Press Release
November 4, 2009

Transcript Interview with Senator Chiz Escudero at Kapihan sa Senado

Q : Tuloy ba tayo or solo?

FGE : Isa yan sa mga pinag-iisipan at tinitimbang ko sa ngayon at mga nagdaang araw wala pang pinal na pasya desisiyon ako pero hiling ko rin naman bigyan ako ng panahon para timbangin ang mga bagay -bagay na ito dahil ilang araw pa lang naman ako malaya mula sa pagiging miyembro ng isang partido hindi rin naman siguro maghihintay ang mga ibang mga kandidato na mag fifile o mag dededklara sa kanilang intensyon sa pagkapangulo at hindi rin naman tumitigil ang pag-ikot ng mundo habang akoy nag papasiya kung kayat panahon ang aking hinihiling para sa aking sarili.

Q : Ang dami nag sasabi na I think this is part by statistics medjo ang labo yata nung a successful bid if your running without a party.

FGE : Hindi pa nagagawa totoo yun, isang pangarap marahil yun totoo rin yun pero ano nga bang masama sa isang pangarap kung itoy mas maganda mas malinis at mas tama nag simulang mangarap ang tao makalipad naimbento ang eroplano nagsimula ang tao mangarap at makapunta sa buwan nakapunta na rin naman sa buwan, nagsimula ang tao managarap makausap ang kanyang kaibigan at mahal sa buhay maski hindi niya kaharap ngayon nagagawa natin yun, lahat at karamihan ng bagay nagsisimula sa pangarap ang tanong lamang ay ito bay napapanahon at ito ba ang tamang panahon yan aming tinitimbang at aking sinusukat ngayon, walang masama at mali na magkaroon ng lider na hindi nakatali nakabaon sa utang ng loob at Malaya na magagawa ang dapat niyang gawin ang tanong lang panahon ba yon at handa na ba ang Pilipino para duon marahil hindi ako ang dapat sumagot nun kung hindi ang bawat isa saatin.

On the issue of Chiz political Ads

FGE : Na una ng palabas yun bago pa man at hanganan din yun sa mga susunod at susunod na linggo lang ata, walang kinalaman yun dun at nagpagpasyahan yun bago pa man ako bumitiw at lumisan sa aking partido ang aking pasya at desisyon ngayon ako lamang bilang ako gagawin ko sa mga susunod na araw sana wag linggo.

Q : Nakipag meet na ba ang NPC?

FGE : Naka-usap ko na ang ilang miyembro ng NPC at opisyal ng NPC yung paliwanag at rason sinabi ko rin naman nung akoy nag press conference walang labis din at walang kulang binanggit ko ang lahat ng dahilan nung akoy bumitiw sa partido wala naman kailangan idag-dag duon marahil maraming mga tsismis na lumalabas na rason kung bakit daw ganto bakit daw ganyan pero lahat yun ay pawang tsismis at intriga lamang at walang katotohanan.

Q : Hindi ba na disappoint yung mga supporters mo at di rin clear kung tatakbo ka o hindi.

FGE : Hanggat hindi ako nag dedeklara ilang ulit ko sinasabi wala pa namang pinal talaga dahil ayoko mag deklara at buksan ang aking bibig at aatrasan at bibitiwan lamang ang salitang yun rason para timbangin sukatin ang tama husto ang anu mang pasya kaugnay ng bagay na ito, pinaliwanagan namin ang ilang grupo na sumusoporta at naniniwala sa aming adhikain at naintindihan naman nila.

Q : May mga lumapit na ba kasi you denied na nagusap kayo ni Villar, how about Lakas Kampi?

FGE : Wala rin at hindi ko nilalako ang sarili para makipag-usap kanino man at hindi rin application speech sa ibang partido grupo tao ang sinabi ko nung akoy nag pressconference last week yun ay posisyon prinsipyo at paninindigan at layunin ko bilang isang individual hindi bilang applikante kanino man.

Q : May pag-uusap bna between you and Sen. Lascson for possible tandem? FGE : Wala rin

Q : What's being titled now is you're sliding down?

FGE : Una wala pa akong dinedeklarahang posisyon para mag slide down mula doon pangalawa gaya ng nasabi ko walang labis walang kulang wala pa akong pasya walang partikular na direksyon tinatahak na nakasara ang pinto sa anu mang posibilidad o posisiyon o gagawin o di gagawin sa halalan.

