Press Release
July 15, 2009

Transcript of Sen. Manny Villar's press conference

Q: On amnesty to the Abu Sayyaf Group

Villar: Pag-aralan nating mabuti iyan. Huwag tayong padalos-dalos sa ganyang bagay. Bagama't katahimikan ang ating hinahanap, iyang ASG ay alam nating criminal elements dapat sa mga ganitong bagay ay hindi tayo padalos-dalos baka magbigay tayo ng masamang senyales dito.

Q: Senyales saan po?

Villar: Iyong mabilis tayong magbigay ng amnesty pagkatapos nitong mga kidnapping na ito. Dapat nating isipin na hindi lamang kidnapping ang naganap na krimen noong nakaraang panahon na ibinibintang sa kanila. Hindi tayo dapat nagmamadali sa pagbibigay ng amnesty.

Q: Ano ang nakikita ninyong problema sa pagbibigay ng amnestiya?

Villar: Hindi ko naman sinasabing hindi dapat. Ang sinasabi ko lang, ito ay isang bagay na dapat pag-aralang mabuti. Dapat talaga alam natin kung sino ang bumubuo ng ASG. Ang problema hindi natin alam kung sino ang bumubuo niyan, nagbibigay tayo agad ng amnesty. Baka naman tayo ay mabola lamang.

Q: Ano ang tingin ninyo sa sinasabi ng CBCP na sa ngayon wala pa silang nakikitang credible candidate for president?

Villar: Totoo naman yan dahil sa unang-una, hindi pa naman nagpa-file ng candidacy ang mga nasasabing posibleng tumakbo . Naniniwala ako na pagdating ng filing of candidacy ay kaunti na ang matitira diyan. Hindi naman ako nagugulat sa kanila kung sa ngayon ay wala silang nakikita at iyon naman ay iginagalang ko bilang isang Filipino. Syempre ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang hinahanap sa isang pangulo at maaring ang hinahanap nila ay hindi pa nila nakikita.

Q: Sa tingin ninyo kailangan pa ng more media exposure para makita ang plataporma de gobyerno ng mga tatakbo?

Villar: Sa palagay ko tingnan muna natin ang mga nagawa noong nakaraan kasi hindi naman pwedeng puro yung gagawin lamang ang titingnan natin. Dapat tingnan din natin ang mga nagawa na, yung karanasan, kung magaling o hindi. Sapagkat kung puro plano lamang ang titingnan natin, madaling magsabi ng plano at madaling gumawa ng plano. Sinusulat lamang iyan. Dapat tingnan din natin kung kaya ba na lutasin ang suliranin ng ating bansa.

Q: You mentioned napagdating sa filing konti na lang ang matitira. Ilan na lang iyon?

Villar: Mga 3 to 4, siguro. I'm guessing but I'm saying 3 to 4 siguro ang matitira o 2 to 4.

Q: Sino iyon, sir?

Villar: Ayoko namang magsabi ng mga pangalan pero sa palagay ko, 2 to 4 ang matitira.

Q: Ano ang basis ninyo sir?

Villar: Wala, pakiramdam ko lang. Makikita naman natin na hindi rin madali ang kumandidato. Maraming mga konsiderasyon diyan. Syempre nakikita mo na lahat desidido. Siguro mga 20 ang gustong mag-presidente. Alam naman nating lahat na lahat iyan ay sumusubok lang.

Q: Dito sa Senate ilan ang matitira?

Villar: Di ko masabi. Mahirap mong pangunahan ang ating mga kasamahan dito sa Senado dahilan sa alam naman natin na marami ring mahilig dito.

Q: Do you think important ang funding? Hindi ba kini-criticize kayo ni Sen. Gordon for spending too much daw.

Villar: Unang-una, lahat tayo ay may ginagawa noong nakaraang panahon, merong ibang kandidato na buong buhay nila ay nasa television, nasa radio. At meron namang tao na buong buhay niya ay nasa ibang field o iba ang ginagawa. Kaya para magkaroon ng balanse kaya tayo naga-advertize. Subalit hindi naman makakaila na dahil sa mga advertisement na iyan ay maraming natutulungan. Halimbawa iyong sa ating OFW, hindi maikakaila na dahilan diyan ay nagising ang bayan natin sa laki ng suliranin ng mga OFW at ngayon ay maraming natulungan dahil sa mga ads na iyan.

