Press Release
October 29, 2009

TRANSCRIPT OF INTERVIEW UMAGANG KAYGANDA (PUNTO POR PUNTO) WITH ANTHONY TABERNA

TOPIC: CHIZ'S RESIGNATION FROM NPC

Anthony: Bakit po ba kayo nag-resign sa NPC senator?

FGE: Hindi naging madali 'yung pasya, sinabi ko na 'yung tatlong dahilan kung bakit, una, para mas Malaya akong makapag-isip kaugnay ng gagawin ko sa 2010. Pangalawa, dahil sinuman sa akin paniniwala na nagpaplano o tatakb, o magigng pangulong bansa, dapat Malaya at kunin ang tulong ng bawat isa, hindi lang mga kapartido niya.

Anthony: Kailan po nabuo ang pasyang ito senator?

FGE: Amm...ilang araw pa lamang at sa katunayan noong isang gabi lamang ako nagpaalam, isang arawbago ko inanunsyo ito.

Anthony: Tungkol po ba to sa...bagama't nabanggit n'yo na 'to,na tatlong rason 'ika n'yo, pero marami pong nagsasabi na ito po'y tngkol sap era.

FGE: Simple akong mabuhay Tonying at walang bale sa akin ang pera kung 'yan rin lang ang magiging dahilan. Maliban dun, alam ko naman kung ano 'yung, 'yung akin lang at hindi ko inaangkin ang kaninuman..HINDI TOTOO! At tahasan kong sasabihing hindo toong 'yun ang isyu o 'yun ang naging dahilang .

Anthony: Pera po na hindi ibinigay sa inyo para personal na tulong kundi pos a inyong kampanya, tama po ba 'yung balita na kaya lang maibigay sa inyo ng NPC ay P200 milyon na napakalayo pos a kailangan?

FGE: Hindi po totoo 'yun. Hindi pera ang pinag-uusapan at walang pinag-uusapang pera sa partido. Prinsipyo at paninindigan ang aking ginamit at naging dahilan para ako'y magbitiw.

Anthony: Meron po ba kayong hindi nakasundo saa NPC?

FGE: Amm...wala rin Tonying. Maayos akong nagpaalam sa NPC, at hiling ko ang pagkaintindi ng aking mga kapartido. Hindi dahil may nakaaway, hind dahil may hindi nakasundo, WALA! At sa katunayan hanggang ngayon magkakaibigan kami nasa loob man ako o nasa labas ng partido.

Anthony: Kay Ambassador Danding ho na siyang tagapagtatag ng partidong ito, paano po kayo nagpaalam...o nagpaalam nga po ba kayo sa kanya?

FGE: Pinaalam ko sa pamamagitan ng chairman n gaming partido dahil emeritus na lamang siya Tonying, at hindi na gaanong nakikihalo kaugnay ng pagpapalakad at pagpapatakbo ng partido.

Anthony: Gaano po kaimportante na si Ambassador Cojuangco po ay personal n'yong pinagpaalaman ditto sapagkat kng hindi po ako nagkakamali, bagama't sinasabi niya lagi na "Oo kung ano ang gusto ng NPC, dun ako bilang tagapagtatag at chairman emeritus ng partido", pero hindi po ba siya din ay personally gusto kayong tumakbo sa pagkapangulo?

FGE: Nasabi n'ya 'yan noon pero palaging pinagpipilian dalawa, ako o si Sen. Legarda dahil wala pa naming pormal na pahayag bago noon ang partido, iginagalang ko palagi ang kanyang opinion, pero tulad ng nasabi ko, personal dapat at nasa tao ang pagpasya kng ikaw ay tatakbo o ano ang tatakbhan mo. Hindi dapat diktado ninuman.

Anthony: Factor po ba ang mga balita na ang ssuportahan po ng chairman ng San Miguel Corporation at ng NPC ay ang kanyang pamangkin na si Sen. Noynoy Aquino?

FGE: Wala hong ganon din Tonying at pinaniniwalaan ko ang huling pahayag niya kaugnay san a 'yan sa dyaryo na susuportahan niya kung sinuman ang dadalhin ng partido.

Anthony: Bakit pos a dyaryo, kalian po kayo huling nagkausap ni Ambassador Cojuangco?

FGE: May ilang lingo na rin Tonying dahil walang pagkakaton sa oras ko din dahil sa pagbisita ko sa iba';t ibang lugar at gayundin sa sarili niyang schedule.

