Press Release
September 17, 2009

Transcript of NPC's Meet the Press Forum aired over NBN-4

HOST: Alam ko po na kayong mga nanonood ay mas interesado sa nangyari kahapon ang well muli ay pagpili ng administration ng kanilang kandidato for 2010. At kukuwentuhan tayo ng kaunti ni Senador Migz kung paano nga ba ang naging proseso? Habang ang impression ay nahirapan ang executive committee pumili eventually ng administration candidate?

SJMZ: Well medyo tumagal ang diskusyon. Unang-una pinag-usapan namin iyong merger, Lakas-KAMPI, anong status sa Comelec dahil may pending petition nga ang dating mga stalwarts ng Lakas-CMD sila Cong. Joe De Venecia ay nag-file po ng petition to dissolve ito ngang membership ng Lakas-KAMPI. At pagkatapos po noon ay tin-tackle po natin ang pagpili ng standard bearer. Ang kagandahan po nitong proseso na ito ay pinadaan po namin silang dalawa sa question and answer portion at napanood po iyan live sa television kung saan nakita po natin iyong gilas at iyong galing at iyong kakayahan nitong ating dalawang kandidato sa Lakas-KAMPI. At kung paano sumagot dito sa ibat-ibang katanungan or typical problems of the nation. At pagkatapos po noon nagkaroon kami ng secret balloting and after the secret balloting lumabas po iyong resulta na overwhelming po iyong support kay Sec. Gilbert Teodoro. Pero hindi pa po iyan katapusan ng proseso, dadaan po ng ratification iyong pagpili sa kanya doon sa national assembly na gagawin by October. Second week of October if I'm not mistaken.

HOST: Bago magtanong iyong ating mga kasama sa panel. Paano si chairman Bayani Fernando sangayon sa mga report kahit na hindi na po siya napili kahapon as standard bearer mukhang he will be doing a Ramos? Natatandaan natin noong araw iyong kay Mitra atsaka kay Ramos. So ito ay nangangahulugan na hindi na magkakaisa ang partido, tama ho ba iyon?

SJMZ: Huwag naman sana. Alam mo huwag naman sana dahil iyon ang kitatakutan ng partido na pagka may isang hindi napili ay magagalit, magtatampo, aalis at lalayas. Actually meron pong nagtanong niyan na kung hindi po kayo pipiliin ng partido, anong gagawin ninyo? Napaka-ganda po ng sagot ni Sec. Teodoro, sabi po niya na pagka-ganoon irerespeto ko iyong desisyon ng partido at magko-concentrate na lang ako sa pagiging secretary of national defense. Iyong sagot naman po ni chairman Bayani Fernando ay sabi niya he will keep all his options open. Sana hindi naman po ganoon dahil kaya nga nagkakaroon tayo ng selection process, kailangan mong kumampanya sa mga miyembro ng partido. Ngayon kung ayaw ng miyembro ng partido sa iyo let's just face the fact na someone had come out as the winner, let's support the winner. Pangit po kasi iyong nangyayari. Nakikita po natin dito sa politika ng ating bansa, pag ang isa ay natalo nadaya siya, dinaya siya or min-manipulate ang resulta para hindi siya Manalo. But we must accept the fact whether you win or lose, let us support the party kasi at the end of the day iyong partido na ito ang panalo kung magkaisa ang dalawang grupo, or magkaisa sila ni Sec. Teodoro at chairman Bayani Fernando.

PANEL (1): I remember in 2007, majority of provincial governors promised that they would work for a clean slate of the senatorial line up of Lakas ... and we know what happened ... In the case of Sec. Teodoro virtually the same group of governors had come out in support of Gilbert Teodoro is there a possibility that the same debacle can ensue?