Q: Ano ang magpapanalo sa isang presidentiable?

Villar: Iyang pagpili ng pagkapangulo ay naiisip ng ating mga mamamayan sa tamang panahon sa araw ng eleksyon, dahilan sa minsan ay iba-iba ang hinahanap nilang pangangailangan. Merong tamang pangulo sa maling oras, may tamang oras sa maling pangulo. So you have to be the right person at the right time. Kaya ang isang bagay na iyan ay labas na sa amin. Syempre destiny iyan at malalaman lang natin iyan sa araw ng halalan kung ang isang kandidato ay siya nga iyong tamang tao sa tamang oras.

Q: Have you completed your NP senatorial slate?

Villar: Hindi pa kumpleto ang Nacionalista Party dahil sa kailangang magbigay kami ng puwang kung magkaroon ng alliances sa ibang parties.. Nakahanda ang NP na buuin na ang kanyang tiket sa pagka-senador. Maraming nag-aaplay at mahigit 12 na ang pinagpipilian ng NP

Q: Ilan na sa ngayon?

Villar: Actually mahigit 12 na kaya lamang siguro magbibigay tayo ng puwang sa posibleng sasali pa sa darating na panahon o alliances with other parties kaya siguro kalahati lang muna ang sisiguraduhin na kasama.

Q: Sinu-sino na iyon?

Villar: Hindi na muna ako pwede siguring magbigay ng mga pangalan dahil sa maganda na sabay-sabay ang announcement. At saka syempre baka iyong iba ay nagpapaalam pa sa kani-kanilang dapat pagpaalaman, baka ma-preempt natin.

Q: Does this imply na hindi na magkakaroon ng isang unified ticket ang opposition?

Villar: Merong unified ticket ang Nacionalista Party.

Q: The whole opposition bloc, sir?

Villar: Ang tinitingnan namin ay ang NP and we have been in existence for 100 years. Kami ay umaasa na marami kaming makakasama subalit sinabi naman naming na handa ang partido na buhayin muli ang NP para sa pagbabago ng ating bansa.

Q: Humigit kumulang, ilan ang senatorial candidates from other parties?

Villar: Madami na kasing partido ngayon hindi mo na alam kung ano ang partido nila. Basta mga pangalan. Hindi ko masabi.

Q: Ano ang comment ninyo sa Erap Loren-Loren-Erap tandem?

Villar: Lahat naman pwed. Lahat naman ng pares-pares pwede. At wala naman talagang masasabi na iyon ang pinakamagaling. Ang tao ang magdedesisyon niyan kung sino ang kanilang pinakagustong team. Malalaman lamang natin iyan sa tamang panahon.

Q: Ano ang masasabi ninyo sa ibang presidentiable na nagrereklamong iyong iba daw ang laki na ng gastos sa ads?

Villar: Hindi naman ako nagrereklamo na merong mga kandidato na halimbawa 20 taon ka sa TV o radio. So bina- balanse lang natin iyan. Halos lahat naman, either sila mismo ang nasa showbiz or yung asawa nila. Kung nasa showbiz naman, syempre kahit paano ay pinapantay lang natin iyan para magkaroon ng pagkakataon ang mga kababayan natin na makilala kami.

Q: Hindi ba yung isa doon magiging asawa pa lang?

Villar: Hindi ko naman alam kung ano ang kanilang balak.

Q: Kung inimbita ka, pupunta ka sa kasal?

Villar: Kung wala naman akong ginagawa, bakit hindi? Wala namang akong problema doon. Hindi naman ako nakikipag-away sa sinomang kandidato, basta ako ay naimbita at kapag tayo ay may pagkakataon, tayo naman ay dumadalo at pumapasyal.

Q: Nagkasama daw kayo ni Erap at Noli sa isang pagtitipon?

Villar: Madalas naman kaming magkasama ni dating Pangulong Erap. Wala namang probelma doon, dati naman kaming nagkikita niyan, magkaibigan kami ni Noli, magkaibigan kami ng dating Pangulong Estrada. Hanggang ngayon ay magkakaibigan kami.