Anthony: Hindi kop o malaman kung tama 'yung nadinig ko kahapon na parang nabunutan daw po kayo ng tinik kaya kayo umalis sa NPC, bakit, tinik po ba ang NPC?

FGE: Hindi at wala akong sinabing ganun, sinabi ko lang na Malaya at maluwag nang humihinga ako kaugnay ng pag-iisip ko ngayon sa sarili ko, at ako na lamang bilang ako.

Anthony: Bakit ngayon n'yo lang po naisip na o sinuman na gustong maging pangulo ng Pilipinas ay kailangan o hindi kailangan, o hindi dapat na madiktahan ng iisang partido lamang gayung kayo po ay 11 taon o baka magla-labindalawang taon pang kaanib ng partido.

FGE: Wala naman akong balak o hindi ko naiisip na tumakbo sa pagkapangulo nitong nakaraang 11 taon, pangalawa, sinabi ko na rin ito na maski na noon sa A.I.M debate na dapat ganon sana ang sinumang tatakbong pangulo, yan ay makalipas ang isa o dalawang buwan.

Anthony: Sinabi po ninyo na ang sinumang nais na maging pangulo ay walang magagawa kung nakatali ang kanyang paa at may piring ang kanyang mata, tinalian at piniringan po ba kayo ng NPC?

FGE: Ngayon hindi, subalit gaya ng nasabi ko , sa pagtakbo at kung ikaw ay magiging pangulo , lagging nandun 'yun, tignan na lang natin Tonying ang ibang nagdeklara na, hindi pa naman ako nagdeklara, 'yung nagdeklara na na tatakbong pangulo, kung titignan mo ang kanilang mga ka-grupo, plaging hindi perpekto. Ang tanong, sila lang ba ang lagging pakikinggan? Hindi ba dapat, hilingin natin ang tulong ng bawat isa kapartido man o hindi, 'ika nga ni Manong Baby, hindi pwdeng tntitigan mo lang ang mga kapartido mo habang tititigan mo lang sa malayo ang hindi mo kapartido. Dapat lahat pantay ang pagtingin.

Anthony: Meron pong dalawang, meron po akong nakausap kahapon na sinasabi po ay nakabuti sa inyo ang pasyang ito dahil sa tanggapin natin at sa totoo at sa hindi na ang atin pong tagapangulo ng pagtatag ng NPC na si Ambassador Cojuangco ay malaking turnoff din po sa iba nating kababayan at sa iba pang campaign contributors, ano po ang masasabi n'yo dito?

FGE: Palaging may upside at downside 'yan Tonying syempre ang malapit at naniniwala sa kanya,marahil ay iba ang pananaw, 'yung hindi naman naniniwala at malayo sa kanya...'yan siguro ang pananaw nila, pero hindi 'yun ang sukatan, hindi ko tinimbang ang bagay na 'yan sa pagpasya ko nito.

Anthony: Ang pangalawang pabor daw sa inyo ay sapagkat naalis kayo sa isang partido na hindi malamn kung siya'y lalaki o babae, kung siya'y administrasyon o oposisyon.

FGE: Hindi naman siguro, klaro at maliwanag, ako bilang miyembro ng NPC dati ang paninindigan ko tungkol dyan, kung maaalala mo, nung karamihan ay sumuporta sa kandidatura ni GMA ako'y na kay FPJ at tagapagsalita ni FPJ, nung karamihan ay kmampi sa mayorya, ako ang tumayong minority floor leader sa kamara de representantes. At gayundin ngayon, nun gang ilan ay tumakbo rin sa panig ng administrasyon nung nakaraang eleksiyon tumakbo pa rin ako sa Genuine Opposition.

Anthony: Ito po 'yung tanomg na maaaring naitanong na sa inyo kahapon, ayaw n'yo ho bang makatambal si Sen. Legarda?

FGE: Hindi kop o ayaw, wala kaming dipresnsiya at wala kaming pinagtalunan ni Sen. Legarda , kung matutuloy, marahil ay posibleng mangyari na magkatuloy na magkasama sa anumang pigra o itsura, subalit kung mangyayari man 'yun, yan ay dahil sa Malaya niyang kagustuhan at dahil din sa Malaya kung kagustuhan.

Anthony: Pagkatapos po ng lahat Sen. Escudero, what now?What now my love sabi nga po ng inyong misis sa inyo? Tatakbo pa ho ba kayo sa pagkapangulo o hindi?

