Press Release
July 10, 2009

Interview with Sen. Alan Peter S. Cayetano

ASC: Kung titignan mo kasi kaliwat kanan ang paggamit ng sinasabi na katas ng VAT, mga programa kung saan binabalik ang perang kinukuha sa VAT. So, ofcourse ang stand pa rin namin is dapat bawasan ang VAT at pabayaan ang tao na mas maraming pera sa bulsa at makakatulong ito sa kanyang ekonomiya. Habang hindi kami nakakakuha majority dito sa Senate at sa house para ayusin yung tax natin saan dapat napupunta ito at tingin ko very religious ang ating bansa iba iba ang religions pero lahat tayo naniniwala na kung sino ang yung mga sector sa ating community na pinaka marginalize o pinaka kailangan ng tulong kailangan ng tulong o pinakawalang boses yun dapat ang tayuan ng Senado at ng house at yun dapat ang bigyan ng lunas sa mga problema.

So makikita mo ang mga orphans natin kapag nasa mga child carrying institution sila ang pera kulang na kulang kaya kapag nagkasakit apektado yung sa pagkain. Kaya kapag nagiging 18 na yung mga hindi na-aadopt ay saan kukuha ng pang matrikula at ano yung pag-asa nya sa buhay. And we're only talking about 10 to 20 thousands all over the country. So ako nanawila ako na kung maga-allot tayo ng bilyon bilyon sa philhealth, bakit hindi kasama ang mga orphans na ito, bakit hindi kasama yung nasa home for the elderly, that's another bill for the elderly na abandon na hindi na kayang tustusan yung sarili nyang mga gastos.

Basically it's really the government standing up kasi ang Pilipinas nagna-number one-two or three sa marami, sa corruption nasa top three tayo, sa pinaka kawawa sa ekonomiya nasa top five tayo. So, mag-top one or two man lang tayo sa ibang mga sector na kailangan ng tulong natin. Yung land reform inadress kaagad dahil kailangan ng mga farmers at kawawa na ang mga farmers natin. Pero siguro walang magdi-disagree, ang mga orphans at yung mga elderly,at society natin na abandon they really need this help and it will be a good step for the Philippines to show the world that, that's the way we treat those who are weak in a country, we make them strong.

RE: Sir Base on the previous records atska yung current records magkano po ba ang budget for the orphans?

Maliit and halos yung pagkain lang, and as we heard during the hearing most of them are NGO'S pa nga tapos yung sa gobyerno maliliit ang budget and it doesn't really help any individual child I mean more putting a roof over their head and foot. But halimbawa may magkasakit apektado na yung pera nila para sa pagkain and actually billions in philhealth for indigence so siuro ibang klaseng indigent 'to pero kailangan na kailangan din nila. Kung yun ngang mahihirap na sa ating bansa ay kulang na sa opportunities at may magulang pa sila isipin mo yung mga walang magulang. Ang ginagamit naman ng pangulo ay GMA cares so sana we care for the right group of people at unahin natin ito. So sana bigyan ito ng pansin hindi lang ng ating pangulo, hindi lang ng ating presidentiables at ng ating kongreso.

RE: Sir kung hindi talaga malabo na magbigay ang ating gobyerno na magbigay ng funds para dun sa mga orphans natin gagawa ba kayo ng bill na pwede tayong lumapit sa private sectors?

Well, yung private sectors is doing what it can and hoping through your interview sa media magkaroon ng revival ng concern sa mga orphans at home for the elderly. But kung sana ang excuse dati walang pera eh ngayong lumalabas ang pera, sabi nga nila tawag nila katas ng VAT di ba. Nakikita natin na nandyan talaga ang ibat ibang programa ng gobyerno na lumalabas ang pera. So, we're just asking a very small portion of that to go to the orphans and to the home for the agent.

RE: Sir yung ...

We're getting some of the documents na, pinadala ng OMB and we're studying it, we're filing a resolution para kung kailangan ng hearing, maghi-hearing yung committee on Mass Media at mabigyang diin na piracy shoud be a major concern and kailangan yung big fish, in this case yung mga makina at kung sino yung may-ari ng makina para mahabol. So it's sad na nahuli pero di makita kung nasaan yung machine ... so pati sa copying machines ng DVD sa piracy mayroong dagdag bawas, nadagdag yung isang huli, nabawas hindi makita yung machine. So we'll get to the bottom of this, and I thank the two gentlemen, Edu Manzano the chairman of the OMB, and the chairman ng PASG, dahil pareho silang nagme-make ng statement, naniniwala sila na congressional hearing, senate hearing can get to the bottom of this, so nagpapasalamat ako na both of them have faith in the committee. So hihintayin ko lang na nadito yung ibang miyembro ng mga committee but definitely titingnan namin yan.

