Press Release
July 28, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' MEDIA BRIEFING
AT SENATE PRESS OFFICE

Q: Ano masasabi mo sa mga pasaring, yung version cheaper medicine bill, weak?

MAR: Naawa ako sa Pangulo. Siguro sigiro sa inis niya ay hindi na niya alam ang sinabi niya. Kung inereklamo niya na mahina ang batas, dapat nag-veto siya, hindi niya pinirmahan. Ikalawa, kung may gusto pala siyan g mga probisyon, bakit hindi niya tinawagan at hiningan ng tulong 'yung kaalyado niya sa Kongreso at sa Senado . Pangatlo, pinirmahan niya ito, pinagmalaki niya ito. Ilang SONA na ang lumipasm, ibinenta niya ito. Ngayong binigyan siya ng pagkakataon na siya mismo, hindi niya ipapasa sa secretary, siya mism, sa kamay niya ang kapangyarihan na kalahatiin ang presyo ng gamot, umatras siya, dinribol niya. Para sa pangulo, imbes na kung ano-ano pa ang sinasabi, imbes na naghahanap pa ng sisisihin, gawin na lang niya, nasa sa kanyang kamay, balpen lang ang kailangan para mapirmahan niya iyang EO na iyan.

Tingnan natin kung ano ang nangyari. Ang kanyang DOH secretary ang nagrekomenda ng 21 gamot na pwedeng kalahati ang presyo. Ano ang ginawa niya? Nakipagmiting siya sa mga kumpanya, sa Pfizer, nagbanta pa siya, matapang na nagbanta, na kung hindi niya ibaba ang presyo sa loob ngsampung araw, pipirmahan ko ito. Anong nangyari? Hindi din niya napirmahan. Ngayon na naman, Agosto o Setyembre.

Ang punto po dito ay hindi po ito tungkol kay Gloria o tungkol sa akin. Tungkol ito sa buhay ng ating mga kababayan. Hirap na hirap sila. Buhay ang pinag-uusapan dito. Kawawang-kawawa sila na itong mga gamot na ito, nandiyan naman sa botika, hindi nila mabili kasi sobrang mahal at may pamamaraan para mahati ito sa presyo. Ang kapangyarihan, ang pamamaraan, ay ipinagkaloob sa gobyerno ng batas para mapamura itong mga gamot na ito. Iyan lang ang isyu dito.

Ngayon, dun sa pasaring, ikinararangal ko na naging paraan ako para mailahad ang tinig, ang galit ng ating mga mamamayan sa pamamagitan ng aking sinabi dun sa nakaraan. Pero hindi po iyon ang punto. ang punto dito ay kaya tayo may gobyerno, kaya tayo may pangulo ay para bantayan ang ating intertest, hindi para makapag-kuntsaba sa mga pharmaceutical companies at payagan silang ma-exempt dito sa MRP.

Q: Ano bang status, kelan ba pipirmahan?

MAR: Wala namang nakakaalam eh. Dati pinagmamalaki ito pero ngayon wala ng nakakaalam.

Q: On the "Don't say bad words in public"...

MAR: Tungkol dun, 'yun naman ay nasabi ko ang saloobin ko, papanindigan ko 'yun. Humingi naman ako ng pag-unawa mula sa ating audience. Ang punto dito ay, sa palagay ko ay naging instrumento lang ako para mailabas ang saloobin ng ating mga kababayan, sa ating milyong-milyong kababayan na galit dahil binabantay-salakay ang interest natin dito sa ating sariling bansa. Imbes na pangalagaan tayo ay pinababayaan tayo.

Q: Message to GMA

MAR: Pangulo, nasa iyong kamay na kalahatiin ang presyo ng gamot dito sa ating bansa. Gamitin po ninyo 'yung martilyo na inilgay namin sa kamay mo para pupkpukin ang mga presyo ng gamot. Huwag kami ang iyong pukpukin kundi ang presyo ng mga gamot.

Q: Anong take mo dun sa statistics sa SONA re: classrooms?

MAR: Maaaring yan nga ang istatiska pero ang katotohanan ngayon ay mas maraming gutom kesa nung nagsimula siya; mas maraming walang trabaho kesa nung nagsimula siya; mas maraming nag-o-OFW dahil walang pag-asa dito, ang pag-asa ay sa pag-a-abroad lamang. Mas mababa tayo ngayon sa international test scores kesa nung nagsimula siya. Ang corruption rating ngayon, mas mataas kesa nung nagsimula siya; ang kahinaan ng governance rating natin ngayon, mas mahina kesa nung nagsimula siya. At pati na itong Moody's at Standard and Poors na international rating, ang rating natin ngayon ay BA minus atsaka BB- ay katumbas lang ng rating nung 1993. Kaya kung meron mang nangyari, kulang na kulang...mas gutom tayo. Itong pagkakataon na ito ay nasayang.

Q: It is significant that he did not mention anything about corruption?

MAR: Anong Sasabihin niya? Hindi nakakapagtaka na wala siyang sinabi tungkol sa korupsyon dahil nasa world-class ang rating natin...sa pinaka-mababa.

Itong SONA ng pangulo, tungkol ito sa nakaraan. At kahit na tapos na ang nakaraan natin, hawal pa rin natin ang ating kinabukasan. Ito na ang pinaka-huling SONA na ibibigay ni GMA. Wala sa kanya kung magpapatuloy ang kanyang paghahari-hari dito. Nasa sa atin, kung papayagan natin, aba'y wala na tayong mapagbibintangan o masisising iba pa. Pero ang importante dito ay huwag tayong madadala na siya ang magdedesisyon tungkol sa ating kinabukasan. Tayo, hawak natin ang kinabukasan natin. Huwag nating ibibigay sa kanya at sa kanyang mga alipores.

Q: How do you read her statement: Her term ends in 2010?

MAR: Tama. Masyado tayong nafi-fixate kung ano ang hidden meaning nun. Nakatakda sa ating Saligang batas na her term ends June 30. Tapos na siya June 30, tapos na si GMA. Kaya imbes na pag-aksayahan natin ng panahon si GMA, kung anuman ang gagawin niya, kung anuman ang plano niya, pagtuunan na lang natin ang ating mga kinabukasan at ang ating mga plano at gagawin para maibangon muli ang gobyerno at ang ating bansa.

News Latest News Feed