FGE : The deadline is Nov 30, bahagi yun sa tinitimbang at sinusukat namin

FGE : Kung titingnan din natin ang unang panahon naglalakad lang ang mga tao ngayon nakasakay na sa auto at eroplano, kung titingnan natin ang kasaysayan pilit na itatali ating sarili sa kaganapan ng ating kasaysayan walang pagbabago at improvement sa ating buhay at sa ating bansa hindi ako naniniwala at hindi ako papayag na mag patali sa pagkukulang o pagkakamali ng kasaysayan at nagdaang panahon naniniwala ako na mas maganda palagi ang bukas at may pangakong pinanghahawakan ang bukas hindi masamang mangarap at isa sigurong pagkukulang na natin sa ngayon tumigil ang karamihan muling mangarap, muling mangarap ng mas maayos at mas magandang bansa muling mangarap na mas malinis na gobyerno muling mangarap na isang kakaibang paraan para makuha ang anumang pwesto sa gobyerno kabilang ang panguluhan, tumigil na tayong mangarap at tinanggap na lamang natin ang pagkukulang ng kasalukuyang panahon, "ah kelangan ba maglagay sige magalagay na lamang tayo" hindi na natin pinapangarap yung panahon na hindi kailangan mag lagay " kailangan bang pumila ang mahirap yung mayaman hindi" o sige tanggapin nalang natin hindi na natin pinaparangap na mayaman o mahirap dapat pumila ka pa rin marahil kung may isa akong nais gawin at magawa muling ibalik sa ating mga kababayan ang karapatan at pribilehiyo ng muling mangarap at muling paniwalaan ang mga pangrap na yan.

Q : Yung bagong umagang tv ad, pinakita duon yung mga victims ng binagyo, nakikisama lang ba tayo dahil ito yung uso?

FGE : Ako sinuman magiging Pangulo ng bansa dapat pagtuunan yan ng pansin madalas ko sinasabi dalawampung bagyo ang tumatama sa ating bansa kada taon hindi ito isang bagay pa nating ikagulat isang bagay ito na dapat nating paghandaan at dapat handa tayo panawagan ito para sa mga may kaya na tumulong at magbigay sa mga nsalanta, panawagan din yun para sa mga nasalanata na muling maniwala na muling magtiwala na muling bumangon mula sa kanilang pag kakatumba itoy marahil sana pagbibigay inspirasyon sa kanila hindi pakikisabay lang sana sa panahon.

Q : If you go it along di ba mahirap niyan to solicit campaign funds?

FGE : Mahirap man magsulisit ng pondo madali naman gawin kung anung nararapat kung mararating mo, madali man mag sulisit ng pondo ngayon napakahirap naman gawin kung anung dapat mong gawin kung makakamit mo mga pwestong tinatakbuhan mo alin ang mas gusto mo, mag bitiw ng magagandang salita habang ikaw ay kandidato nangangampanya pero pag upo mo magigising ka sa katotohanan na hindi mo naman pala kaya gawin ang lahat ng iyon o harapin ang hirap na binabanggit mo para mas madali ang trabaho kung sakasakali.

Q : Anung stage ka na sa pag-iisip mo?

FGE : Anu mang desisiyon ko dapat palaging isang daang porsyento, bastat kulang sa isang daang porsyento hindi pa desisiyon yun,

Q : Parang nangangampa lahat ang mga taong gustong sumoporta sa iyo kung anu talaga ang gusto mo? FGE : Darating yun at ang panahon na kinakailangan para magawa at mapag pasyahan yun, ang hinihiling ko hindi naman karera ng kabayo to na kailangan unang magdeklara para una kang makarating sa finish line all in meets in due time and proper time kesa naman mag desisiyon ng hilaw kesa mag desisiyon ng walang kahandaan, kesa sa pag talon mo sa bangin ni paracute o kutson sa baba yung mga sasabay sayo nas tumalon sa bangin

Q : On the other side of that thing hindi naman pwedeng asa ng asa na tatakbo kayo baka sabihin ayaw na ata eh,

FGE : Alam ninyo nuon ang last day of filing is February 9 nagugulat lang siguro tayo na di pa sanay sa batas na November 30 biglang December 1 ang last day of filing pero nuon February 9 nalalaman at sinasabi sa sambayanan kung sino ang tatakbo at ano ang tatakbuhan March 26 pa nga pag dating sa local officials dahil lamang sa automation at init ng panahon dala ng automation kung kayat biglang bago mag November 30 ay kailangan mga pasya pero nakikita ba ninyo pag pasok ng disyembre at nobyembre walang pwedeng gawin kahit sinong kandidato dahil bawal gumalaw kahit sinong kandidato yun panahong ng pagmamadali ngayon ay artificial dahil may panahon na paghinhintay ng dalawang buwan bago magsimula ang aktwal na kampanya sa Pebrero

Q : Si Sen. Noy-noy nung nagdeklara a month ago aminado siya na maghahabol siya in all aspect nakikita niyo rin ba aspect na yun na magahahabol ka na medjo late na nga?

