Press Release
December 17, 2009

Briefing with Sen. Chiz after the hearing of the joint congressional
oversight committee on automated election system

Matutuloy pa ba yung automation?

Let me rephrase, dapat matuloy ang eleksyon. Automated man o manual dapat ito ay matulyo kaya nakahanda dapat ang Comelec sa fully automated, fully manual o partially automated , o partially manual, dapat matuloy ang halalan sa May 10, 2010. At yan ang isang bagay na titiyakin ng joint congressional oversight na magawa ng Comelec at ng lahat ng stakeholders. Kaugnay ng preparasayon ng Comelec ngayon, sino ba naman ang matutuwa, delivery pa lamang ng makina delayed na tapos mangangako sila na perpekto at walang magiging kapalpakaan sa mga susunod pa na linggo at buwan. Eh unang bagay pa lang tila sumablay na. may kasabihan ang hindi mo matiwalaan sa maliliit na bagay papaano mo mas pagkakatiwalaan sa malaking bagay. Delivery pa lamang ng kalahati ng makina ang pinag-uusapan sabalay na ano pa kaya ang lahat ng makina, paano kaya yung software, ano pa kaya yung transmission, ano pa kaya yung malinis na halalan.

May sinabi ba kung ano ba talaga ang cause ng delay ng delivery?

Unforeseen circumstances ang unang binanggit. Ang pangalawang binanggit dahil daw medyo kinabahan sila nang may mga sinampahang kaso h wala namang TRO na inisyu. Ang pangtlong binanggit ewan ko kung matutuwa o maiinis tatyo para daw kasing diesel yung manufacturing, mabagal sa simula pro habang tumatagal bibilis naman daw ng kaunti yon kaya aabot sa deadline.

Pero are you getting information the real problem here is the bid too low?

Not yet. The real culprit here perhaps is the desire of so many people to automate for the sake of automating in spite and despite these things. Tinitiyak ko na maraming nagsasabi ngayon ng "I told you so." Kaugnay sa kinakaharap nating problema ngayon pero huli na para sabihin yan at wala an ring maitutulong dapat magkapit-bisig na lamang tayo para mapaubra ang anumang sstema matiyak lamang na matutuloy ang halalan sa 2010.

May assurance ba kung kailan talaga darating yung substantial first batch ng makina?

Ang unang pangakong binigay November 15, hindi natulyo yon naging Nov. 28 hindi natuloy yon, kalahati before the end of the year hindi pa rin natuloy yon. Ang bagong pangako ngayon ay Feb. 27, na ang pangako ay one week daw in advance sa Feb. 27.

So nagkaroon na ng tatlong broken promises.

Tatlong pagbabago pero ang problema sang-ayon sa kontrata dapat nagbabayad ang Smartmatic ng penalty sa kada araw ng delay. Ang problema ayon sa Smartmatic mutually agreed upon between Smartmatic and Comelec yung pag-adjust ng mga deadline. Eh kung iaadjust at iaadjust nila yung deadline, papaano papasok ang probisyon ng penalty at delay sa kontrata. Ano pa ang silbi nyon kung anumang reklamo o anumang pakiusap ng Smartmatic ay pagbibigyan at pakikisamahan ng Comelec.

So ang worst case scenario

Worst case would be perhaps either a full shift to manual or partially automated, but again the objective of the JCOC is to ensure that elections will be held on May 10, 2010 and the elections will be credible and clean as best as we can.

Tiwala ka pa ba na kayang i-automate yung elections?

To begin with wala namand on ang tiwala ko kaya nga bumoto ako laban sa pagbibigay ng budget sa automation ng elections, full automation. Pero nandyan na yan at nandito kami hindi para mamintas laman o pigilan yon. Nandito kami para tiyakin na matutuloy ang halalan anuman ang halalan.

Ilang units yung sinasabing darating sa Feb. 27 and do you have time to train, to educate the BEI and the voters themselves?

82,000 daw ang darating complete delivery by Feb. 27 pero yung 40,000 hindi madedeliver by the end of the year, 20,000 lang ang inaasahan nila. Nong Marso pinagdebatehan ito ng senado sinabi na rin namin sa kanila sufficient time ba yung March para magtrain ng ating mga BEI. Ang sagot nila oo daw at gusto nilang late. Tinanong ko kung bakit. Sabi nila kasi raw kung nagtraining sila ng June baka daw makalimutan na yon pagdating ng May. Pagnatraining daw sila ng August baka daw nag-abroad na raw yung natraining nila, nagresign na o hindi na nagtuturo eh hindi na nila mahagilap pagdating ng Mayo. Kaya daw Marso nila gagawin, mas malapit sa petsa ng pagdadausan ng eleksyon. Siguro daw hindi makakalimutan at mas malapit din na yung kanialng itri-train ay hindi naman aalis o mangingibang bansa.

