Press Release
September 26, 2009

STATEMENT OF SEN. NOYNOY AQUINO ON RELIEF OPERATIONS
FOR TYPHOON ONDOY VICTIMS

Severe rains and flooding brought about by Typhoon Ondoy is causing suffering for many of our countrymen. I am calling on everyone to assist in relief efforts. Let us help those who are already engaged in the difficult task of providing relief by making ourselves available to relevant agencies and government units.

I am personally asking all our volunteers to assist in our relief efforts. I have asked my team to convert our Balay Cubao headquarters into a relief operations center and to use whatever we raised in our "piso-piso" campaign for relief efforts. We are also coordinating with Gawad Kalinga and Caritas Manila for the identification of drop-off points for donations.

Once again we are being called upon to show our love for our fellow Filipinos. I am asking everyone to pray so that the weather improves soon to allow us to easily reach those who need help the most.

*****

Ang malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng bagyong Ondoy ay nakapinsala sa marami nating mga kababayan. Ako ngayon ay nananawagan sa lahat na makibahagi sa iba't-ibang relief efforts na kasalukuyang nagaganap. Ating tulungan ang mga organisasyon at lokal na pamahalaan sa pagbibigay tulong sa ating mga kababayan.

Ako ay personal na nakikiusap sa aming mga volunteers na makibahagi sa aming mga relief efforts. Nakausap ko na po ang aming grupo at inatasang gawing relief operations center ang aming Balay Cubao headquarters at gamitin ang anumang nalikom sa "piso-piso" campaign para sa relief operations. Nakikipag-ugnayan na rin kami sa Gawad Kalinga at Caritas Manila upang alamin ang maaring maging drop-off points ng mga donasyon.

Muli na naman tayong tinatawagan ng pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal sa ating bayan. Ipagpanalangin natin na umayos ang panahon upang mapadali ang pagdating ng tulong sa mga nangangailangan.

News Latest News Feed