FGE : Bawal mangampampanya at sino man nagsasabi na nangamngampanya na siya at naghahabol sa pangangampanya marahil may problema sa probisyon ng batas kaugnay niyan ang simula ng kampanya ay Pebrebro hindi ngayon hindi sa susunod na buwan hindi sa Enero, Sabay-sabay lahat magsisimula sa February 9 or 10 anu mang paghahandang ginagawa nila ngayon o pangangampanyang gingawa nila ngayon hindi saklaw ng batas.

Q : Umaasa na lang ba kayo sa vote ng kabataan?

FGE : Umalis ako sa partido para maging inclusive hindi exclusive hindi rin maari na exclusive lang sa isang partido o exclusive sa isang partikular na age group dapat inclusive lahat ng grupo o partido lahat individual lahat ng edad.

Q : Yung party ni Sen. Loren at Party ni Sen.Villar napapabalita na magiging ka tandem na ni Sen Villar

FGE : Kung totoo man ginagalang ko ang kanilang pasya at least Malaya din niyang napapag papasiyahan ang mga bagay nay an na hindi nakatali sa halimbawa sa partido o saakin anu mang pasya ng sinumang balak kumandidato sa 2010 marapat at dapat lang Malaya niyang ginawa at gagawin

Q : Nagulat ka ba kung sakaling Villar-Loren ang tandem

FGE : Lumalabas na rin yan sa mga pahayagan ilang linggo na ang nakakalipas hindi na rason magulat ang sino pa man kung saka-sakaling mangyayari yun dahil sa lumalabas na usapan sa media.

Q : Lumalabas na ba na wala ng desisyon ang party nasa tao for example loren will decide I will join Villar walang say ang NPC dun may tsismis din NPC is talking with Lakas-Kampi

FGE : Hindi ko alam at hindi ko kayang magsalita para sa aking dating partido, ako bago nag desisiyon o bago mag desisiyon sa susunod na araw bilang ako niliasan ko muna ang aking partido kaugnay ng binabanggit mo marahil sila ang sumagot at magpaliwanag tungkol jan, Q : Kung sakaling tatakbo ng commit ba si Danding Cojuangco na susuportahan ka?

FGE : Walang ganung usapan at walang ganung pag-uusap

Q : Pero hinihingi mo yung supporta?

FGE : Mahirap naman atang gawin yun pagtapos ko umalis sa aking partido

Q : Di ba kayo natatakot baka lumipat ibang supporters ninyo?

FGE : Kung talagang sayo sila hihintayin ang tamang panahon hanggat ikay nagpasya kung hindi marahil kwestiyon lamang ng panahon kung kelan din naman nila gagawin yun

Q : Kung tinuloy niyo wala ka bang slate or Vice?

FGE : Hindo ko pa alam wala pa ako sa punto na ganung ka detalyado ang pinag-iisipan kong uri ng takbo dahil akoy nagdedesiyon muna para sa aking sarili kaugnay ng pagtakbong yan bago ko marahil hikayatin o yayain ang iba pa

Q : Sarado na kayo sa pakikipag tandem kay villar o may possibility?

FGE : Uulitin ko di ako nag aaply kanino man at wala ako sina-submit na resume din kaugnay sa pagtakbo sa mas mababa o mas mastaas na pwesto puro balita lamang tsismis wala namang direktang usapan o pag uusap unfair din naman kay Sen. Villar na sabihin ko nanag kakaroon ng pag-uusap pero wala naman, o papatotohanan ko yung lumalabas na balita na wala naman na nakikipag-usap sa kanya possible ba yun pareha pa rin ang aking posisyon at pananaw sana ipaliwanag niya hindi saakin sa senado at sa sambayanan ang mga issue na binato sa kanya kaugnay ng kontrobersiyang binanggit ni Sen. Madrigal para mabigyan ng linaw ang mga ito bago ang mga anu mang pag-uusap o pakikipag-usap para sa akin

Q : Anu nalang po ang iniintay ninyo?

FGE : Pagpapasya ng isang daang porsyento hindi ninety nine, hindi ninety seven, hindi fifity one, one hundred percent

Q : Would do you any good for example deadline is move to December 1 would do you any good if you make your announcement to the Nation day before or right on December 1?

