Press Release
October 6, 2009

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' AMBUSH INTERVIEW

Q: Your take on the extension of the State of Calamity for 1 year?

MAR: Unang-una, yung pag-deklara ng buong bansa sa ilalim ng state of calamity, over-reaction na ito, knee-jerk reaction ito, hindi napag-isipan. Malinaw na malinaw na dun naman sa ka-Mindanao-an, wala namang ulan dun, wala namang bagyo dun. Ang pangamba dito, under state of calamity, ang calamity funds pwedeng gastusin na walang bidding, na walang checks and balances, iyan ang problema diyan.

Ngayon, kung paglalabis na itong bansa under a state of calamity, lalong paglalabis iyong buong bansa under state of calamity for one year. Palagay ko wala sa lugar iyan. At nagpapakita na talagang hindi nauunawaan at walang Malinaw na plano ang gobyerno. Pulos knee-jerk reaction. Kawawang-kawawa ang ating mga kababayan.

Totoo may mga lugar, may mga komunidad na hanggang sa ngayon ay nasa calamity pa, hindi pa naka-recover. Kung ganun, dapat itong mga lugar na ito ang siyang I-deklara na under state of calamity hanggang sa makabangon sila. Pero hindi naman ibig sabihin na ilagay mo ang bansa for a period of one year, ng walang pag-aaral man lang, ay isasailalim mo under a state of calamity.

Q: May power ba ang Malacañang to impose price controls?

MAR: 'Yung sa price control, 'yung pagpa-price control, dapat dun lang 'yun sa mga lugar na merong kalamidad. Pero kung regular naman ang panahon, wala namang kalamidad, normal naman ang pamumuhay sa ibang lugar, bakit naman ilalagay ito under a state of calamity?

Q: Sino ang may power to declare and lift state of calamity and impose it for one year?

MAR: Ang executive branch.

Q: Wala kayong pwedeng gawin?

MAR: Wala. Dahil itong kapangyarihan na ito ipinagkaloob ito sa executive para makakilos sila, makahakbang sila sa panahon ng sakuna, kung meron ngang kalamidad. Itong hakbang na one year at ang buong bansa under a state of calamity, hindi na ito sakop nung intensyon nung binigay itong kapangyarihan na ito.

Q: Anong danger nun?

MAR: Ang punto dito, binibigyan ng dagdag na kapangyarihan, binabawasan ang checks and balances sa panahon ng sakuna. Kaya under state of calamity, nagkakaroon ng price control, nagkakaroon ng dagdag na kapangyarihan ang gobyerno. Kung gagawin ito sa buong bansa, may kalamidad man o wala, at papairalin ito sa buong taon, may kalamidad man o wala, ay hindi na ito kasama sa normal na paggamit ng kapangyarihang ito.

Abuse na nga iyong pagsasabi ng nationwide without any discrimination, atsaka for one year na wala namang dahilan.

Q: Magagamit ito sa kalokohan sir?

MAR: Magagamit iyan. Atsaka sa last two minutes. Alam naman natin na merong last two minutes, mga midnight deals, mga hinahabol na mga transaksyon kapag tapos na ang isang administrasyon. Itong state of calamity na buong bansa sa isang tao ay makakatulong dito sa mga baluktot na transaksyon na ito.

On C-5 hearing

MAR: ... Bibigyan na ngayon ang respondent, si Senador Villar ng pagkakataon para sagutin ito.

Q: Paano boboto ang ibang senador eh konti lang kayong nandito sa hearing?

MAR: Meron naman kasing transcript and record and batay sa dokumentasyon ay makakapag-pasya ang mga senador.

Q: One more hearing na lang?

MAR: Depende kay Senate President. But definitely bibigyan ang akusado, Si Senator Villar, ng pagkakataon para sagutin ang lahat ng ito.

Q: Kung hindi sumagot?

MAR: Eh di uncontroverted. Ibig sabihin, ganun na lang 'yun.

Q: Sabi kanina ni SP Enrile kumpleto na ang evidence at pwede ng mag-decide?

MAR: Bilang abogado, bilang batikang abogado, lalong-lalo na sa legal points, mabigat ang pananaw ni Sen. Enrile.

News Latest News Feed