SJMZ: Absolutely. What we'd like to avoid Manong Dans a repeat of what happened to Speaker Mitra and Speaker De Venecia. Remember the time of Speaker Mitra noong tumakbo po siya sa pagkapangulo ng ating bansa halos lahat ng local official ay sumusuporta. Ngpalabas sila ng manifesto na sumusuporta sa kanya. Tapos noong 1998 ganoon din ang nangyari kay Speaker De Venecia na halos lahat or 80 percent ng local government units ay sumusuporta din sa kanya through manifestation - we'd like to avoid that. The difference is ngayon po napakaraming kandidato galing sa oposisyon, noong 1998 klaro lang po isa lang po ang kalaban talaga was then President Estrada at napakalakas po ng kanyang hatak sa taong bayan. Ngayon po marami po silang tatakbo, lima po iyong bilang ko for example for the Nationalist People's Coalition (NPC) maybe Chiz Escudero o Loren Legarda basta one candidate for the NPC. One candidate for NP which is Manny Villar. You'll have one candidate for the Liberal Party which is Noynoy Aquino. You'll have former President Erap Ejercito Estrada and maybe from the religious sector you'll have Bro. Eddie Villanueva. So, that's five candidates from the opposition and one solid organization for the administration. It's a hard time Manong Danny. We do not have illusions of grandeur. Mahirap talaga itong laban na ito lalong-lalo na napaka-baba ni Sec. Teodoro.

PANEL (1): You said that 1998 was a ... in the case now we have Noynoy Aquino registering what have actually a nominal survey rating 50 percent in the so-called Lingayen-Lucena corridor. Aren't you intimidated by those figures?

SJMZ: I would rather like to see a number of surveys come out in the same results. Ako po ay nahihirapan maniwala. Kaibigan ko po si Noynoy. Lahat po iyan ng tatakbo kaibigan ko at kasama ko sila sa majority at kasama ko po sila sa senado in majority leader such as Sen. Noynoy, Sen. Chiz, Sen. Loren they are all my friends but it's hard for me to believe. Parang napakahirap na maniwala na ganoon kataas po ang survey result ni Noynoy. I'm not how do you say this, discrediting the SWS, but what I'm just saying is let us look other survey results from Pulse Asia at saka ibuo na natin ang Pilipinas dahil galing po kami ng Mindanao at Visayas. Last week nasa Lanao Norte po ako at Lanao Sur and I was also in Dipolog and Dapitan, although sa urban areas malakas si Noynoy at matunog ang pangalan niya pero sa barangays pagikot po namin pag-turnover ng projects ay hindi po masyado silang sold out kay Sen. Noynoy. So, ang aking diyan ay let's give it a few more surveys, buo na natin kasi it could be misleading. You can get the basic areas concentrate mo iyong respondents sa bailiwick areas na iyan siyempre lalabas napakalakas pa rin. So, for example Manny Villar, Mar Roxas is doing very well in Panay, if we do a survey of Panay Island and limit it to Panay Island, parang Visayas pero utilizing only the island of Panay which is Iloilo, Antique, Capiz and Aklan lalabas doon top 2, Mar Roxas at Manny Villar and matataas ang ratings nila. Maganda makita natin iyong buong sitwasyon ng ating bansa, the whole picture ika nga of the survey.

PANEL (2): Nabuo na iyong tandem na to deal with, Gibo and Puno tandem. Anong meron itong tandem ito na wala ang tandem ng mga oposisyon?

SJMZ: Hindi ko naman masabi na wala ang mga

HOST: Ayaw mo yatang mag-give up Mr. Senator e? (laughs)

SJMZ: Hindi. You know in politics ang turo sa akin ng tatay ko you should always run skirt. Ang ibig ko pong sabihin na running skirt ay huwag po tayong maging kumpiyansa kasi kung maging kumpiyansa po kayo diyan po tayo natatalo. I cannot say that for example in intelligence Chiz Escudero and Gilbert Teodoro probably can debate on legal, constitutional issues, human rights issues, as well as Noynoy Aquino whose also very intelligence and the other presidential candidate so napaka-ganda po ng debate na mangyayari dito kung magsasama itong mga batang kandidato sa pagka-pangulo. So, for me I'm excited. I'm just very excited because kilala ko nga itong lahat and I've worked with Gilbert Teodoro for nine years. Ang masasabi ko lang sa ating mga kababayan ngayon ibang klase iyong leadership qualities ni Gilbert Teodoro. Noong siya po ay congressman sa House of Representatives napaka-tindi ng leadership qualities niya.

