Press Release
July 6, 2009

Interview about Senate Blue Ribbon Committee's hearing on Senator Escudero's Resolution no. 1094 seeking investigation into the NHMFC auction of more than 53,000 deliquent housing loans to Deutch Bank Real Estate Global and the consequent creation of a joint venture special purpose vehicle called Balikatan Housing Finance Inc.

Sir may violation ba don sa SPUV?

Sabi nila hindi daw ito Spab, isang bagay yan na dapat alamin ng komite kung SPUV nga ba ito o hindi. Kung spab ito may violation na klarong nagawa.

Ano yung violation?

Tungkol sa notice, tungkol sa pagsunod ng proseso at procedure at financial statement na dapat i-submit para mapangalagaan ang interes ng mga homeowners na in-assume nila yung balance ng utang.

Pero ang isyu naman talaga na nakakabalot dito ay una, bakit tumaas ang interes ng binili gn Balikatan samantalang mababa paa ng interes ng itoy hawak pa ng NHMFC. Pangalawa paano at bakit nila ginawa ito ng walang permiso, pahintulot o kaalaman ng mga homeowners at buyers. At pangatlo kung palpak ang developemnt saan na sila ngayon tatakbo ngayon at binenta na ng NHMFC yung pagkakautang sa isang private company at kapagka palpak ang developemnt o substandard wala ng matakbuhan yung homeowner na government agency na pedeng magtanggol at mangalaga sa kanila.

Yung pag-adjust ng interest rate allowed na yon dahil it's not in the original contract?

That should not be allowed under the law, sa ilalim ng batas kapagka binenta mo ang isang pagkakautang kung ano ang pinagusapan at pinagkasunduan nyo yon lang din yung pinapasukan o inaapakang sapatos nong bumili ng utang at hindi ito pedeng baguhin o pataasin nang hindi pumapayag yung umutang o original debtor, dapat mutual consent bago mabago yung terms and conditions nong pagkakautang.

Can the homeowners get the refund?

Yun ang isang pinag-aaralan at tinitingnan ng komite at nag-iipon kami ng datos para matingnan at masukat kung pede nga silang makakuha ng refund o mapigilan man lang ang yung forecolsure para sa gayon ay ma-recompute yung kanilang pagakakautang dahil pagbumaba yon baka naman kaya ng bayaran.

Dapat daw ipatawag sa hearing si Vice President Noli de Castro dahil sya yung HUDCC chair that time...

Desisyon na nga komite yan na joint ng Housing at Blue Ribbon commitee, ang akin dapat natin hanapan ng solusyon ang isyu at problemang ito na bumabalot sa homeowners , kung kinakailangang gawin yon nasa komite na yon at hindi ako tututol sa ganoong uri ng suhesyon.

So wala kayong nakikitang liability kay vice president?

Kailanagng tingnan pa kasi unang hearing pa lang ito, kailangang tingnan ang mga dokumentonf isinumite at sinabmit nila, yung 60-40 na lang kasi muklhang mali na yung computation at tila hindi pede at hindi ito pinapayagan dapat sa ilalim ng ating batas.

So bawal talaga dapat yon?

Hindi natupad tila yung 60-40 ruling sa mga kumpanya.

May kinalaman din kaya dito si Celso delos Angeles?

Si Ginoong Delos Angeles pa ang namamahala sa NHMFC noon o isa sa mga board ng NHMFC noon noong itoy binenta sa Balikatan, at isang bagay din na tinitingnan namin yan dahil karamihan ng mga opisyal na narito wala pa naman sa NHMFC noon ng ito ay nabenta.

So mayroon siyang pananagutan dito?

Kung makikitang ilegal nga ito at yan ay pinag-aaralan pa ng komite peor kung titingnan natin ang track record ni delso Angeles of late sa legacy ngayong lumabas at nandon ang pangalaan niya may rason tayo na magduda at tingnan ng mahusay at busisiin ang kontratang ito dahil nga isa siya sa mga gumawa at pumasok dito.

Sir reaction lang sa pasaring ni Sen. Villar na siya ay very proud siya doon sa C-5 fund hindi katulad ng ibang presidentiable na ni isang barangay road ay walang ginawa, isa ka raw doon, at hindi siya bata ninuman, not even of Danding Cojuangco.

Hindi ako tinatamaan ng pasaring na yon at hindi ko maintindihan kung bakit ako pinapatulan hindi pa naman ako deklaradong kandidato. Maliwanag ang track record ng bawat senador, ng bawat kongresista, at wag nating insultuhin ang mga kababayan ng mga kongresistang ito na binoto sila ng tatlong sunod-sunod kung talaga ngang wala silang nagawa, bakit ang tingin ba niay bumubuto na lang base sa personalidad yung mga kababayan namin don, base naman siguro sa nagawa at performance ng lahat ng opisyal namin at saan mang parte ng bansa.

Kaugnay sa pagiging bata, hindi porket bata ako ay bata na akon ninuman, mas marami akong kilalang mas matanda sa akin na bata ng iba.

Sir tuloy na yung partnership gn Smartmatic at TIM, nagkaroon na kasi ng lamat yung samahan nila...

Kailanagng malaman at matingnana natin, ito ba ay shot gun marriage, marriage of convenience o talagang nagmamahalan sila, ikanga, para amtiyak natin na hindi na mangyayaring muli itong nangyari. Pangalawa ang dapat na objective nating lahat, malinis na halalan sa pamamagitan man ng automatioin, full o partial o mano-man o, hindi yung automatino na lang ng automatino sa ngalan ng automation. Dapat wag natign kaligtaan ito ay ginagawa para matiyak na magkaroong ng malinis na halalan. Kung papaano matitiyak yon sa pamamagitan ng anuamng teknolohiya o anumang paraan yon ang dapat nating hanapin. Don sa pumapabor sa automation, don sa pumapabor sa mano-mano, don sa pumapabor sa partial automation, para sa akin hindi mahalaga yon at hindi yon ang objective ko. Ang objective ko laman malinis na halalan sa anumang paraan.

Nagsubmit na ba sila ng authentication?

Hindi ko alam, wala pang sinusumite sa komite at marahil dito sa komite ni senator Gordon isusumite yung ibang mga requirements na pinasubmit noong una.

Bakit hindi yung electoral reforms committee, bakit blue ribbon? Tinatamad na ba kayo?

Hindi dahil doon sa corruption aspect noong hindi pagkakatuloy sana o pagkakatulyo ng kontrata kaya nag-assume ang blue ribbon committee dito sa isyung ito lamang subalit yon talagang isyu ng electoral reform nasa oversight committee yan at nasa committee on electoral reform.

Anong corruption angle?

Maganadng marinig kay senator Gordon ang pagtake-over ng blue ribbon committee dahil ayon sa kanya may paglabag na batas kung saka-sakali kaugnay ng hindi pagkakatuloy o pagkakaunsiyami ng kontrata nong una. Magandang marinig sa haering kung paano nakuha ng blue ribbon yung jurisdiction pero wala akong pagtutol sa pagkuha ng blue ribbon sa isyung ito o sa aspetong ito lamang ng pagkakaunsiyami ng kontrata.

Paano kung hindi sila magsalita, may gag order yata sa dalawa (Smartmatic-TIM)

Obligasyon nila at nasa interes ng sambayanan na maging transparent ang dalawang ito. Ulitin ko para malaman natin kung shotgun ba ito o marriage of convenience lamang o talagang nagmamahalan at nagkakasundo na sila para matiyak nating hindi na ito mauulit pang muli.

News Latest News Feed