Press Release
July 28, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' RADIO INTERVIEWS

Q: Reaction on GMA's barbs in SONA?

MAR: Mabigat iyan na patutsadahan ka ng pangulo mismo. Biro mo banatan ka ng pangulo sa SONA ha. Para sa akin ay malaking karangalan na naging tinig at boses ako ng matinding galit ng ating mga kababayan. AT iyan na siguro ang pinag-re-reakan ni Pangulong Arroyo.

Nagpapasalamat ako na kinilala ako ng pangulo na naging tinig ako, naging mukha ako ng matinding galit ng ating mga kababayan...kaya siguro binalikan niya ako. Pero okay lang iyan. Kasi hindi ako aatras, hindi ako matitinag, itutuloy ko ang ating laban.

Q: Hindi kayo nagsisisi na nagmura kayo sa rally na iyon?

MAR: Nailabas ko lang dun, hindi ko naman sinadya iyon, inilabas ko lang ang saloobin ko. Palagay ko marami sa ating mga kababayan na ganun din ang kanilang saloobin.

Ang punto po dito, hindi po ito tungkol kay Mar Roxas , hindi din ito tungkol kay Gloria Macapagal Arroyo, hindi po ito personal. Ang punto po dito ay, hanggang sa ngayon ay pa rin ang gamot dito sa atin. Ang tagal na nating ipinaglalaban ito. Ang pangulo mismo siya na mismo sa nakaraang SONA, ipinagmalaki niya iyong Cheaper Medicines. At nung dumating na sa hantungan, nasa sa kanya, nasa kamay na niya ang martilyo na ipinagkaloob sa kanya ng batas, bakit ayaw niyang gamitin hanggang ngayon? 'Yung martilyo para pukpukin ang presyo ng gamot.

Q: Mas matapang daw 'yung bersyon na sinuportahan niyo? Mas malabnaw daw ang bersyon niyo?

MAR: Eh bakit niya pinirmahan? Bakit hindi niya vi-neto kung hindi pala siya sang-ayon? Bakit hindi niya sinabi sa mga kaalyado niya sa Senado na ito ang bersyon na gusto ko? Alam mo para sa isang pangulo, napakapoderoso, napakapangyarihan - na ito pala ang gusto ko pero hindi nangyari, parang napakahina naman noon. Ang punto dito, ang importante nasa batas, nasa kanya ang kapangyarihan para hatiin ang presyo ng gamot. Imbes na ginamit niya ito, nakipag-miting siya sa Pfizer, sa mga pharmaceutical companies, nakinig siya sa lobby at hanggang ngayon mataas pa rin ang presyo ng gamot.

Supposed to be next month na naman daw. Ano nangyari dun sa kanyang matinding salita na: "Kung hindi nila ibababa ito sa loob ng 10 araw, pipirmahan ko na ito." May nangyari ba dun? Wala namang nangyari.

Q: Special mention kayong dalawa ni Erap sa SONA. Sa palagay ninyo, sa dinami-dami ng pwedeng banggitin, bakit isa kayo sa mga pinasaringan?

MAR: Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya sa iba. Pero para sa akin...dahil napakita ko na ang puso niya, talagang wala rito sa atin. Dito sa batas na Malinaw na Malinaw na nasa kanya ang pagkakataon na ibaba ang presyo ng gamot. Last month pa nangyari ito, 2 months ago. Ngayon naaksyunan na niya ito, pasalamat tayo, pero 2 buwan ang lumipas

Pangalawa, sabi niya gusto niya iyong bersyon ng Kamara. Ano ba iyong bersyon ng Kamara? 'Yung unang bersyon ng Kamara, ang gusto nila hindi pangulo ang magpapababa ng presyo kundi isang board, isang price regulation board. Ito ang tanong ko...may napala ba tayong maganda dito sa Toll Regulatory Board? Sa Water Resources Board? Sa Energy Regulatory Board? At sa kung ano-ano pang mga board na iyan? Hindi ba ang Board isang pamamaraan iyan para magkaroon ng turuan, para magkaroon ng fall guy...ibig sabihin para hindi maituro dun sa talagang may kapangyarihan.