PANEL (2): Sa tingin mo nawala na ba iyong tinatawag na kiss of death ni Pangulong Arroyo?

SJMZ: Well nandoon pa rin iyon. Let's face the fact na hindi naman sinasabi na kiss of death, of course ganoon pa nga kung maniniwala tayo sa survey results napaka-unpopular ng ating Pangulo pero ilalabas din po ni Gilbert Teodoro iyong mga nagawa po natin na kabutihan dulot ng administrasyon ng ating presidente. Ilalatag po ni Sec. Gilbert Teodoro iyan. Iyong infrastructure programs, bagong airports, bagong seaports, iyong massive road and bridge program ng pangulo, tulay ng pangulo, iyong energization. Ngayon sa Bukidnon halos lahat na ng barangay is energized kaya iyong incidences of insurgency ay bumababa. So napakarami din, ilalabas po niya iyon.

HOST: Bitin na tanong bago tayo mag-break. Paano kung hindi aangat si Gibo Teodoro sa mga surveys? Paano kung hindi papalo as expected ratings ni Sec. Teodoro? Sasagutin iyan ni Sen. Migz sa pagbabalik ng inyong Meet the Press.

SJMZ: Well alam mo ako partylista ako. I'm a party man, so win or lose tulungan na lang natin. Tulad ng sinabi ko kanina off cam ang kagandahan po nito na-excite na po ang taong bayan dito sa mga batang-bata at napaka-galing na mga kandidato na puwedeng pambato para sa pagiging presidente. At iyan iyong gusto nating makita, iyong ganoong klase ng debate, selection process, debating on issues, programs, platforms tsaka hypothetical questions, iyong real life situations iyan ang napaka-ganda. Sabi nga ni SP Enrile sa akin iyong tanong hindi dapat general katulad ng ano ang plata porma de gobyerno mo? Pede mo naman ma-memorize iyon e. Pero meron sinabi si Senate President Enrile na napaka-galing, sabi niya "gawa ka ng hypothetical question. For example kung nag-take over iyong isang military division sa Metro Manila at hinawakan ang buong Makati anong gagawin at that point in time? dapat may kasagutan ka sa problema iyon." Pangalawang question sabi niya for another candidate, "ano kaya kung bumagsak ang ekonomiya ng Asya at lahat po ng investors natin ay nag ... close shop, anong gagawin mo sa araw na iyan? Anong desisyon mo sa panahon na iyan?" So iyon ang napaka-gandang hypothetical questions na ilagay na ibato natin sa ating mga kandidato. But before I go on babanggitin ko lang baka magalit si Sen. Jamby Madrigal kasama pala siya sa mga presidentiables. Sabi ni Manong Dan baka magalit sa akin si Mam Jamby. Sorry mam.

PANEL (3): Senator former President Fidel Ramos is not what's over to become � and immediately after the gathering, after the nomination ... I heard former speaker Jose De Venecia saying what you did was illegal because meron pa daw pending, iyong formalization ng Lakas at KAMPI before the Comelec and the Comelec has yet to remedy the matter. So, what's the real score dito sa issue na ito?

