Press Release
October 12, 2009

Transcript of press briefing of Senator Chiz Escudero
at Senate press office

Opening statement

Nagdesisyon at nagpasya kaming ipagpaliban ang pag-anunsyo at pagdeklara kaugnay ng balakin ko sa 2010 elections sa kadahilanan na nagaganap na kalamidad sa ibat-ibang parte ng ating bansa. Hindi tamang pag-usapan ang politika habang marami sa ating mga kababayan na baon pa at hinahanap pa at walang mga tirahang pedeng malipatan at gayundin walang pagkainna makain. Kaya imbes na pag-usapan namin ang plano sa 2010 mamyang gabi ang pag-uusapan ng partido ay may kinalaman sa dapat gawin bilang isang political party kaugnay ng kalamidad. Kahapon binisita ko ang limang bayan ng Pangasinan, partikular Rosales, San Nicolas, Tayug, Asingan at Villasis at nakita ko ang kaluno-lunos na kalagayan ng ating mga kababayan. Isusulong namin at pagkakaisahan bilang isang partido mamya at personal ko rin isusulong ang mga sumusunod kaugnay ng kalamidad na nangyayari ngayon sa Northern Luzon:

Una dapat imbes na i-extend ang semester ipasa na lamang at across the board i-promote sa susunod na semester ang elementary, high school at college student sa mga affected area. Puno na rin naman ng evacuees at putik ang mga paaralan, patapos na rin naman ang semester at walang papalit sa natutunan ng mga kabataang ngayon sa karanasan nila sa kalamidad kumpara sa matututunan sa loob ng classroom sa isang semester o sa isang buwan. Dapat pag-aralan din ng CHED at DepEd ang paggawa nito sa ibang parte ng Luzon para makatulong ang kabataan na alam ko at ninanais nila ng makatulong ng malaki sa mga nasalanta, lalong-lalo na yung mga kabataang Filipino na hindi naman naapektuhan ng kalamidad na ito.

Pangalawa dapat ang DA magbigay ng subsidy sa binhi at fertilizer. Walang hanapbuhay at dapa ang mga palayan ng mga magsasaka at kapagka walang kita ang mga magsasaka, babagsak din ang ekonomiya ng mga lugar sa ibat-iabng parte ng Luzon dahil walang perang iikot dito. Imbes na iangat o gamitin ang pera na pang-angkat gamitin dapat ang pera para sa subsidy sa binhi at fertilizer.

Pangatlo gamitin dapat ng DOLE ang kanilang emergency fund sa mga lugar na ito. Walang hanapbuhay ang ating mga kababayan, dapat at dapat lamang magkaroon sila ng hanapbuhay at magamit nila ang panahon nila para linisin ang kani-kanilang mga lugar at bayaran sila para dito, para may hanapbuhay na, nakabangon pa sila nang mas mabilis sa kanailgn kalagayan sa nagyon. Dapat maglagay ang DOF, ang NSO, ang LRA, ang PAGIBIG, ang SSS, GSIS at PhilHealth ng one-stop shop sa mga apektadong lugar. Lahat ng papeles ng ating mga kababayan na may kinalaman sa mga ahensiyang ito, naanod, nabasa at nawala, papaano sila magki-claim, papaano nilang muling maibabalik ang kanilang mga papeles kung itoy iisa-isahin pa nila sa Metro Manila. Hindi na natin kayang ibalik yung mag litrato at alaalang nawala, pero pede nating maibalik ang mga papeles na kailangan nila para muling bumangon at makakuha ng kinakailanagng kagamitan at tulong mula sa pamahalaan.

Nananawagan din ako sa DPWH, partikular sa Bureau of Equipment, nananawgan ako sa Armed Forces of the Philippines, partikular sa kanailgn engineering brigade, pati na rin ang MMDA sa kanilang equipment, sa lalong madaling panahon i-repair natin and dike along Agno River. Pag ito hindi narepair kaunting pagrelease lang ng tubig mula sa mga dam magbabaha muli ang ilang parte ng Northern Luzon. Huawg nang pagdebatehan, huwag nang pag-agawan, gawin na lang agad sa lalong madaling panahon ang dike.