FGE : Lets do the reverse neither do me any good do the country any good if I make a half hazard decision and a decision that was not well thought out that will affect not only my life but the lives of other people as well, mas gusto ko sigurado at deliberate at deliberative ang desisyon kesa minadali dahil lamang sa paghihikayat na dapat mag pasya na dapat ngayon na ngayon na�

Q : At the age of 40 presidency or nothing?

FGE : Pagpapasyahan ko na yan sabi ko ang sinabi ko sa isang interview it's the Presidency but not all costs, not at all cost of being eaten up by the system, not at the cost of being in a position not to do what you have to do if I told you to get that position, not at the all cost of losing my self

Q : May kinalaman ba yung mga balita na hindi pala ikaw yung susuportahan nung ilang taong mga inaasahan mo susuporta sayo being part of the NPC?

FGE : Wala narinig ko na yung tsismis na yun kung may kinalaman man yun dun bat ako aalis eh di mas wala ngayon kesa noon, hindi naman siguro logical yun ang dahilan,

Q : Pero totoo ba yun lets be specific Cong. Mark Cojuangco and former Cong. Charlie Cojuangco is supporting Noy-Noy

FGE : Wala akong ganung posisyon na kinuha nila at wala rin ako alam na inanunsyo nilang pagpasya kaugnay nuon

Q : May balita na si Ramon Ang hinarang yung pondo sana na iirelease ni Danding?

FGE : Wala rin ganung tsismis o katotohanan sa mga kwentong iyan dahil gaya ng nabanggit ko hinirang man o hindi mas meron man sa partido kesa ngayon bat parin yun ang magiging rason para umalis o maglisan ang partido. Wala akong ginawang pasya o desisyon base sa pera o sa salapi lamang dahil matagal naman na ako nabubuhay ng normal at simple kung yun ang aking pagbabase sa aking mga desisyon siguro nakatira na ako ngayon sa Forbes Park o sa Dasma o hindi sa lugar na kinatitirahan ko ngayon,

Q : Bakit sinasabi nila Cong. Cojuangco masama yung loob bat hindi ka nagsabi bat may ganun?

FGE : Dahil sa liderato ako ng partido lamang ako nag paliwanag pero naka-usap ko na rin siya ilang araw matapos ang pag sasalita ko nung Miyerkules at napaliwanag ko na sakanya ang mga bagay na ito

Q : Did you try to talk to Danding Cojuangco?

FGE : He is Chairman Emeritus of the Party performing to a particular role I talked to the charman of the party former Governor former Congressman Junior Dy.

Q : On the Issue of BIR

FGE : I think former Commissioner Esquivas did the descent thing kung hindi lang niya magagawa ang kanyang trabaho dahil sa ano mang limitasyon na pinataw sa kanya o dahil sa anu mang konsiderasyon na inutos sa kanya kaugnay sa pag-ganap niya sa kanyang tungkulin mas minabuti niyang mag bitiw kesa di niya magawa anmg kanyang tungkulin ang dapat imbestigahan kung saka-sakali yung patuloy na nakaupo sa kanilang pwesto na hindi naman nila ginagawa ang kanilang trabaho at binabayaran ng taong bayan ang kanilang pwesto hindi yung nag paka disente at ginawang disenteng bagay at hindi na tinaggap ang kanyang sweldo kung hindi rin lang naman niya magagawa ng buong buo ang kanyang tungkulin. Ang customs hindi rin nila na meet na ang kanilang target ang ibat-ibang revenue district officers hindi rin naman nila na meet ang kanilang target ang ibat-ibang ahensya ng pamahaalan at deresto din dapat ang trabaho ng kanilang ginagawa hindi rin naman nagagawa ang kanilang trabaho pero nandun pa rin, dapat patuloy yun that is the minimum demand of transparency and accountability which government must continually doing audit in so far executives and other egos are concerned. Resignation is a voluntary act but I if he does it I would call it a decent thing to do if he fails to meet his targets for ex period of months.

Q : With all these failures to meet the target which is happening almost every year, this begs to enact new taxes

FGE : I still believe in improving collection efficiencies make sure that existing taxes be collected properly before we even considered the imposition of new taxes there is a big leg room a big leeway where government can get more revenues can get more revuenes by simply collecting taxes that are presently being impose instead of doing the major reaction of simply imposing a new one

Q : How do you see the trillion peso budget being supported next year if the revenue keep on falling

FGE : This government has always taken pride in one thing supposedly that they have manage the fiscal situation of the country quite well and yet an their leaving behind to the next government a government that is death ridden a government that has a high deficits and a government that has no other way by which to fund to each budget other than by borrowing or the imposition of new taxes kung kelan patapos na tila sakit ng ulo ang papamana nila sa sususnod na administrasyon

Q : And you want to be the President of the new government?