Training ng BEI yon, papaano yun sa mga voters?

Kung dumating yung makina, dapat kasi dumatign yung makina, 20 pieces of the machines by August at yon sana ang ginagamit na pangtrain ng ating mga botante sa ibat-ibang parte ng bansa. Pero pati yun tila hindi pa kumpleto at hindi pa dumarating lahat. Yung trianign ng voters hiningi namin sa kanila ang budget at program wala pa silang binibigay sa amin hanggang ngayon. So ano sa tingin nyo kaya nilang i-full automation?

I don't want to be a doomsayer at say na hindi matutuloy at hindi kakayanin. Pilitin nilang gawin kung ano ang kaya pero kung hindi, aminin sa lalong madaling panahon para makagawa tayo ng remedyo. Ulitin ang importante dapat matulyo ang halalan sa isang malinis at kapani-paniwalang paraan.

Nagap-usapan din ba yung extension ng registration?

Napag-usapan at sinabi din ng Comelec na tutol daw sila don, pero yon ang desiyon ng Korte at dapat nating sundin. Huwag na anting pag-usapan yung bagong list ng voters, halimbawa, hinihingi ko sa Comelec yung list of voters based on the 2007 elections. Hanggang ngayon nga hindi nila maibigay yon. At hanggang ngayon ang available records pa rin ay 2004 electiosn ercords on the list of voters who actually voted and registered. Lalo na siguro madedelay yon given the extension of the period. Pabor ako sa extension ng registration of voters dahil may humigit-kumulang may tatlo hanggang limang milyong hindi na nakakarehistro. San lang ang desisyon kaugnay nito ay dumating ng mas maga-aga.

May advance voting daw for media?

It is being proposed pero magkahiwalay yon. Ayon sa Comelec yung advance votign sa ARMM pede lamang mangyari pagmagpasa tayo ng batas. Ang advance voting ng media pedeng gawin yan sa pamamagitan lamang ng regulations ng Comelec dahil ituturing lamang sila bilang absentee voters para makaboto ng mas maaga.

How about partial, do we need a law for a partial automation?

No. hindi kailangan ng amendment ng batas. Ang posisyon ko mula pa noong una, bago tayo mag-full automatino kailangang i-pilot test muna ito sa dalawang pobinsya at dalawang highly urbanized cities sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao. So wala akong nakikitang paglabag sa batas kung meron mang partial automation na mangyayari.

Hindi ba chance to patch pagna-extend pa yung registration of voters?

You're assuming na hindi pa napapatch sa ngayon. Hindi pa nalilinis ang voters' list natin. Matagal ko nang hinihingi at pinondohan pa nga naming ng isang bilyon ang paglilinis ng voters' list na hanggang ngayon hindi dawa kayang gawin sa loob ng takdang panahon ng Comelec.

Sabi ng Comelec na-hit na nila yung target na 47M, would this extension might reach 50M voters, hindi ba unrealistic na yon?

Una ang tanong ko bakit sila na number of voters, hindi ba kung ilan talga yon, yon talaga yon. Pangalawa, I invite Filipinos interested in the Internet to engage in a simple exercise. Pakikuha yugn list of voters o total number of voters sa Internet ng Comelec maski na noong 2004 pa. Tingnan ninyo sa Google Earth yung mga lugar na pinagdududahan nyo kung may botante pa ganoon karami o wala. Bilangin nyo yung mga bubong sa loob gn munisipyong yon at i-multiply o i-divide nyo sa total number diumano ng registered voters doon. Baka makuha nyong resulta 60 tao ang nakatira sa iisang bahay kaugnay ng bilang ng bahay at bilang ng mga botante sa isang lugar. It's a simple exercise that anyone can do with access to the Internet through Google Earth. kasi para bang there's a surge of millions who suddenly turned 18 kaya naging 50 million.

Maraming panggagalingan yon, yung numero yon. Una new voters. Pangalawa yung magparehistro uli dahil nabura na, dahil ang tinanggal na ng Comelec diumano sa listahan ay isan gmilyogn botante ang na-delist nila. Pero yung delisting nila based only on inability to vote. Wala silang kapasidad i-delist yung mga namatay dahil wala sa record at track record nila kung kailan namatay sino, paano at saan.

Dapat lang pero gaya ng nasabi ng Smartmatic at hindi kinontra ng Comelec. Mutually agreed upon daw yung pag-adjust ng deadline. Sabi ko nga nangako sila hindi lamang sa isat-isa pero sa sambayanang Filipino pati sa Kongreso. Sana naman pinagbigay-alam man lang nnila sa atin kung ia-adjust nila yung deadline. Hindi yung sila sila lang yung nag-uusap.

News Latest News Feed