Press Release
December 1, 2009

Transcript of interview with Senator Pia S. Cayetano
Exhibit on the International Day for the Elimination of Violence Against Women
2nd Floor Senate Hallway

SPSC (opening statement): Itong violence against women comes in many forms, yung alam na alam natin ay yung domestic violence. Pero marami pang ibang klase ng violence tulad ng political violence, tulad ng nangyari sa Maguindanao. Sexual harassment in the office is a form of violence, marital rape is a form of violence. Marami ang babaeng biktima ng violence kaysa sa mga namamatay sa kanser, sa malaria, sa traffic accident, at sa giyera. Pagsama-samahin mo man iyan, mas marami pa ring kababaihan na biktima ng violence. Kaya dapat ma-raise natin ang awareness kaya today ay mayroon tayong exhibit.

Q: Dapat ho ba patindihin ang awareness sa Pilipinas?

SPSC: Dapat talaga. Tignan nyo ang nangyari sa Maguindanao, that is a political form of violence against women. Ginamit ang kababaihan to send a message to somebody not to exercise their right of suffrage. Ang ginawa sa babae na nagbibitbit ng COC hindi lang pinatay, grabe ang violence na ginawa sa kababaihan sa Maguindanao, at sa mga babaeng members ng media. Nakikiramay ako sa lahat ng naging biktima sa Maguindanao, but because we are raising awareness on violence against women I am singling out the women who are victimized in Maguindanao.

Q: Kontento ho ba kayo sa takbo ng imbestigasyon?...Naaresto na po si Ampatuan

SPSC: Hindi ako kuntento. Kasi sa akin, kung titignan nyo ang manner by which he was arrested, the length of time the arrest had taken, hindi ako kumbinsido na desisdido tayo to bring speedy justice to this case. I do not think, and it is very hard for anyone to believe na nag-iisa si Andal Ampatuan Jr. in conceiving of this crime. Makikita natin na yung krimen sa Maguindanao ay matagal na pinag-isipan. Nakahukay na, mayroon nang equipment, hindi pwedeng isang tao lang ang naka-isip niyan. Normally po, sa ganyang scenario marami ang nagplano niyan. Huwag ho tayong makuntento sa nangyaring imbestigasyon, dahil marami pa ang posibleng nangyari. In fact nabasa ko sa PCIJ na ultimo ang envoy ng presidente ay nakipagyakapan pa sa suspek nang sila ay naghiwalay. Na parang nag-aalay pa ng tuloy-tuloy na suporta imbes na i-condemn ang pangyayari. It is high time na siya ay isinuko pero hindi pa tapos iyon, at hindi natin titigilan ang pagbabantay sa kasong ito.

Q: Kanina po pormal na nag-file si Pangulong Arroyo na babae rin para sa pagka-kongresista sa second district ng Pampanga. Anong reaksyon nyo?

SPSC: Iba nang kasalanan yan, hindi na iyan violence against women, "violence against the Filipino people" na ang ginawa ni President Arroyo. Bagamat hindi nakasulat sa Konstitusyon na bawal tumakbo ang isang presidente sa ibang posisyon, ay hindi na kailangan isulat iyon. It is understood na nagsilbi ka na, kung sa 6 years, in the case of President Arroyo. nakapag-9 years na siya as president including another three as vice president, nag-senador pa siya. Kung hindi pa niya nagawa ang mga dapat niyang gawin, wala na siyang magagawang iba. Let us look at the statistics in Pampanga, sila ba ay nangunguna sa education, sa health and environment? Kung nangunguna sila, then maybe maganda ang nagawa niya, pero I do not think po na nangunguna ang Pampanga and having said that, the whole Philippines is still very much not compliant with basic human rights, basic social services. I don't think na may maganda pa siyang magagawa at I think isang "krimen" ang pagfile ng kanyang candidacy.

Q: Ano pong basa niyo sa pagfile? Bakit bniya ginawa

SPSC: Hindi ko alam kung mas nangunguna ang kanyang desperation for power o desperation na ipagtanggol ang kanyang sarili kaya kailangan manatili siya sa pwesto sa pamamagitan ng pagiging kongresista sa Lower House. Hindi ko po nababasa ang mga utak na ganun.

Q: Pero wala na pong remedy iyon? Kasi wala namang nagbabawal sa kanya na tumakbo...

SPSC: Ang remedy po doon ay ang taong bayan na magpakita ng kasuklaman sa ginawa niyang ito. Sana po yung mga kababayan natin sa Pampanga, although nirerespeto natin ang mga desisyon nila, sa tingin ko po marami pang maiuunlad ang bansa natin. Sana ho yung mga hangarin natin na ikagaganda ng bayan natin wag nating ipako lahat kay GMA kasi napakaraming nawalang pera, bilyon-bilyon na pera ang na-realign sa mga proyekto na hindi natin nalalaman. I don't think na ganyan ang dapat na maging representante ng kahit anong distrito.

Q: Earlier si Sen. Madrigal nagfile ng candidacy. Care to comment about that?

SPSC: I've declared my candidacy under Nacionalista Party. I think it's publicly known now that my candidate is Senator Manny Villar. I have a lot of respect for other candidates. As for the new candidates, karapatan din naman nila iyon but I truly believe that the person who is capable of leading this country is Manny Villar.

Q: Sabi ho ni Sen. Madrigal kanina, wala na raw ho siyang running mate, wala na siyang partido dahil feeling niya nagkagulo-gulo ang mga parties ngayon. Hindi nga raw po makabuo ng senatorial lineup...

SPSC: I think one test of leadership is to also have a senatorial lineup. If you cannot complete your party, I don't know if that sends a signal that you don't have other people who will support your candidacy. I just have to say that I'm happy with the party I am with. I look forward in seeing better things for this country in 6 months.

News Latest News Feed