Press Release
September 8, 2009

STATEMENT OF SENATOR REVILLA ON HOUSE COMMITTEE'S
APPROVED RESO ON TEXT TAX

I reiterate my opposition to the imposition of additional taxes on texting that will be shouldered by subscribers. Texting has developed to be the cheapest and most accessible means of communication, and new taxes imposed to the public will definitely burden them.

Habang mahalaga ang pondong makakalap ng panukalang ito para sa edukasyon at iba pang mahahalagang serbisyo, mas mahalaga na hindi na madagdagan ang gastusin ng publiko. Kailangan masiguro na kung maisasakatuparan ito, hindi dapat ang publiko ang pumasan nito kundi ang mga dambuhalang TelCo.

Nakakapangamba kasi na baka sa huli ay ang publiko rin ang magpapasan ng text tax na ito sa pamamagitan ng tagpas na free texts at iba pang panggigipit na text schemes na idedeklara ng mga telcos. Kahit singkong duling pa yan pero kada text naman, malaking kawalan pa rin sa mga subscribers kung sila ang magkakargo niyan. Sa panahon ngayon kung kailan mahalaga ang bawat sentimo sa ating mga kababayan, hindi natin dapat dagdagan ang kanilang mga pasanin.

News Latest News Feed