FGE : Hamon ang tingin ko duon at hindi sakit ng ulo pagakakataon ang dapat na tingin natin dun at hindi problema, hamon para harapin pagkakataon para gawin kung anu ang nararapat hindi sakit ng ulo o problema

Q : Sir yung sa pagpapatupad ng BIR tax on candidates

FGE : Actually tinitingnan ko pina-paresearch pa namin yung batas na pinag babasihan nila dun pero kung yun nga ang may makikita namin may batas na basehan yun dapat sumunod ang mga kandidato kaugnay ng kanilang campaign expenditures sana lang maliwanag ang basehan ng BIR dahil maraming gastusin sa kampanya na marahil na walang resibo o receipt at sana pati mabantayan nila

Q : On registration

FGE : Hindi handa at kulang sa panahon ang maghanda ang Comelec ang panawagan ko nung una hindi ilang araw na extension kung hindi extension ng voter registration hanggang December 31 automated nga ang tawag sa systema pero tila analog at mano-mano pa rin ang kaisipan ang nag papatupad ng automated system bakit hangang ngayon wala tayo pinagkaiba nung panahon ni Jesus na kailangan umuwi sa Bethlehem ang magulang niya para mag parehistro automated tayo ngayon pero pwede ka lamang mag parehistro kung uuiwi ka lang din sa lugar kung saan mag paparehistro ka dinadala nga nila yung registration sa eskwelahan pwero ang pwede lang mag register ehn yung nakarehistro lang sa lugar kung saan matatagpuan yung skwelahan anung klaseng systema po yun, kung talagangn nais nating bigyang laya na maka register kung sino man ang nais bumoto sa darating na halalan

2nd Part Transcript of Interview Kapihan sa Senado November 4, 2009

Q : Ma isasalba pa ba na hindi magkaganuon sa eleksyon week

FGE : Sana pero sa nakita kong time table balikan ninyo na rin time table at schedule ng Comelec dapat November nag deliver na ng makina pang testing dapat by November nag deliver na ng mga makina na pwede gawing panturo at training sa mga members ng board of election inspectors at watchers tapos na ang buwan ng Oktubre papasok na Nobyembre ni anino ng makina ng pang pilot testing hindi pa na dedeliver ng supplier.

Q : The way I get it that's why the Comelec is rushing the registration because they really want to include all the names of those serious candidates in the ballots

FGE : Ang deadline ng Comelec para I print ang ballota ay third week of Janaury Dahil matapos ang last day of filing ng November 30 nagbibigay sila ng dalawang buwan para sa disqualification proceedings at paglinis ng listahan ng tatakbo hindi naman kagaya nung November 30 ang deadline ang simula ng starting bell ang starting guns ika February 9 February 10

Q : On automation

FGE : There are two looming problems in connection with automation which I have been mouthing for the longest time one is failure of election two is automated cheating may cheating pa rin automated lang noon manual cheating ngayon automated cheating may eleksyon nga sa araw na yun pero gaano tayo kasigurado na handa tayo para sa automation para matiyak na walang failuire of election wala namang desisyon ang korte na legal at pwdeng gawin yan, dapat pagsikapan natin maayos na ma implement yan kung hindi man dapat may backup ang Comelec para sa manual kung may kasong sasabog at hindi ito maipapatupad ng maayos

Q : On resignation

FGE : Wala kaming pinag-awayan o hindi pinag kasunduan personal ko lang na desisyon ang pag lisan ng partido ngayon ang naging epekto pero wala namanb talagang pinagsimulan at hindi pag kakaintindihan, personal yun na desisiyon sa parte at sa panig ko at di dapat maapektuhan at ma impluwensyahan ng anung interes kabilang na partido at kandidato. Personal na desisyon yun pasya hindi yung pagkausap itoy paglisan sa partido at kung saka-sakali sana na magkakatuluyan na akoy tatakbo pa at magkakasama at least nagyon malayang desisyon na niya, kung sakali kung matapos kung mag desisyon kung anu ang aking tatakbuhan. Hindi ko siya nilisan partido ang nilisan ko.

Q : On Political Suicide

FGE : Sa traditional na mag-isip at traditional na pamamaraan ng kaugnay ng pagtakbo ng isang eleksyon at kampanya tama sila pero dun ba sa mundo at kawanayan ako gumagalaw kung hindi, hindi rin applicable yun

News Latest News Feed