RE: Sir wala pa daw pong sapat na batas para malaman na yung mga ganong nakukuha na mga machines na sequestered ng OMB, walang particular na law na nagsasabi kung kanino talaga mapupunta ang kustodiya nung ...

Well, we'll take a look on that, but the bigger issue talaga is bakit nawala. Why did it banished. Whether it is the custody ng OMB hindi dapat nawala, kung hindi naman nawala andyan alam natin na sa illegal ginagamit so may karapatan ang gobyerno na kunin ito. We want to get to the bottom of this but i want to make sure that the other senators are here at kung meron aspeto na dealing with the customs is here, the proper committee is also there. But definitely as far as the copying machines sakop ng mass media yan we're preparing a resolution already.

RE: sir just incase na ihearing na natin ito at makita natin na may negligence na nangyari dun sa dalawang panig mayroon ba tayong ipoprosecute?

Ang masasabi ko lang bato-bato sa langit, tamaan wag magagalit. Both of them ask for the committee to have a hearing to investigate, we will do that and remember head sila may tao sa ilalim nila so sinusupervise nila ito. Both of them naman are saying na as chairman they did their job but tinitingnan din yung nasa ilalaim nila if they did their job so we'll look at that, wala kaming sasantuhin dito, on the other hand we're taking both of them ngayon ang nagsasabing gusto nilang magkaroon ng hearing and si Senator Bong, as former chairman told me na he's interested and he want's to make sure na tuloy tuloy yung anti-piracy. Kasi malaking dagok yun na hindi na nga nahuli hindi lang yung DVD ang nahuli yung makina ang nahuli tapos madadagdag bawas pa yung makina, na nawala. So aanhin mo yung dagdag sa statistics na may nahuli ka kung mawawala naman yung mismong makina na nahuli atska nasaan yung makina ngayon. Ibig sabihin nagfu-function yun ngayon, kumokopya ng mga DVD etc.

RE: Sir sino talaga ang unang humingi ng tulong sa inyo? The OMB or the PASG?

Through the media naman both, I'm not sure kung sino ang nauna but both of them naman namonitor namin sa media and then the OMB sent some documents sa office already. Ofcourse if the Anti smuggling group wants also to sent documents to our office we'll accept that.

RE: sir another issue, sbi ng AFP nakapasok na daw dito sa Metro Manila yung mga bombers, what do you think about it?

May tanong lang kasi ako sa AFP atska sa NSA, kasi naalala nyo 2 years ago befor the 2007 election nung nagchacha din, unang una kasi yung timing diba bakit tuwing paguusapan ang chacha may mga gulo at distabilisasyong nangyayari, #2 ang tanong ko kasi sa NSA at saka sa AFP, dati sinabi nila 3 terrorist nakapasok ng Mindanao, ngayon naman sinasabi nila mga terrorist nakapasok na ng Metro Manila kung alam nyo na nakakapasok sila bakit hindi nyo hulihin? Anong basis ng information nyo? Ito ba ay base sa intelligent report na sketchy kasi hindi mo sure kung tama o hindi, kung hindi tama bakit sinasabi mo pa makaka-cause lang ito ng panic sa tao ngayon kung ang intelligence report mo naman ay maganda ibig sabihin may nagsabi talaga na nakapasok ibig sabihin identified, bakit hindi nyo hulihin. Di ba nga kaya pinapasa nyo sa amin yung anti-terrorist law kaya nga marami kaung intelligence fund so nagtataka talaga kami. Sabi nga nung iba kung gusto mong manood ng drama news ang panoorin mo kung gusto mong manood ng reyalidad soap o telenovela ang panoorin mo. And the AFP, NSA, and the malacañang is not helping us with that. Kasi ang mga statements nila hindi mo mapagdugtong kung nagsasabi ng totoo o hindi. Kung hindi ka pa sure sa intelligence mobakit sinasabi mo sa tao? Are you telling people para magpanic, are you telling people to prepare their mind para ma-desensitize para sa martial law or sa emergency rule? Kasi iba yung sabihin mong high alert 'toh pero ang sinasabi naman nila normal dapat ang buhay, dapat pumasok kayo sa trabaho, dapat ipatronize nyo yung negosyo pero may terrorist dito so anong purpose nun? Dapat ang sina sign war ng AFP ang mga kalaban Estado hindi ang taong bayan.

News Latest News Feed