SJMZ: Well doon sa naganap na executive committee hearing kahapon, sa tingin ko well mahirap magsalita dahil baka ma- subjudice ako dahil may on going discussions sa Comelec sa ngayon, pero sa tingin po natin wala po tayong nagawang illegal. Dahil unang-una consensus building lang naman iyong ginawa natin hindi po siya actual ratification with the national assembly na gagawin pa namin on October 15 or 16 na hopefully by that time ma-resolve na po itong issue sa Comelec on the petition of former speaker now Cong. De Venecia. So, sa tingin ko kung consensus building lang itong meeting na ito at nagpatawag tayo ng meeting, wala naman nakalagay sa constitution or sa mga batas po natin na bawal magkaroon ng meeting ang isang grupo ang we did not come up with an official statement or announcement. What we came up with was the consensus of the executive committee or the leadership of Lakas-KAMPI kung sino ang magiging standard bearer kaya very careful po kami sa wordings na ginamint natin. It was a consensus of members. Kasi iyong actual proclamation kung sino talaga ang magiging kandidato natin ay gagawin po sa ating Lakas-KAMPI convention. At by that time sasabihin po namin na sana ma-resolve na po itong issue na ito tungkol sa ating mga dating kasamahan or kasamahan po natin at kami po ay tinitignan din po namin sa Lakas at sana nga ay magkaisa po kaming lahat.

PANEL (3): Hindi kaya ito na nga iyong nangyari na pilian kahapon de javu? Sorry pero correct me if I'm wrong parang it seems to me na parang ... yun ginawa niyo kahapon but walang official effect. So parang consensus lang talaga.

SJMZ: hindi. Wala po kaming motion or official action but as a consensus nalaman po natin iyong idea ng ating mga kasuhan na hindi naman masama iyon. Actually ginagawa natin iyan sa senado kung saan nagco-caucus muna kami sa loob ng lounge, executive lounge paguusapan namin kung iapapasa ba namin itong batas na ito. (And) that does not tie us to the actual vote doon sa floor, pero meron na po ako as majority leader may consensus na ako kung ilang, or papasa ba itong batas na ito o hindi. So, iyan po iyong nangyari kahapon. At least more or less nabigyan liwanag po iyong aming partido Lakas-KAMPI dahil sa totoo lang po mga kapatid, my friends, marami nga sa ating mayors, governors, congressmen ay nagkakaroon na ng apprehension at nagkakaroon ng anxiety. Natatakot na po palapit na ng palapit ang eleksyon, palapit na ng palapit iyong filing for nomination pero wala pa kaming standard bearer kaya wala po tayong leader na makakapag-unite sa grupo. So, this is a good development for us, kasi ngayon Gilbert Teodoro ang aming leader as the consensus of the body. And he will now make sure na hindi polarized at hindi magwawatak-watak iyong mga members ng partido. Puwede na siyang umikot sa ibat-ibang probinsya at sabihin sa kanila relax lang kayo, ako ang magdadala sa partido, ako ang gagawin nating standard bearer. Because of that meron na po tayong direksyon, hindi katulad noong last week hindi natin alam kung sino ang magiging kandidato namin si Bayani Fernando ba? Si Gilbert Teodoro ba o si Noli De Castro? So ngayon may liwanag na po itong problemang ito.

PANEL (4): Sundan ko lang iyong tanong ni Lakas kanina tungkol sa winnability ni Gibo ano? Based on surveys point eight percent lang siya ngayon hypothetical question ito sir. Kung ikaw sa lugar ni Gibo senador, anong gagawin mo para umangat iyong survey?

