Press Release
September 14, 2009

Transcript of Interview with Sen. Richard J. Gordon

On Sen. Lacson's privilege speech against Former Pres. Estrada

Sen. Gordon: Matindi yung mga binitawan dito kaya dapat magpaliwanag din si Pres. Estrada, lalo na at malapit si Sen. Lacson sa kanila noong araw, dapat talaga maliwanagan kung ano ang nangyari talaga dyan. Mabigat ang timbang noon sapagkat may pinagsamahan silang malawak, at ngayon hindi iisang tao na lamang ngunit pati si Chavit Singson ay nasama na dyan at marami pang ibang kaso na isiniwalat, kaya dapat maipaliwanag ng husto ito. Lalo na ngayon kakandidato si Erap, dapat ang tao matutong kumilatis ng lahat ng kandidato para hindi nasusubo ang tao sa mga ganyang samahan na sa bandang huli, huli na, nangyari na ang mga katiwalian. Dapat mag-isip tayo ng mabuti sa mga darating na panahon para maliwanagan ang tao na yung mga binoboto nilang tao ay hindi talaga mistulang mga anghel.

Q: Sa mga sinabi ni Sen. Lacson ano sa tingin nyo ang pinakamatindi doon?

Sen. Gordon: Lahat. Because it involves corruption, smuggling, yung sa bigas, yung sa manok, yung panmpipilit sa mga negosyante at may halong pananakot, yun ay talagang naked abuse of power. Alam nyo kung minsan sasabihin ng tao sila ay ganito pero ang totoo pala nyan ay iba ang ginagawa. So, matindi itong binigay na ito.

Q: Pero yung iba sinasabi bakit ngayon lang?

Sen. Gordon: Sinabi ko nga rin yun. Bakit ngayon lang? Ganun talaga eh. Minsan kailangan may pinag-awayan pa. Yun ang sinasabi ko na ngayon ang labas nito parang may testigo sa mga katiwalian, at syempre kaya nga sinasabi ko kailangan sagutin ng husto itong mga tinatanong at binunyag na ito sapagkat kung hindi sasagutin yan ay talagang totoo yan.

Q: Pero di ba he had been convicted na?

Sen. Gordon: Meron pang ibang bago eh. He was convicted for jueteng, pero he was not convicted for smuggling, he wasn't convicted for using the powers of his office to commit graft like pwersahin bilhin yung mga shares of stock. Kung totoo yun ay mabibigat na question yun, another issue yun na dapat ipaliwanag.

Q: So anong kaso po ang pwede dun?

Sen. Gordon: Anti-graft. Now that he is a regular citizen, anti-graft, plunder.

Q: Plunder again?

Sen. Gordon: Oo, may plunder, pwede yan. Iba naman yung kaso doon sa plunder noong nakaraan. Plunder doon sa smuggling, dun sa corruption charges na pinalilipat yung mga shares of stock. Iba yung causes of action doon sa jueteng, iba rin ito ngayon. Ito ay anti-graft, dahil pinipilit mo ang isang opisyal ng gobyerno na magpa-jueteng. Iba yun. Yung jueteng doon kay Singson ibang kaso yun, eto panibagong kaso ito.

Q: Yung pinuwersa daw po yung isang businessman na magbenta ng kaniyang shares?

Sen. Gordon: Yes. Dapat patunayan yun, at ang makakapag-patunay ay kung sino yung mga pinagbentahan. Pero hindi ako naniniwala na ginawa ni Manny Pangilinan yun, medyo duda ako doon dahil kaklase ko yun. Masyadong mabait ang taong yan, pero maaring si Erap mismo meron siyang interes doon siguro na pwedeng mangyari yan.

Q: Yung statement ni Sen. Lacson can be a basis?

Sen. Gordon: He will now be a state witness. Kailangan patunayan niya sa labas ng senado. Pag nag-file sya magiging testigo siya, kailangan patunayan nya lahat yan. Syempre siya ang chief of police noong araw bakit di niya sinabi yun dati. Yan nga ang nangyayari sa ating lipunan, maraming nagpapanggap, maka-mahirap o di kaya naman api, pero pag kinilatis natin lalabas ang katotohanan.

Q: Are you saying na may liability din si Sen. Lacson?

Sen. Gordon: He will have to answer for his charges. Kung recklessly made yung charges at wala siyang pagpapatunay, talagang ethical conduct yan aabutin dito sa senado. Pero kung mapapatunayan niya dapat talaga i-file yung kaso.

Q: Gaano kabigat pag galing kay Sen. Lacson?

Sen. Gordon: Eh insider siya eh. Syempre kailangan patunayan ni Erap na nagagalit lang at gawa-gawa lang ni Lacson yan. May credibility dahil siya ay insider at malapit na malapit kay Erap noong araw. Hindi naman ako masyadong naniniwala sa lahat ng sinabi ni Sen. Lacson na siya ay na-outside the kulambo sapagkat noong EDSA dos nandun ako pero di ko nakita si Sen. Lacson na lumipat. Tsaka bakit ngayon lang?

News Latest News Feed