Press Release
September 3, 2009

Transcript of ambush interview of Senator Richard J. Gordon

Q: Sa tingin niyo dapat po bang i-register yung Magdalo Group as a political party?

RJG: Well, if they do that they have to swear that they will abide by the Constitution. That they will not overthrow the government. Kung gusto nilang mag-rehistro, that means nagbabago na sila. Pero hindi pwedeng parang goma yung oath, yung mga pinipirmahan. That's one of the reasons why ako, may reservations kay Trillanes. Again I say I respect na malakas ang loob niya, pinanindigan niyang iku-coup d' etat niya ang bayan. Pero dapat pag sumumpa ka, viniolate mo yung sumpa mo dun. PMA cadet ka, sundalo ka viniolate mo tapos later on nandoon ka sa husgado, nagmartsa ka ulit, senador ka na, nanalo ka, hindi ka lang makaupo, viniolate mo ulit yung oath. At sumusweldo ka na, meron kang nakukuhang allowances sa gobyerno at meron kang duties, though limited ang duty mo, pero viniolate mo pa rin. Yan yung palagi kong inuulit-ulit dito sa Senado pagka-minsan. Pagka dapat sumumpa ka, sumpaan mo at igalang mo.

Q: Mere fact na magpa-paregister is a sign na they will abide by the Constitution?

RJG: Definitely. Hindi pwede silang, magsasama. Sa akin willing ako na pati NPA, kung gusto nila bumaba sila sa bundok, sumumpa sila, at magtayo sila ng partido. OK sa akin iyan. Pero dapat, panindigan nila yung sumpa nila. Tigilan nila yung armed struggle. Sundin mo na yung Saligang Batas. It's not perfect, but you have to follow it.

Q: Sir, ok lang yung decision ng Ombudsman kay Neri at kay Abalos?

RJG: Malinaw naman sinabi ko iyan from the very beginning. Kaya nga ako sinisingil. Tinanong ako ng media kung sinong kasama. E malinaw naman sa akin sapagkat tapos na yung desisyon. Tatlong draft na nga e. Napaganda nga yung hearing ko dahil maraming lumabas.

Q: Malacanang hesitant to implement suspension order against Neri

RJG: Hindi naman dapat Malacanang. May suspension order ang Ombudsman. Dapat sundin talaga iyan. Part of your oath is to enforce all laws

Q: May pending appeal...?

RJG: pwede naman talaga iyon, may motion for reconsideration siya

Q: Ang Ombudsman kumilos na rin after so long...?

RJG: Di ba sabi ko kulang? Minsan lang mag-order, kinulang pa. Hindi makabuo

News Latest News Feed