Press Release
September 16, 2009

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero at the session hall

On Secretary Teodoro's nomination...

Binabati ko si Secretary Teodoro at nakuha niya ang nominasyon ng kanyang partido. I wish him well in the 2010 elections, sinuman ang kanyang makaka-tandem at makakasama sa administration party.

Si Secretary Puno nga...

I wish them well, buti nakuha na nila yung administration party nomination para maliwanag na rin yung magiging labanan sa darating na halalan.

Meron (inaudible) kasi they're running under the administration....

Wala, yun naman talaga ang tinatakbuhan nilang partido, ang Lakas-Kampi-CMD.

Strong contender ba?

Sino mang tumatakbo sa anong puwesto dapat tinitimbang na mabigat ang kada kalaban at walang dapat minamaliit, bakay yung hindi mo pa pinansin ang biglang makagulat sa yo at malakas pala pagdating sa dulo.

Dapat na nga ba silang magresign as Cabinet members?

Matagal ko nang sinasabi yon, na kapagka nagdeklara na sila marapat at dapat na magbitiw sila sa kanilang puwesto dahil may duda palagi ang sambayanan na baka nagagamit ang kanialng puwesto para sa kanila nang personal at pamumulitikang galaw kaugnay ng kanilang kandidatura.

Yung sa haka-haka na baka mahati yung support ni Danding between you and Gibo...

Intact ang aming partido, sa aking pagkakaalam, at hindi naman na siya ay miyembro ng NPC at lumipat na sa Lakas. Ginagalang namin at ginagalang ko ang kanyang paglipat sa partidong Lakas mula sa NPC.

So naniniwala ka na yung suporta ni Danding ay nasa NPC standard-bearer?

Hindi ako, wala ako sa lugar para magsalita para sa kanya at ayaw ko ring timabngin at makipagtimbangan ng bigat kaugnay sa partido, anuman yon at relasyon, dugo man o hindi.

Yung blood is thicker than NPC...

Gaya nga nang nasabi ko, ako'y nagsasalita lamang para sa sarili ko at hindi tagapagsalita ninuman, maski na ng aking partido. Hayaan nating sila magsalita para sa sarili nila at hayaan natin ang partido ang magsalita para sa partido namin.

Kailan kayo magsasalita, postpone daw yung sa Sept. 23...

Hayaan natin an gpartido ang magdesisyon, uulitin ko, may sariling tagapagsalita ang partido at bitbit at dala ko rin naman ang sarili kong katawan kaugnay sa mga posisyon, paniniwala at paninindiga.

Pero na-inform ba kayo na postpone yung Sept. 23... Actually hindi pa eh, actually hindi pa eh, narinig ko lang din galing sa tsismis.

Sir parang may usapan na raw kayo ni sen. Loren at ang usapan ay wala sa inyong magbo-bolt out, isa lang daw ang magpaparaya, may ganoon na bang usapan?

Matagal naman na yun ang usapan sa loob ng partido, pero uulitin ko ang desisyon kaugnay sa pagtakbo at hindi pagtakbo para sa partikular na posisyon desisyon ng kandidato at personal na desisyon nya yan, that should be the first test of leadership of any candidate running for any position, that he or she take full responsibility for the decision to run or not to run for a particular position. Hindi dapat porket dinikta o sinabi ng sinuamng grupo o partido.

Tutuloy ka pa rin?

Hindi pa nga nagsisimula tutuloy pa.

Sabi disadvantage daw yung pagiging bata...

I think Noynoy is 49, Gibo sa 45, I'm 39 (going 40).

Disadvantage ba yun ikaw ang pinakabata?

Hindi ko tinatawarana ng kakayanan ng mas matanda sa akin, dapat hindi rin tawaran ang kakayanan ng kabataang Filipino. Bawat isa sa atin ay may angking talino, galing at talento na pedeng ibuhos alang alang sa bayan.

Lumilinaw na yung karera dahil sa nominasyon ng Lakas...

Hindi maikakaila yon sa pagdaloy ng mga araw lilinaw at lilinaw palagi yon kaugnay ng linyahan at sa mga partidong magsusulong ng kandidato.

Ano na lang yung malabo, yung vice ni Villar, otherwise malinis na...

Halos lumilinaw na yung iba.

Sa inyong dalawa ni sen. Loren malinaw na yon?

Papunta na rin don (sakalinawan?), sa kalinawan, siyempre, kung kalabuan hindi pinupuntahan yon, tinatakbuhan palayo yon.

Maghihiwalay ba kayon ni Loren?

Pareho kaming miyembro ng NPC, walang dahilan para hindi kami magkasama.

Tungkol kay Gilbert, is he a threat?

Hindi dapat tawaran ang kakayanan ng kandidatura ni Gilbert dahil administration party candidate siya, may makinarya ang administrasyon, sila ang nakapuwesto ngayon. At sino mana ng tumatakbo hindi rin dapat tawaran ang kanilang kakayanan.

Give away ba nila yung presidency to someone else...

Wala naman siguro lalaban para lang matalo, lahat ng lumalaban sa paniniwala ko, paniniwala nila may panalo sila.

News Latest News Feed