Sa Miyerkules, sa imbestigasyon na isinasagaw ni Sen. Legarda aming isusulong ang pagpapatawag sa mga nag-ooperate ng dam sa ibat-ibang parte ng bansa, partikular San Roque, partikular Binga, Pantabangan at Angat. Partikular sa San Roque, ayon sa mga local na opisyal doon angunahing rason ng baha ay ang pagpapakawala ng humigit kumulang na 5,100 cubic meters/second ng tubig. Ang ibig sabihin nito 5,100,000 litro ang pinakawalan ng San Roque kada segundo, 5.1 million liters of water per second, humigit kumulang kada minuto ito ay 300 million liters, humigit kumulang kada oras bilyong litro ito, nagpakawala sila ng walo hanggang sampung bilyong litro. Hindi pepede na ganyan ganyan na lamang ang ignagawa ng mga nagooperate ng dam sa ating paligid at tayo ang pagbabayaran.

Pag-aaralan din namin ang paghahain bilang class suit ang isang tort action laban sa mga nag-ooperate ng dam na ito para mapanagot at hindi na maulit ang kanialng ginawa. Bakit halimbawa kailangan nilang maghintay na umabot sa 288 meters above sea level bago sila nagpakawala ng tubig. Dapat 220, 240 (meters) pa lamang nagpakawala na ng unti-unti kaysa magpakawala nang mabilisan at malawakan. Ang kayang kapasidad ng mga dike ay 4,000 cubic meters/second,a ng pinakawalan nila 5,000 kada segundo. Klarong masisira ang mga dike, klarong bibigay, klarong magiging dahilan ng pagbaha.

Bagaman alam ko nalalapit ang darating na halalan, importanteng eyes on the ball muna tayo sa kinakaharap nating krisis at kalamidad. Sana at ayokong dumagdag sa pag-distract sa usapin kaugnay nito, sana gayundin ang ating mga kababayan. Panawagan ko rin sa pribadong sektor, sana yung may mga malalawak na lupain, ikonsiderang idonate at ibigay ito bilang relocation sites don sa mga nakatira sa bingit ng alangin sa may mga dike. Sana ang pribadong sektor at huawg magsawa at patuloy na tumulong dahil hindi kakayanin po ng pamahalaan ang krisis na ito. Hiling at panawagan ko rin sa aking mga kababayan sa Bikol, maswerte, pinagpala at nagpapasalamat tayo sa Diyos at hindi tayo dinadaanan ng bagyo at unos ngayong taong ito. Sa mga nagdaang taon ibat-iabng parte ng Luzon at Pilipinas ang tumutulong sa atin, ngayon tayo naman ang marapat na gumalaw, tumulong at kumilos para sa kanila upang sagayon maparamdam at maibalik natin sa kanial yung pinaramdam at ibinigay sa atin nong tayo naman ang nangangailangan. Oposisyon man o administrasyon, kandidato man o hindi, sa aking pananaw ito ang dapat nating sabay-sabay gawin at huwag na muna tayong padistract sa usapin kaugnay ng politika at pamumulitika at ayokong dagdagan ang usapin tungkol dyan, rason kung kayat pinagpapaliban namin ang usapin kaugnay sa 2010, dahil una muna dapat ang iba bago kami at ang aming mga sarili.

When is the right time sir?

Ang tamang panahon palagi bago mag-November 30 na siyang tinakdang deadline at petsa para magdeklara ang sinomang kandidato, pangulo man o konsehal ng bayan.

Sir may coordination na ba sa Deped yung proposal nyo?

Ang gusto ng DepEd ay i-extend daw yung sem break o burahin na lang yung sem break, ang problema sa marami sa ating mga kababayan sa ngayon ay ang psychological effect ng calamity na ito. Sa Facebook nabasa ko at nabasa ng aming mga kaibigan na may mag kababayan tayong mga kabataan na may pagkain pero ayaw kumain dahil sa naging epekto nitong krisis na ito. May mga magulang na maski na may pagkain, mayroon silang pedeng kainin nakatingin na lamang sa pader at bubong tila iniisip paano sila babangon muli. Huli kong naaalala ito nong Edsa I, ewan ko kung sino din ang nakabot non. Nong Edsa I binigyan ng P or Pass ang grade sa maraming kolehiyo sa ating bansa, yan ay political crisis lamang, hindi krisis na may kaugnayan tungkol sa kalikasan. Isa pang bagay na may kinalaman sa kalikasan, kailangan siguro magkakilanan tayo muli sa kalikasan. Hindi na natin kilala ang ating kalikasan at hindi na rin tayo kilala nito. Dapat magsimulang magkakilanan ang dalawa para hindi na nabibigla at nagkakabiglaan.

