Press Release
August 11, 2009

Transcript of Sen. Mar Roxas' post-press conference ambush interview

On LPG industry

MAR: Pumuputok itong mga LPG tanks na ito, mga fire incidents na kung saan ay may mga namamatay, and of course, nasusugatan. And milyon-milyon na ari-arian ang nagiging abo na lang.

Q: Sure na papasa na itong bill at hindi na matutulad dun sa ibang bills na nabitin lang?

MAR: Hindi naman ako ang House of Representatives, nandito naman po ako sa Senado. At dito sa Senado ay ang ating trabaho ang siyang isinusulong natin.

Q: May on-going bang investigation?

MAR: We are just doing the bill. Dumulog po sila sa aking tanggapan. Nagka-hearing tayo 2 weeks ago bago namatay si Tita Cory, na kung saan ay nadinig ito nila Abigail at iyan ang dahilan kung bakit dumulog sila sa atin tanggapan para suportahan nga itong panukala na ito. At iyan din ang dahilan kung bakit pursigido nating tatapusin ito.

Q: Magbubuo ka ng TWG?

MAR: Yes. Wala namang malaking isyu dito. Ang pinakalamaking isyu lang dito ay kung anong ahensiya ang dapat na mag-handle ng quality control. Sa ngayon kasi, sa construction, DTI ang sumusubayday. Dun naman sa filling and re-filling, DOE ang sumusubaybay. Ngayon kung may pumutok na tangke, hindi na natin alam ngayon kung sino ang supposed to be na nagbabantay na pinabayaan ito.

Sa panukalang binubuo natin, gagawin na nating isang ahensiya na lang para wala ng turuan, gagawin na nating responsible and accountable ang isang ahensiya na siyang hahabulin natin at pupukpukin natin kung mangyari man uli ang mga ganitong insidente.

Bibigyan din natin sila ng confiscatory powers. Ngayon kasi sa kasalukuyan, kung may makita silang depektibong tangke, mamarkahan lang nila eh. Kasi walang confiscatory powers. Sa susunod na araw, nawala na 'yung minarkahan nilang tangke, wala na 'yun, tapos na 'yun. Ngayon kung napasa na ito at may nakita silang depektibo, hindi lang mamarkahan ang mga ito kundi mako-confiscate na ito at maitatabi na para hindi na muli na mabalik sa pamilihan.

Q: Yung under-weight kukumpiskahin din 'yun? Subject din to seizure?

MAR: Hindi, hihiwalayin natin 'yung 2 isyu. 'Yung tamang timbang, iyan ay kailangang itama lamang. Pero dun naman sa depektibong construction, 'yung mga kinakalawang na, 'yung mga mahihinang hinang at sasabog na, may defective valves, may collar na hindi tama ang paglagay--lahat 'yun iko-confiscate na kasi safety issue na iyan.

Q: Yung isang agency na lang, yun ang ipo-propose niyo?

MAR: Tama po. Para sa akin ang DOE ang ahensiya na siyang dapat na magmula sa simula hanggang sa dulo, sila na dapat ang sumubaybay dito.

Q: When are you looking at bringing this bill to the floor?

MAR: In about a week's time. Maybe this week or by the end of next week or the following week.

News Latest News Feed