Press Release
January 18, 2010

VILLAR GIVES AWAY HOUSE AND LOT TO POOR FAMILY IN TONDO

Transcript Sen. Manny Villar on GMA 7's SOP (Jan. 17, 2010)

Host (Marvin Agustin): Ano po ang espesyal na parang nararamdaman niyo kapag narito kayo sa Moriones, Tondo?

MBV: Unang-una muna nais kong batiin ang ating mga kababayan dito. Ako ay masayang-masaya kapag nakakabalik ako dito, dahil dito ako ipinanganak, diyan kami naglalaro, diyan lang kami nakatira. Dito ako nagsimula mangarap noong ako ay bata. Diyan kami nagswi-swimming kapag bumabagyo.

Host: Dito ho?

MBV: Dito at saka doon, kaya mahal na mahal ko itong lugar na ito.

Host: Senador kanina pa ho namin sinasabi na mayroon kayong espesyal na ibibigay sa ating tao dito, pamilya, na taga dito sa Tondo. Paano niyo ho ba napili sa dami ng pamilya dito sa Moriones at sa buong Tondo? Paano niyo ho ba napili itong espesyal na pamilya na ito.

MBV: Alam niyo nag-research siyempre ang aking staff at meron silang nakita na, yung istorya napakaganda. Kasi talagang mahirap sila, nagsusumikap, pagkatapos yung anak nila may sakit, parang napili namin na ito yung dapat. Natatandaan ko kasi noong ako ay nandito rin, mayroon akong kapatid na namatay dahil sa medyo hirap kaming ipagamot wala kaming pera rin noong panahon na yun, kaya noong makita ko ang istorya, parang dapat ito ang bigyan natin.

Host: Ipakilala natin kung sinong pamilya ang tinutukoy ni Senator Manny Villar. Panoorin po natin itong VTR na ito.

(VTR)

Host: Ipatawag natin ang pamilya Loveras, Irene, Nico, kasama ang kanilang mga anak, si Ian at Nico. Ano kayang sorpresa itong hatid sa atin ni Senator Villar. Senador ano po bang sorpresa ang inihanada natin para sa pamilya Loveras. Sinasabi lang po natin na magpapabago sa kanilang buhay, malaking sorpresa. Ano po ba itong sorpresa na ito.

MBV: Alam mo kasi Marvin, nakita ko sa kanila talaga yung nagsusumikap at talagang ginagawa nilang lahat para sa kanilang anak. Yung anak naman ay kinakailangan ng malinis na kapaligiran kaya minarapat ko na kahit papaano ay makapagbigay ng kahit konting tulong at 'yan ay ibibigay natin ngayon sa kapistahan ng Tondo.

Magbibigay po tayo ng isang House and Lot para po sa kanila

Host: Ano po ba ang masasabi natin kay Senator Villar na nagbigay sa atin ng house and lot?

Pamilya Loveras: (Irene) Nagpapasalamat po kami kay Senador Manny Villar, sa mga tulong po niya. Ngayon po hindi na kami mangungupahan, di na po kami mahihirapan (umiiyak).

MBV: Alam niyo talagang mahalaga din naman na, sabi nga nila ang hindi raw marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya kahit papaano, yung mga pinalad sa atin sa buhay dapat naman na ibahagi natin yung iba nating kapalaran na inabot. Ngayon ako ay masaya na kahit papaano ay nakatulong. Sana sa mga darating na panahon ay gumanda ang inyong buhay, at sana itong dalawang batang ito ay lumaki ng maayos. Masaya na ako pag ganon.

Host: Senador mula po dito sa SOP nagpapasalamat kami sa inyo sa pagbabago ng buhay ng pamilya Loveras. Maraming-maraming salamat po sa inyo.

News Latest News Feed