Paano yung pag-file ng class suit?

Nakausap ko ang ilang lokal na opisyal sa Pangasinan at ako ay naniniwalang may causa tungkol dito para mapanagot ang dapat managot, hindi man mapanagot magsilbing aral ito sa kanila na maging mas maingat. Alam nyo nang pumunta ako sa Pangasinan kahapon, balita roon na kahit na ang pinuo ng Agno flood control project nanghingi ng rescue dahil siya mismo ay naiwan sa bubong ng kanyang opisina. Hindi tama na gayon an gnangyayari at sitwasyon sa ating bansa.

Sino yung lalabas na complainant?

Ang mag nasalanta, ang mag tinamaan at ang mga nagdurusa sa ngayon. Hindi na kasi yung datig gawi, hindi na pedeng mga lumang gawain pa rin sa mga bagong problemang kinakaharap natin dulot ng climate change at global warming, dapat handa tayo. Anumang krisis o kalamidad tatlo ang bahagi nyan, unang stage rescue, dapat nasa mga komunidad na ang mga rescue unit, hindi nakaparada sa Camp Aguinaldo. Pangalawa ay relief, alam natign 20 bagyo ang tatama sa ating bansa, bakit wala tayong readyy-to-eat meals, bakit nagrerepack tayo at nagrerebag tayo ng relief goods pagnandyan na ang kalamidad. Alam naman natin darating at darating palagi yon. Alam nating walang kagamitan sa bahay yan dahil inanod lahat, pero pilit tayong magbibigay ng bigas lamang at de lata lamang, paano nila lulutuin yon, anong ipangkakain nila, walang plato o kubyertos , at paano nial bubuksan ang de lata. Dapat handa na sana tayo kaugnay ng relief operations na alam natin na darating palagi kada taon. Pangatlo yung repair at rehabilitation, sabi ni Secretary Andaya may pondo raw sila para rito, naghain kami ng joint resolution para hindi na hintayin ang appropriation ng House of Representatives, hindi para sa P10 bilyon pero para sa P12 bilyon. Matapos naming makita ang estimate sa nasirang dike, dapat gastusan yung pinagmumulan ng sakit ng ulo at kalamidad, hindi yung panakip-butas na namang gastos kaugnay ng rehabilitation. At pinakamahalaga, preventive at preparation expenses, dapat gumastos tayo para doon, kabilang na halimbawa ang protocol at alarm system sa pagrelease ng tubig kaugnay ng mga dike at mga dam.

Pero yung tandem na Chiz-Loren, sigurado na yon?

Eyes on the ball nga sana tayo at huwag muna doon. Wala akong nakikitang dahilan sa ngayon para hindi yon matuloy pero sana huwag muna ito at yung dapat nating gawin muna ang pag-usapan at pagtuunan ng pansin. Kung yung mga political party kabilang na ang NPC, ito ang pinapansian at inaasikaso, siguro lalo na yung hindi mga miyembro ng partido at hindi political party.

Sir sa mga presidentiable may appeal na i-pull out yung mga ads at gamiting donasyon sa mga nasalanta, kayo sir mayroon kayong TV ad..

Yan ang tinatalakay namin sa ngayon at tama ka sang-ayon ako don, walang nakapag-foresee ng kalamidad nito at yan ay balakin din naming gawin. Ulitin konakatuon tayo dapat doon sa kalamidad, hindi sa halalan ng 2010.

