Press Release
August 25, 2009

Transcript of interview with Senate Reporters with Sen. Manny Villar

Q: On the latest pulse asia survey

Villar: Nagpapasalamat naman tayo sa ating mga kababayan. Sa palagay ko nagugustuhan naman nila ang ginagawa natin. Tuloy-tuloy ang ating pagtulong at hindi nakikipag-away, tahimik lamang. Sa dami ng problema ng ating bansa, palagay ko iyan na rin ang gusto ng ating mga kababayan kaya nare-reflect iyon sa ating mga ratings. Kaya nagpapasalamat ako sa kanilang lahat.

Q: Kanina lumabas sa hearing na iyong empleyado nyo daw po allegedly from Adelfa Properties ang nag-dictate doon sa C-5.

Villar: Natatawa na lang ako diyan, pati iyong mga consultations. Iyong hearing na nakita natin kanina, maliwanag naman pinapalaki ang isang maliit na bagay na karaniwan namang ginagawa ng mga senador. Maliwanag na dito ay walang iregular, pinapalaki lamang nila ito. Isang taon na ito, maanong harapin na nila ang katotohanan na wala pa silang naipapakitang irregular at mali at kung ano ang na-violate na batas o rule dito sa Senado. Sa akin, one year na wala pang naipapakitang mali. Iyung pagsama ko ng staff ko, normal naman iyan. Natatawa nga ako at nabi-bring up pa iyan, binibigyan ng malisya. Kaya mo nga staff iyan para kasama mo.

Q: Iyong certification ng HR ng Senado, hindi daw ho naging empleyado ng Senado si Anastacio Adriano?

Villar: Hindi naman kailangang lahat ng ginagamit mo ay empleyado ng Senado. Kailangan mo rin kasi kasama mo.

Q: Consultant nyo ba siya sir?

Villar: Oo.

Q: Noong nagkaroon ng hearing, ano po ang position niya at that time?

Villar: Dapat ang gusto kong isama ay iyong nakakaalam kasi dati siyang empleyado roon. Wala akong nakikitang masama. Basta ang punto ko lang, kailangang naman i-establish nila kung saan ako nagkamali doon. Sa tingin ko, wala. Maliwanag naman, if at all, naipakita na walang double insertion, na lahat nang inaakusa nila wala. Inuulit ko, wala akong nakikitang masama doon.

Q: On C-5

Villar: Inuulit ko I am very proud of C-5, it is a project that will serve 6 million people. There is nothing irregular diyan. Talaga namang ito ay nagmamadali nang buksan. Binibigyan lamang ng kulay ng iba pero wala akongnakikitang mali.

Q: You used your influence daw para pataasin ang presyo ng mga lote ninyo?

Villar: Diyan ako nalulungkot kasi sinabi ko nga ang laki ng nawala sa akin diyan. It is not true. Ipinakita ko na nga na hindi pa nga ako nababayaran. Sabi ko, bakit naman ganoon, ikaw na ang nagsasakripisyo, ikaw pa ang sinisiraan. Sabi ko nga, kaming mga developer hindi nagbibigay ng right of way. Kaya lang ako nagbigay ng right of way alang-alang sa aking mga constituents.

Q: On Pulse Asia

Villar: Nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan sa ratings na iyon. Syempre natutuwa naman ako at sa palagay ko nagugustuhan nila iyong wala tayong kinakaaway, trabaho lamang tayo nang trabaho. Tayo ay tulong lamang nang tulong sa ating mga kababayan, sa mga mahihirap. Sa palagay ko iyan ang gusto nila. Ang ratings na iyan ang maliwanag na senyales ng kanilang kagustuhan. Ako ay nagpapasalamat sa kanilang lahat.

Q: Si Willie ba nag-eendorso sa inyo?

Villar: Kaibigan nating matalik si Willie at ako ay bilib na bilib sa kanya.

News Latest News Feed