FGE: Ilang araw ang hinihiling ko Tonying ngayong Malaya akong makapag-iisip ng papel na gagampanan ko at kung anuman ang gagawin ko kaugnay ng 2010. Tulad ng binanggit ko kahapon, ngayon bilang ako.

Anthony: Masyado hong bitin siguro ang mga tao pero tatakbo ho ba kayo sa 2010 elections?Huwag na siguro sa pagkapangulo n'yo?

FGE: Tonying...bago ito...bago ako lumisan sa sa NPC iisa lamang ang direksiyon na pagpipilian ko lagi, ang pagtakbo sa ilalim ng partido bilang pangulo o ikalawang pangulo, ngayon nadagdagan pa nga 'yung option na 'yun, nandun 'yung option ng pagtakbo sa dalawang pwestong 'yun o di pagtakbo kabilang marahil ang pagpipiliang 'yun dahil ngayon ay ako na lang ang nagdedesisyon para sa sarili ko tungkol dyan.

Anthony: 'Yun pong konting araw na...konting panahon na hinihingi ninyo ay kalian po 'yun...hanggang kalian po 'yun?

FGE: Siguro maapos ang Undas, ilang araw matapos ang Undas at bago tayo dmating sa kalahati ng buwan ng Nobyembre.

Anthony: Kaya n'yo po bang tumakbo ng independent..na wala pong partido?

FGE: Hindi ko alam Tonying at 'yan ang isang bagay na aalamin ko sa mga susunod na araw, hindi galling sa sarili ko kundi galing sa ating mga kababayang bibisitahin, kakamustahin at tatanungin ko.

Anthony: So mag-iikot po kayo simula po ngayon hanggang sa matapos ang Undas?

FGE: Nag-iikot naman talaga ako, bago pa ito ang pagbisita sa iba't ibang probinsiya 't lugar sa ating bansa, itutuloy ko lamang 'yung ginagawa ko.

Anthony: Meron po bang taga-NPC na nakausap n'yo sir na gustong sumunod sa inyong yapak? FGE: Wala akong nakausap na ibang miyembro ng NPC at marahil wala naman sigurong iba din na gagawin ito dahil sa rason na binigay ko, maliban na lang kng pinag-iisipan ding nilang tumakbo bilang pangulo o ikaawang pangulo.

Anthony: Senator Chiz ,mga huling tanong ko na lang po...bukas daw po ang administrasyon, kahapon , dahil nag-react po ang Malacañang, na kayo po ay knin bilang vice presidential candidate ni Gilbert Teodoro?

FGE: Matagal nang bukas marahil 'yung sinasabi nila, pero sa punto de vista ko matagal na rng sarado 'yun. Walong taon na akong nasa oposisyon Tonying, hindi ko gagawing lumipat at sumanib sa administrasyon particular patapos na ang kanilang panunungkulan maliban dyan, ginagalang at nirerespeto ko si Sec. Gilbert Teodoro pero imposible yatang mangyari 'yun o maganap ang bagay na 'yan.

Anthony: Tatlong maikling huling tanong na lang po...factor po ba 'yng hindi kayo ganun kagandahan sa ratings sa mga survey kaya po parang tum,amlay din ang partido sa inyo?

FGE: HINDI!.....Hindi tumamlay ang partido , nandun sa likod ko ang suporta ng partido at hindi kailanman bumaba o nawala 'yun.

Anthony: Sa mga nadismaya po sa inyong pasya...ano ho ang masasabi nyo sa kanila?

FGE: Hiling ko, paumanhin at pag-intindi sa naging pasya ko, hiling ko n asana sa labas man ng partido, hindi man sa loob, kami'y magtulungan pa rin at maging magkaibigan upang sa gayun ay sabay-sabay naming matulungan ang sinumang nangangailangan.

Anthony: Huling tanong ko nap o...final na 'to ...wala nang tawad...ano po ang masasabi n'yo dun naman sa mga gstung-gusto kayong tumakbo sa pagkapangulo at gusting-gusto 'yung ginawa n'yo kahapon na kumalas sa partido?

FGE: Nagpapasalamat ako sa kanilang paniniwala at a inyo pong pagtitiwala kaugnay sa pasyang ito, konting panahon ang aking hiling para makapagpasya... Ngayon ako na lamang bilang ako.

News Latest News Feed