Press Release
January 4, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW
WITH ELY SALUDAR OF RMN-DZXL

On Ampatuans

Q: Nabalitaan niyo ho ba ang VIP treatment daw sa mga Ampatuans?

MAR: Larawan iyan na iba talaga ang hustisya para dun sa mayaman at dun sa makapangyarihan kontra sa pangkaraniwan na tao. Iyan din ang dahilan kung bakit galit na galit ang ating mga kababayan. At iyan ang ipinaglaban namin ni Senador Noynoy sa pagbabago.

On the 2010 budget

Q: Ano itong anti-impoundment provision na nasa 2010 budget?

MAR: Itong sa budget ay, ako isa ako sa kritiko ng budget na iyan, hindi ako bumoto diyan sa budget na iyan. Dahil nilakihan nila ang pork barrel diyan. Nilakihan din ang uutangin natin at kapalit niyan ay lumaki din ang pork barrel ng administrasyon diyan sa budget na iyan. 'Yung anti-impoundment na probisyon na iyan, isa iyang isiningit na probisyon kung saan pinipilit na gastusin ang budget na iyan. In other words, hindi pwede ma-impound, hindi puwedeng hindi gastusin o itabi muna para makita kung ano ba ang koleksyon ng pera. Ibig sabihin ng anti-impoundment na probisyon na iyan, sa gusto o ayaw, sa may pera man o wala, umutang kung umutang kung gustong umutang, pero kelangan gastusin iyan. Kaya iyan ay panggastos, para sa pork barrel ng mga kasangga ng administrasyon. Kaya ako, kritiko ako diyan sa budget na iyan. Uutangin na naman natin. Tayong mga Pilipino ang magbabayad ng utang at interest diyan. Samantalang ang sa pork barrel ay kukurakutin lang naman ang mga iyan.

Q: Na-aprubahan ang budget, mas kawawa ang susunod na pangulo?

MAR: Hindi naman. Pero ang importante dito, huwag tayong umutang ng umutang samantalang sa pork barrel lang naman mapupunta. Dapat may babala ang mamamayang Pilipino. 'Yung binabayad natin sa VAT, 'yung binabayad natin sa income tax, lahat ng binabayad o kinokolekta ng gobyerno, galing lahat iyan sa taumbayan. Kung wala naman tayong napapala, nakikita na lang natin ang mga politiko, aba'y kung ano-anong mga projects na hindi naman tama pero para sa politika lang naman...kita naman natin: ang edukasyon ng kabataan natin, kulang. Pupunta tayo sa health center, wala namang gamot, walang doktor, wala ding kasangkapan. Pupunta tayo sa mga kalye, titingnan natin, aba'y lubak-lubak dahil hindi naman tama ang paggawa. Sayang lang ang pera ng taumbayan. 'Yan ang dahilan kung bakit si Senador Noynoy, si Senador Mar, hindi kami bumoto diyan. Para sa amin, sayang lang ito. Ito, Ely, ang istatistika lang ito: natapos ang taong 2009, ang budget deficit, ibig sabihin ang inutang upang mapunan ang lahat ng ginastos para sa 2009, humigit-kumulang mga P300 billion. Itong 2010, ang projected another P300 billion. Bale, P600 billion ang dagdag na utang na papasanin ng pangkaraniwang Pilipino. Sa interes lang, ipalagay mo 8% ang interest diyan sa P600 billion na iyan. Bale P50 billion ang interest na madadagdag sa utang natin. Eh anong napala natin? May dagdag na trabaho ba? Nabago ba ang sistema ng edukasyon ng mga kabataan? Nagkaroon ba ng dagdag na sahod ang ating mga teacher? 'Yung mga kawani ng gobyerno, 'yung mga kinakaltas sa kanila sa GSIS, hindi nila alam kung saan napupunta. Iyan ang sitwasyon natin ngayon. Palaki ng palaki ang utang natin pero ang nakikinabang lamang ay ang mga politikong nakaupo sa Malakanyang.

Q: Tapos na ang budget sa Congress...mahahabol pa ba ito, senador?

MAR: Nasa Malakanyang na iyan. Ang taong ngayon, pipirmahan ba niya iyan o hindi? Ila-line item veto ba niya iyan, yung mga idinagdag? Dito lang sa bicameral conference committee, may dagdag na P35 billion. Tinanggal nila sa ibang gastusin, na gagastusin naman kasi automatic approporiation, tapos idinagdag sa DPWH, sa PVAO, lahat iyan...talagang garapalan na ito. Kasi eleksyon na eh. Wala ng hiya. Talagang dinagdagan na nila. Kaya para samin, itong budget na ito, wala, maluluto tayo dito, kawawa ang sambayanan.

Q: Ano pa ba ang mga ihahabol na trabaho ng Kongreso pagbalik ng sesyon ng dalawang kongreso?

MAR: Palagay ko, wala na. Atsaka kokonti na lang tayo. Ang pinakamahalaga dito, para sa akin....ako pinupukpok ko, kulang ang right to Cheaper Medicines. Maalala natin last year, nagkaroon nga ng Round 1 pero pahirapan pa, nakipag-usap pa ang Malakanyang sa mga pharmaceutical companies. Gayunpaman, may 22 na bumaba ang presyo. Magsimula noon hanggang ngayon, wala, wala ng dagdag eh, parang pagpapakitang tao lang. Para talagang pino-proteksyunan ang mga pharmaceutical companies. Kaya nga bago pa mag-Pasko, nagkaroon tayo ng hearing...itutuloy natin ang hearing. Dapat magkaroon ng Round 2, dapat tuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mga gamot at dumami ang mga gamot na ito na papatawan ng Maximum Retail Price (MRP) nang sa ganung paraan ay makainom na ng gamot ang mga kababayan natin na talagang nangangailangan nito.

Q: May binabanggit itong Asia-based Pacific Strategies and Assessment (PSA) na itong (???) natin ay isang tinatawag na disaster waiting to happen. Marami raw potential human - breakdown na posibleng mag-lead to a political crisis sa ating bansa....

MAR: Napakahalaga talaga na bantayan natin iyan. Huwag natin itong payagan. Ito 'yung tinatawag na "No El" scenario. Ililipat o may magbabago sa sistema tunog sa operation. Tapos ay may palpak...hindi na natin inaasahan iyan kaya dapat bantayan natin. Talagang mahirap ang pagbabago ng isang sistema, lalo na 'yung patungo sa automation. Dapat bantayan natin iyan. Lahat tayo ay magsama-sama, tulong-tulong, bantayan natin iyan. Marami ang nagsasabi na itong New Year na ito, punong-puno ng pag-asa. Umaasa sila ng pagbabago sa Mayo. Magkakaroon ng pagbabago sa gobyerno. Kung papayagan natin na nakawin pa nila itong pag-asa natin, ninakaw nila ang pera natin, ninakaw na nila ang pinaghirapan natin...tapos ngayon nanakawin pa nila ang pag-asa natin...talaga namang magkakagulo na ito. Dapat dito, tayong lahat, sama-sama, proteksyunan natin ang ating boto dahil iyang boto na iyan ang ating susi tungo sa pagbabago.

News Latest News Feed