nakabase sa mga reklamo ng mga losing bidder, yon ay nakabase sa sinasabi ng comelec, sa sinasabi nilang alam nila at tila inamin nila sa hearing na hindi nila alam.

Sabi ng isang losing bidder they will file after the signing, will that delay the poll automation?

Karapatan nila yon pero liliwanagin ko uli, hindi end-all at be-all ang automation, hindi porket nag-automate tayo ay mabilis na bigla ang halalan. Ang end-all, be-all natin dapat malinis na halalan, kung papaano man natin makamit yon, yon ang dapat nating hanapin, sa pamamagitan man ng poll automation, partial automation, revised manaul o manual automation, ang importante malinis ang halalan. Ang problema kasi sa Comelec ngayon nabubulagan sila sa ideya at konsepto na kapagka nag-automate malinis na ang eleksyon, ni hindi nila pinag-aralan, ni hindi nila ginawa ang homework nila at masyado nilang minadali ito. Para sa akin ang mag abiso, advice at mga katanungan namin ay nakatuon sa pagtiyak na kung mag-o-automate tayo siguruhin natin handa tayo at kaya nating gawin.

My paraan daw ang Comelec para sa worst-case scenario...

Tanungin nyo ang Comelec kung may detalye na sila, inanunsyo lamang nila yon, paano sila magkakaroon ng plano sa worst-case scenario eh sa ngayon nga, as of today, ni hindi pa nila alam kung saan yungmga presinto, ni hindi pa nga nila alam kung anong gagamiting teknolohiya para ipadala electronically ang resulta sa kada presinto sa buong Pilipinas. Paano sila magkakaron ng contingency plan kung itong mga detalyeng ito wala pa sa araw na ito.

Hindi kayo convinced sa contingency plan?

Tanungin nyo na lang kung saan yung detalye, madali naman sabihin yon eh, pero sana pagpaumanhin siguro sa Comelec dahil napaka sama ng karanasan natin sa mga nagdaang Comelec at mahirap panghawakan ang mga salitang binibitiwan nila ng walang kaakibat ng planong detalyayo kaugnay sa talagang gagawin nila. Yung nagpresent sa amin si Director Tolentino, may na-quote sya sa pedeng... sa pagdeliver, 29% by air, 43% by land, yung tinanong namin yung detalye o saan galing ito, dito sa lugar na ito, di ba tinanong ni senator Enrile paano nyo dadalhin, hindi sila makasagot, saan galing yung mga detalyadong figures na yon, galing pala apparently sa To Go, ni hindi galing sa kanila, ni hindi nila plano. At ng hiningian mo ng detalye wala pa lang binigay sa kanila ang To Go kaya hindi rin sila makapagsalita. Hindi ganyang uri ng pagpaplano at paghahanda ang nais sana nating makita, yung hearing oportunidad sana yon ng comelec para patunayan, hindi lamang sa akin, hindi lamang sa senado kundi sa sambayanan na alam nila ang ginagawa nila, kaya nilang gawin ito at hindi sila umaasa lamang sa mga pribadong indibidwal o mga dayuhan.

Paano mai-push through yung signing hindi ba hinihintay nyo muna na maklaro lahat...

Wal pa kaming kopya sa ngayon ng draft contract pero maliwanag naman yon at hindi ako nagpapanggap, walang kapangyarihan ang senado o ang oversight committee na pagsabihan ang comelec, ang pede lang pumigil sa comelec ay sila mismo, ang comelec en banc o ang korte. Walang ibang pedeng umigil sa nais nilang gawin.

Naghihintay lamang ako sa ipapadalang kopya sang-ayon sa kanialng pinangako at na-commit nong hearing.

Tulad ng Mega Pacific ang mangyayari kung saka-sakali hindi matutuloy at tulad din ng Mega Pacific ang sabi ng Korte Suprema don we should not automate for the sake of automating, sabi ng korte suprema don eh ano ngayon kung pedeng idemenda o hindi natin babayaran yung nanalong contractor, baka pagdating ng panahong iyon wala na tayong bansang pinag-uusapan pa, yun yung worst-case scenario na sinasabi ni senator Enrile.

Pagnag failure of elections, hindi ba walang panalo, anong tingin mo mapayapa pa ba ang bansa natin don, ang isasagot sa atin ng Comelec ay hindi idedemanda natin sila, hindi natin sila babayaran, may bansa pa ba tayong pag-uusapan pagdating ng panahong iyon kung pumalpak talaga ang halalan.

(Question inaudible)

Kung nagbayad na tayo, yun kasi fully paid eh, ito hindi pa naman at ito stage billing, natuto na rin naman tayo, hindi pedeng kaliwaan, pagpirma bigay agad ng pera, eh di para tayong ginisa sa sarili nating mantika, ni walang nilabas na pera yung nanalong bidder, puro pera natin ang ginamit.

(Question inaudible)

Nagulat lang ako don, hindi ko alam kung saan galing, pero hindi rin naman nito kayang maapektuhanyung isyu kaugnay ng Comelec at Smartmatic, dahil na-submit na yung mga bids ar may diplomatic relations man tayo.... (inaudible).

News Latest News Feed