Q: Sino ang mga vice na pinagpipilian ninyo?

Villar: Lahat naman ay pwede. Mahirap magsabi ngayon dahil hindi mo alam kung sino ang bababa. Kamukha ng sabi ko kanina, 20 na halos kami at hindi mo alam kung sino ang bababa sa 20 na iyon. Maghihintay ka muna at titingnan mo muna kung sino ang makakalaban mo para mas bagay.

Q: Wala kayong short list? Villar:

Wala pa akong list, short or long.

Q: Sino sa tingin ninyo ang bagay sa inyo? Babae o lalaki?

Villar: Wala pa. Kasi alam mo, maraming factors na dapat i-consider sa pagpili ng vice president. At iyan ay isang bagay na dapat pag-aralang mabuti. Syempre naman iyan ay isang malaking desisyon sa kampanya para pagkapangulo.

Q: Give us factors?

Villar: Unang-una, gusto ka ring maka- partner. Pangalawa syempre ang winnability.

Q: Ang net rating ni GMA negative na ...

Villar: Iyan ang isang naging problema ng administrasyon ng Pangulong Arroyo na mababa ang ratings kaya mahirap mamahala. Napakahirap nang baguhin ang ganyang kalalim na negative na popularidad. Subalit walang masama naman na pilitin niyang ma-reverse iyan bago matapos ang kanyang term.

Q: A-attend ka ng SONA?

Villar: Normally umaatend ako ng SONA. Hindi ko lang masasabi pa na ako ay aattend o hindi subalit regular naman akong uma-attend ng SONA, wala naman akong nakikitang masama diyan. Maliban na lamang kung mararamdaman ko na may mangyayaring iba na hindi pangkaraniwan sa SONA, hindi tayo aatend.

Q: May nararamdaman na kayo?

Villar: Wala pa naman. Pero syempre kung meron mang balak o may hindi normal na mangyayari sa araw na iyon, hindi ako aatend. Laban pa rin naman ako sa cha-cha at ang buong partido Nacionalista ay laban sa cha-cha.

Q: Sa Unioil rollback..

Villar: Ang sistema ng ating pagbaba at pagtaas ng presyo ay wala nang kaliwanagan. Ang ating problema sa ngayon ay while deregulated an gating sistema, maliwanag naman na ang mga players natin sa langis ay hindi naglalaro nang maayos o sumusunod sa rules ng deregulation. Kaya walang masama na rebyuhin natin ang deregulation na iyan. Iyong mga unang prinsipyo noong araw na parang ang deregulation automatically maganda iyan, pero ngayong mga panahon nakikita natin na hindi naman. At hindi nangangahulugan na porke deregulated na ang environment natin ay maganda. Lalong-lalo na kung deregulated lamang sa pangalan kagaya n gating oil industry.

Q: Magpa-file kayo ng resolution para imbestigahan ito?

Vilalr: Pwede tayong mag file ng resolution diyan. Talaga namang matagal ko nang hinahabol iyan at ako ay nagpo-propose na rebyuhin itong deregulation law dahil hindi ako naniniwala na iyan ay naiimplement nang maayos. Sa tingin ko hindi naiimplement talaga ang deregulation law. Sayang lang.

Q: Ibabalik ang subsidy sa oil?

Villar: Hindi. Kapag sinabi mo namang tatanggalin mo ang deregulation o aamyendahin mo iyan, hindi nangangahulugan na ibabalik mo yung subsidy. Hindi natin kaya ang subsidy. Ang gusto lamang nating mangyari ay maliwanag ang mechanism at hindi maaabuso. Kasi kung may makikialam, hindi sila aabuso na kagaya ng ginagawa nila ngayon.

Q: Dapat i-rollback nila o pantayan ang rollback?

Villar: Iyon nga ang problema natin, hindi natin masabi ngayon kung ano ang tamang rollback kasi hindi automatic, hindi maliwanag, hindi transparent ang mekanismo sa pagbaba at pagtaas ng langis kaya lahat tayo ay umaasa lamang sa gagawin nila. Ina-assume lamang natin na tama siguro iyan, hindi siguro tayo niloloko. pero dapat transparent yan, dapat maliwanag na nakikita ng ating mga kababayan kung bakit tataas, magkano ang dapat itaas at bakit bababa, magkano dapat ang ibababa. Only then masasabi natin na tama, umaandar ang deregulation.