Babalikan ko siguro ang isang bagay, dapat magbigay tayo ngayon ng pag-asa sa ating mga kababayan, yung nakita kong kalunos-lunos na kondisyon kahapon, may kausap akong mag bata na yung mga magulang nila nakapila sa relief center, simple ang kahilingan ng mga bata, ang tawag sa akin Chiz, sabi nga, "Chiz, penge kaming tsinelas, naanod kasi yung stinelas namin eh." Hindi nila iniisipa ang pagkain dahil siguro problema ng mga magulang nila yon, hindi nila inisip yung tahanan dahil prblema ng mga magulang nila yon, ang iniisipa nila, saplot, tsinelas sa kanilang paa. Napakaliit na bagay na hindi pa nating maibigay sa kanila, napakaliit na bagay na napakasakit naman kung ipagkakait pa natin din sa kanila. Maski n don na lamang tayo magbigay na pansin, malaking bagay pa rin para sa kanila.

Sir taon taon tayo binabagyo bakit ganoon pa rin ang problema?

Kaya nga hindi ko maintindihan. Maski na yung mga relief organizations pinapakita natin sa TV na gumagawa pa, nag-iipon pero alam natin bandang Hunyo hanggang Oktubre o Nobyembre darating at darating palagi yan. At sana mag-invest ang gobyerno sa nabanggit ko, ready-to-eat meals, para pede nang kainin at ibigay agad nang hindi na kailangang magluto, kailangan pa ng pangluto o ng kubyertos o ng plato. Sana maging mas sensitibo at hindi yung para lang may maibigay ay magbibigay tayo.

Yung DOLE hindi na sapat yung pera nila so papaano nila magagamit yung emergency fund para sa emergency employment?

Kabilang ito sa plano naming i-replenish na pondo sa pamamagitan ng P12 bilyon na iaallocate bilang special appropriations ng Kongreso. Lahat ng nabanggit ko kanina, subsidiya sa mag magsasaka para sa binhi at fertilizer, para sa emergency employment at para sa ibat-iabng bagay na nabanggit ko, kabilang ang paggawa ng dike sa Agno river.

Sir papaano naman yung mga developer na responsible for narrowing waterways?

Dito naman sa Kamaynilaan yung dulot ng bagyong "Ondoy" ay isa ring yang tinitingnan ng ilang grupo ng mga abogado. Yung tort action para sa damages at class suit laban sa ilang developer at local government units na pumayag na magpatayo ng kabahayan sa riverbed na pumayag na ma-clog at mabarahan ang waterways natin. Siguro panahon na para ma-elevate natin muli sa national government ang pagmamanage at kontrol na waterways o daluyan ng tubig sa ating bansa, dahil baka barahan yan ng isang local government unit at payagan naman sa kabila nang hindi natin inaamin na ang mga daluyan ng tubig o river lumalampas ng isang munisipyo minsan, lumalampas pa ng dalawang probinsiya. Dapat muling manumbalik at ibalik yan sa national governemnt para amging komprehensibo ang planning. Sino man man yung developer dapat hindi tayo mabulag sa kawalan natin ng zoning at land use. Importante ito bago ang anuamng development at dapat isaisip yan ng mga local government unit. Ayaw kong magtukoy dahil hindi ito gaya nga nang nasabi ko ang panahon para sa mga bagay na yan.

So kailan yung announcement, after weeks...

Hanggat matapos siguro at makita naming gumagalaw at tumatakbo na ang mag silusyong nabanggit namin at habang siyempre hindi pa lumilipas rin ang takdang panahon, ang November 30.

Ang alam ko may scheduled hearing si Senator Legarda kaugnay ng kanyang climate change hearing at pinapatawag na rin niya ang mga nag-ooperate ng dam na nabanggit ko.

Sir pero yung pagtakbo malinaw na walang urungan ito, kung anuman ang balakin nyo, walang urungan?

Mas nabuo pa marahil yung pagpasya ko kaugnay sa darating na halalan sa nakita kong hindi tama at makaluma at dating gawing pagpapalakad kaugnay sa paghandle ng mag kalamidad at krisis na ito. Pero uulitin ko oposisyon man o administrasyon, kandidato man o hindi sana suportahan kami sa mga binanggit at sinabi namin at plano naming gawin para maresolbahan ang isyung ito.

Given the extend of damage, hindi ba nakakatakot para sa next president na haharapin nya lahat ang problemang ito?

