Press Release
January 15, 2010

Sen. Benigno S. Aquino III on GMA's Insistence on
Appointing the Next Chief Justice

 "Ganito po ang nangyayari kapag hindi tinutularan ng mga anak ang magandang asal ng kanilang magulang. Ang isang halimbawa po nito ay si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, na nagbabalak na hindi sumunod sa ginawa ng kanyang sariling ama na si Dating Pangulong Diosdado Macapagal nang baliwalain nito ang pagtalaga ni Dating Pangulong Carlos P. Garcia ng gobernador ng Bangko Sentral dahil nilabag nito ang batas ukol sa midnight appointments, na nakapaloob sa ating Saligang Batas.

Ipinapakita lamang po nito sa ating mga Pilipino na hindi po titigil ang administrasyon sa hangarin nitong palawigin ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan sa pamamagitan ng paglabag sa mismong batas na dapat nitong pinagpapatibay."

News Latest News Feed