Q: Sinisisi ng mga oil firms ang taxes na pinapataw sa kanila ...

Villar: Huwag natin agad kakagatin ang mga sinisisi nilang ganyan. Nakakadagdag iyan pero ang sa akin lang, bakit parang ang tagal ng lag time bago bumaba o bago tumaas. Hindi ako totally naniniwala sa sinasabi nila na ito ang may kasalanan.

Q: Sa opening ng session maisusulong nyo na ang review ng deregulation?

Villar: Pwede. Actually isinusulong ko naman iyan taon-taon. Kaya nga lamang nahihirapan. Noong unang panahon nga talagang sacred ang ganyang mga salita-deregulation, privatization, liberalization-ngayon lamang kine-question ang mga ganyang prinsipyo lalong-lalo na ngayong nagkaroon tayo ng krisis, marami ngayon ang nagke-question niyan na parang hindi na angkop lalo sa isang bansa na kagaya natin.

Q: Ano ang masasabi ninyo na parang ayaw pirmahan ng pangulo ang EO on MRP?

Villar: Liwanagin natin bakit ayaw pirmahan? Kasi kung ayaw pirmahan dahil kulang ang pagbaba, mas maganda dahil mas magandang mas malalim ang baba. Sa akin, mas malaki ang cut, the better. Mas maganda ang presyo ng gamot, mas maganda. Dapat nga ginawa na natin sa batas iyan para wala nang problema, para hindi na pinag-aawayan.

Q: Mali ang pagkagawa?

Villar: Ang sinasabi ko lang, dapat sana kung nasa batas na iyan, wala na tayong problema ngayon.

Q: Ano ang ibig sabihin ng mas malaking cut?

Villar: Ibig sabihin ay mas mura. Mas mababa ang gamot, mas maganda. Kaya kung ang dahilan ng pagka-delay niyan ay para pababain pa ang presyo, magandang balita iyan. Pero kung hindi, hindi maganda.

Q: Hindi limited sa 22 o 21?

Villar: Sa akin, pwede pang palawakin iyan.Alam nating lahat na ang gross profit margin ng ating mga drug companies ay mataas talaga at talaga namang sila mismo ay nahihiya sa laki ng kanilang tubo.

Q: Merong upcoming presidential forum, kayo na lang ang hindi humaharap..

Villar:Mali naman iyon, marami na akong napuntahang forum kaya nga lamang ay nakikita ko na meron din tayong mga prayoridad sa pagpapaliwanag n gating mga ginagawa at umuubos lamang ng oras iyon. Kasi kapag pumunta ka sa isa, kailangan puntahan mo na lahat. Sinasabi ko naman na yung rules sa forum dapat din naman tatanungin yung mga kandidato. Sapagkat hindi naman pwede na lahat lamang ng itatanong ay yung gagawin, sapagkat mahalaga rin naman malaman kung kaya mong gawin ang gagawin mo nga. Kapag sinabi mong gagawin ko ito, kaya mo bang gawin iyan? Kapag sinabi mong irereporma ko ang lipunan, tanong ko naman, may nareporma ka na ba sa buhay mo? May nagawa ka na ba na radikal sa buong buhay mo? Kasi kung wala naman, then pagandahan lamang ng statement iyan.

Q: So hindi kayo pupunta?

Villar: Hindi siguro, pero anytime I am prepared to discuss my views on things, anytime I'm prepared to discuss my platform, anytime I'm prepared to discuss what I have done in the past that will show that I can implement whatever plans I will announce.

Q: Pero hindi n'yo naman minamaliit ang mga debates na ganoon?

Villar: Sa totoo lang, napakarami na din akong napapahiya na mga kaibigan, napakaraming imbitasyon na hindi natin mapagbigyan. At ito ay isang malaking suliranin na pinoproblema na rin naming mag-asawa. Kaya humihingi tayo ng pang-unawa sa ating mga kababayan. Syempre sa ngayon ay inuuna naming ang mga mahihirap, inuna natin ang masa at ang mga kababayan natin na nangagailangan ng tulong at hindi itong mga plano.

News Latest News Feed