Hindi dapat takot ang nararamdaman ng sinumang nagnanais manilbihan kundi dapat tingnan nya ito bialng hamon na dapat lampasan at harapin hindi mag-isa pero dapat sabay-sabay at sama-sama tayo. Mas nakakatakot marahil ang kawalan ng kahandaan kaugnay sa pagharap sa mga bagay-bagay na ito. Sino man siya na susunod na mamumuno ng atign bansa.

Sino ang magpa-file ng class suit?

Ang class suit ay kakatawanin ng mga tao mula sa mga naapektuhang lugar at ilang pangalan lamang yon pero kahit na nandoon ang pangalan o wala, kaya class suit, lahat ng tinamaan, kung mananalo sa kaso ay magbebenepisyo, lahat ng tinamaan, hindi man nakapangalan sa kaso, bahagi sila don bialng complainant.

Hindi kayo don kasama?

Dapat kasi may standing cut to sue, ibig sabihin naapektuhan ka ng nangyaring pagrelease ng tubig kung saka-sakali.

Tutulungan namin yung mga taga-Pangasinan at ibat-ibang probinsya na apektado nito, nakipag-ugnayan na kami sa ialgn lokal opisyal don at pareho ang aming paniniwala, mayroong tort liabilit tila ang nag-ooperate ng dam.

NPC lawyers?

Walang partido, mga lokal na abogado mula doon at tutulungan namin sa pamamagitan ng mga baogado din dito sa Maynila para gawin yon. Hindi na mahalaga siguro o kung kanino, kung ano ang titulo nila at snong kinakampihan nila, importante magawa ito sa ngalan ng mga naapektuhan.

Aside from dam operators, sino ba ang may oversight responsibility sa mga dam?

Iba yung nag-ooperate ng mga dam, power plant na itinuturing ito pero iba at hiwalay sila sa Napocor, iba at hiwalay din sila sa Transco.

Yan ang magandang tanungin at magandang malaman, ano ba ang protocol ng mga dam. 290 meters level above sea levela ng capacity, kailan sila dapat magdesisyon magpakawala ng tubig, tulad ng ginawa nila nong 289 na, o hindi ba dapat pag 220, 240 magsimula nang magpakawala ng dahan-dahan kaysa magpapakawala ng malakas kung isang metro na lang bago umapaw at masira at sumabog ang dam.

So right now hindi pa alam kung sino ang idedemanda?

Inaalam na namin at kinikuha ang mag dokumento mula sa mga naapektuhang lugar. Pero ang partikular na aming tinutukoy at pinag-aaralan ay yung nag-ooperate ng dam, partikulara ng San Roque dam.

Is that an IPP?

That's an IPP at nakakalungkot napakalaki pa ng garantiya na binigay ng gobyerno para dito. Kung naaalala nyo nang yan ay na-construct maraming brown out sa Maynila noon at sa Pilipinas. Napakalaking garantiya at hinahanap at hahanapin natin ang pananagutan kaugnay sa nangyaring ito, kungmayroon man at ayaw kong pangunahan.

Inaalam namin yung partise involved talaga. Sino mana ng dapat managot at sagasaan yon ang dapat nating harapin sa ngalan ng ating mga nasalantang kababayan.

Yung tort liability?

It's a case for damages, tort liability ibig sabihin damages.

Magkano yung damages sa agri?

Ayon kay Secretary Yap ang nadamage na produkto ay P10 bilyon humigit kumulang base sa last estimate pro patulyo pa rin ito. Dapat magbigay tayo ng subsidy sa pamamagitan ng binhi at fertilizer.

Sir magkano yung allotment....?

Yana ng pag-uusapan sa pamamagitan ng oversight committee baka mamya magkaipit-ipit kami sa debate kung magkano talaga. May binubuong oversight committee para tiyakin na hindi majo-joc joc halimbawa ang pondo at makakarating talaga.

Ano yung damage claim sa class suit?

Ano mang naperwisyo sa kanila, kasi kung tort yun ibig sabihin may kapabayaan. Negligence, para nag-iwan, nagtapon ka ng balat ng saging, may nadulas, hindi nakapagtrabaho ng 30 araw, pede mong idemenda sa isang tort action yung nagtapon ng balat ng saging. Ganundin ito, kung may kapabayaan sa pagrelease nila ng tubig, anumang danyos, pedeng i-claim sa kanila. Korte ang magdedesisyon kung magkano.

News Latest News Feed