SJMZ: Well alam mo doon muna tayo sa strengths ni Gibo. Napaka-intelehente na tao, kayang-kaya niyang sagutin itong mga napakahirap na katanungan in terms of governance. Ipalabas po natin sa mga forums na ganito, Meet the Press, tv interviews, iyong radio interviews kailangan po siya mapakinggan ng ating mga kababayan. Tama si Manong Danny. Sabi ni Manong Danny dapat makilala na siya, makilala mo, marinig mo iyong kanyang mga prinsipyo at mga plano niya bibilib ka rin sa kanya. Ang kagandahan pa sa kanya he is multi-lingual. Marami sa ating mga kababayan ay hindi po ito alam na marunong siyang mag-Ilocano, siya po isang Ilocano. Magaling din po siyang magbisaya. Kapag kasama ko po siya nagbibisaya po kaming dalawa at nagsi-shift pa kami from Cebuano to Ilonggo kasi ako marunong akong Ilonggo, marunong din po ako ng Cebuano. Siya po ay marunong mag-Ilonggo at Cebuano. Kampampangan marunong din po siya. At kanina pinakita din po niya ang kagalingan niya sa Tagalog. So, kailangan lang po natin ipakita sa taong bayan itong ating alternative candidate, the administration candidate but he's an alternative candidate kasi maraming nagsasabi na wala na ang mananalo na oposisyon. Wala na talo na ang administrasyon, ang mananalo oposisyon pero kami meron kaming pinapakita na alternatibo na sa tingin namin iyong middle forces, iyong mga undecided, na napakarami po iyan. Kasi meron talaga tayong mga administration votes let's say 10 percent, ilagay na natin, balatuhan niyo na kami ng 10 percent. Meron po kaming 10 percent na madadala ng administration bailiwick and then dagdagan mo pa ng undecided iyan umabot ng 20 percent iyan. Sa kabila naman watak-watak din iyong kanilang grupo ay malaking chance na Manalo si Sec. Teodoro but again no illusions of grandeur. Hindi po kami nagsasabi na madali po ito. Napakahirap because you're starting from the ground up, from zero, from nothing pero ang kagandahan po nito we cannot go down, we cannot be worst than what it is now. Hindi katulad ni Vice President Noli De Castro napakataas po ng rating niya last year, ngayon po ay bumababa siya ng bumababa. Siya ay number 4, number 5 mas mahirap pong umangat sa ganung klaseng sitwasyon na iyong tao ay medyo walan ng pagasa sa iyo, nawalan ng pagmamahal sa iyo. Mas maganda ito hindi pa siya masyadong kilala ng taong bayan. Mapakinggan lang po natin siya at mailabas lang po niya at ilatag ang kanyang plano at programa para sa gobyerno sa tingin ko marami ang makukumbinsi sa kanyang liderato.

PANEL ((1): It's very noticeable that Pres. Arroyo has made a very low profile, is this intentional or is this tacit admission of the so-called kiss of death? (laughs)

SJMZ: Well, how can I answer that Manong Dan without getting a call from Sec. Jake Lagonera? (laughs)

PANEL ((1): Try to exercise some candor Mr. Senator (laughs)

SJMZ: No. But in the executive committee meeting of course she was invited but the star of the show is the presidential candidate. Ganun na talaga iyon e. Pati kung naalala niyo

PANEL ((1): But she's involved in the selection process

SJMZ: She allowed the, actually she allowed the members to decide for their own, for themselves. To be very honest and I'll be very candor about it. Initially yun gusto pong mangyari Ibigay po ang priority kay Vice President Noli De Castro. Nagusap po kami (Wednesday) ni Sec. Gabby Claudio at kinuwento niya po iyong nangyari sa amin, sa grupo. Initially dahil nga sa loyalty ni Vice President Noli De Castro at iyong pagsama niya ng ilang taon kasama ni Pangulong Arroyo for almost six years or five years ay gusto po ni Pangulong Arroyo na bigyan po siya ng first priority pero last week kinausap po siya ni Sec. gabby Claudio at siya po ay nagsabi po siya na hindi po siya sigurado or interesado na maging standard bearer ng aming partido. Then now the ball and the responsibility falls in the hands of Sec. Teodoro and chairman Bayani Fernando who stood up. Kaya saludo po ako sa kanilang dalawa dahil hindi sila nawalan ng pagasa kasi pede naman sabihin ni Sec. Teodoro dahil point eight percent siya si chairman Bayani Fernando one percent pede na rin silang magsabi na I give up pero at least binigyan po nila kami ng pagkakataon na pumuli ng isang standard bearer utilizing of course these two very honorable gentlemen.

News Latest News Feed