Q: Ang theory ng paglalagay ng board para magbantay para sa kapakanan ng Mamimili...?

MAR: Tama iyon. Ang punto ganito, hindi ba iyan ang pangunahing trabaho ng pangulo, ang bantayan ang interest natin? Hindi iyong pagbabalanse-balanse kundi bantayan at itaguyod talaga ang interest at ang kalagayan ng nakararaming Filipino. At Pangalawa, sino ba ang nag-a-appoint ng members ng board? Hindi ba ang presidente din? Eh di diniretso na lang natin. Malinaw na, may accountability, wala ng board, magkakaalaman talaga. Eto, pangulo na. Hindi lang ito para kay GMA ha, sa lahat nga mga pangulo ha.

Okay, ganito iyan. Heto ang pangulo, heto ang martilyo, hindi niyo na maipapasa ito, hindi niyo na maida-divert kung kani-kanino pa. Nasa kanya ang martilyo.

Q: Pambihira ang negosyanteng sumusunod ng hindi pinipilit. Bihira ang private companies na nag-vo-volunteer na ibaba ang presyo ng mga produkto nila...

MAR: Tama. Kaya nga binigyan natin ng martilyo ang pangulo dun sa batas. Pinirmahan ito June 2008 pa, malaking seremonya, malaking press release iyan. Ngayon pala, kuntento pala ang ang Malakanyang na pakiusapan lang, na hindi na gamitin pa ang martilyo?

Q: Puro kasinungalingan lang daw ang sinabi ng Malakanyang. Ang sagot ng Malakanyang, sa mga naniniwala, hindi na kailangan ang paliwanag pa. Pero sa mga hindi naniniwala, Katulad ng mga senador, kahit anong paliwanag hindi maiintidihan, hindi sasapat...

MAR: Simple lang. Dito sa Cheaper Medicines...ito ang larawan, pinaka-halimbawa sa napakalaking agwat sa salita at sa gawa. Hindi naman kailangan ng explanation dito. Last year naisabatas ito, binigyan natin ng martilyo ang gobyerno. One year later, nagpaakyat ng rekomendasyon ang DOH: Itong 21 na gamot na ito, nararapat takdaan ng MRP. Very good!

Diyan sa 21 medicines na iyan, idinribol, hindi inaksyon ng Malakanyang. Nakipag-miting sa mga kumpanya, pwede ba ibaba niyo na lang ang presyo ng mga gamot na ito, para hindi na kelangan pang pirmahan 'yung rekomendasyon? Balik ako sa katanungan, sinong negosyante ang kusang magbababa ng presyo ng gamot nila? Iyan ang dahilan kung bakit binigyan natin ng martikyo ang presidente, para pukpukin ang mga kumpanyang ito sa ngalan ng interest ng sambayanan.

Ngayon ano na? Dun sa 21 na iyon, lima (5) lang maipapasailalim sa MRP, iyong 16 boluntaryo. Eh kung okay pala ito sa Malakanyang, kung kaya pala nilang gawin itong boluntaryo, eh bakit hindi nila ginawa ito last month? Or nung Enero? Or nung March? Ang punto dito, sa bawat araw na lumilipas na hindi naibababa ang presyo ng gamot, ang bawat savings na sana ay natitipid o naitatabi, hindi nila nakakamit.

Diyan halimbawa sa Norvasc, P45 ang isa niyan. Kung naisakatuparan ang batas, eh di sana P22 na lang ang halaga niyan.

Yung savings kung nasunod ang batas, kung naipairal ang batas...eh di P22 na lang sana , may savings na pwedeng pambili ng kalahating kilong bigas at isang latang sardinas.

Dito sa Lipitor, gamot iyan sa cholesterol....P62 ang isang tableta niyan, araw-araw iniinom iyan kasi maintenance medicine iyan para sa mga senior citizens. Kung naipatupad ito, eh di P31 na lang. Isang kilong bigas iyan araw-araw na halos libre.

Hindi ito tungkol sa akin o kay Ginang Arroyo. Hindi ito personal. Dito ay nakita natin na nagtayo tayo ng gobyerno para gawin ng gobyerno, sa ngalan ng interest natin, 'yung hindi natin makakaya sa bawat isa. Eto na ngayon ang pagkakataon, bakit ang bagal-bagal, bakit hindi ginawa?

Q: Ang sabi ni GMA sa mga gustong tumakbo sa Pilipinas, pagdating daw ng kampanya, "Talk more how to build the nation rather than tear down their opponents. Give the electorate real choices, not just sweet talk." Anong reaction nyo dito?

MAR: Heto malinaw na malinaw na choice: Sa akin, ngayon mismo ay pinirmahan ko 'yan. Hindi lamang sa 22 na gamot...Sa akin, hindi mangyayari ang NBN-ZTE, hindi mangyayari iyang fertilizer scam. Hindi mangyayari na mag-a-appoint ako ng klasmeyt ng asawa ko bilang Ombudsman...

Q: Yung mga tulad ninyong maraming patalastas ngayon...natatakot sila na sa laki ng ginagastos, paano yung perang ginastos ninyo? Kinakabahan sila na babawiin niyo kapag presidente na kayo?

MAR: Unang-una, sa record ko ng pagserserbisyo, kahit minsan hindi nadapuan ng alingawngaw ng anomalya ang pangalan ko.

Pangalaw, tungkol dito sa aking pangarap na makatulong sa ating mga kababayan dito sa ating bansa...sinsero ako dito. Ginagawa ko ito dahil sa aking pananaw ay may pagkakataon na makatulong ako. Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon na ito. Kaya para sa akin, kung binigyan ka ng pagkakataon at tinalikdan mo 'yung pagkakataon na iyon na makatulong sa kapwa mo, malaking kasalanan iyon. Ako po ay nagprepresinta, nagko-communicate ako sa ating mga kababayan tungkol sa aking pangarap, hindi lamang para sa aking sarili kundi para sa ating lahat.

Q: Paano iyong babawiin niyo daw iyong ginastos niyo sa mga patalastas niyo?

MAR: Wala na ito. Tapusin na iyon. Noong 2004, tumakbo ako sa pagka-senador, naging malaking isyu din ito. Sa 6 na taon na senador ako, may narinig ka ba, may pumasok bang balita sa mga istasyon niyo na kahit katiting na isyu tungkol sa akin, na binawi ko iyon? Hindi lang ito sa salita, may track record naman na eh. Nag-DTI ako, 4 na taon, 2 pangulo. Ang mga desisyon diyan, masalimuot: tungkol sa quota, sa tariff, sa incentives...may negosyante bang makapagsasabi na hiningan ko sila o pinaringgan ko sila? Wala.

Q: ON GMA's claim that many of her critics have lifestyles not equivalent to their incomes...

MAR: I don't feel alluded to. Ito na ang lifestyle ko dati pa. Isa pa, wala akong kontrata sa gobyerno. Hindi ako nagnenegosyo sa gobyerno, wala akong binebenta sa gobyerno...semento o kalye o eskwelahan. Wala akong record na yumaman ako o kumita ang negosyo ko sa pamamagitan ng pagnenegosyo sa gobyerno. Wala akong utang sa gobyerno.

Kung ang tanong ninyo, ano ba ang pagkatao ko? Heto ang pagkatao ko: Tinatayuan ko ang track record ko. Hindi lang ito akin pero ito iyong ipinakain sa akin ng aking lolo, ng aking ama...malinis ang kanilang pangalan at para sa akin ay obligasyon ko na ipamana ko iyan sa aking anak na 15 years old na...hinding-hindi ko gusto na pagpasok siya sa eskwelahan na kakantyawan siya ng kanyang mga klasmeyt. Kaya ipapamana ko din sa kanya, isang magandang pangalan.

News Latest News Feed