Press Release
January 26, 2010

PHONE PATCH INTERVIEW OF SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE WITH PINKY WEBB & TED FAILON ON DZMM

Q: Sir naikot-ikot po ba kayo kahapon? Kasi yung simple question na tinanong nya kay Sen. Cayetano na sa pagkahaba-haba po ng usapan ay nasabi nyo na lang po "I think I got my answer already".

JPE: Tama yun, dahil palihis lihis ang mga sinasabi, kung saan-saan dinadala katulad ng nagyari sa C5, imbes na straight line yung kalye ay paliko-liko para dumaan sa kanilang lupain at ganyan din ang argumento nila paliko-liko para mabaling ang salitaan sa kanilang panig. Kaya ang sabi ko alam ko na ang istorya. Gusto nilang itago ang katotohanan, kaya sinasabi ko na lang kay Sen. Villar, kung ako'y wala sa senado, at ako ang hahawak ng prosekyusyon upang isampa ang kaso ay siguradong doon ka mananatili sa muntinlupa.

Q: Yung iba po siguro ay kahit papano'y sumama ang loob, sabi nga you are one of the highly trusted institution, ang senado sa bansa, at siguro nakita nga tao na medyo nagkalabo-labo, nagkagulo, nagkakabangayan dyan. Meron pong mga papanalita na hindi maganda, yun po ba talaga ay di maiiwasan? Pero baka sumama ang impresyon ng tao sa senado dahil sa nayayaring ito.

JPE: Alam mo nakakalungkot talaga , sapagkat nakalimutan ng ibang kasama ko ang pagiging maginoo sa kanilang pananalita at aksyon sa loob ng kamara. At kung anong mga malalaswa ang kanilang sinasabi tungkol sa mga taong di naman kasama sa usapan. Ako'y napapaumanhin sa sambayanang Pilipino sa nangyari kahapon, pero kahit sa anong sitwasyon, kahit sa loob ng hukuman kung yung isang panig ay pinatatago yung katotohanan , at kung minsang ang abogado ay walang ebidensya upang idepensa yung kanilang kliyente ay pinupukpok yung lamesa, silya at hindi yung batas yung pinupukpok at hindi ebidensya. Gay an sa ibang bansa sa ibang parliamento. Kapag nagkainitan at walang argument yung kabila ay gumagawa na ng papakit para sa gayon ay maiwasan ang usapan sa main issue. Kaya lang naman ako tumindig kahapon upang magtanong dahil hinamon kami ng debate noong nasa kabila at ang sabi ko "okey", kami ay handing makipag debate pero tinatanong ko lang kung maaring tanungin kung ang inyong kasama na nasasakdal sa kaso ay sasali sa debate, sapagkat gusto ko syang tanungin doon sa dokumentong nakalap ng committee of the whole at kung saan ang batayan ng ginawang report ng chairman ng committee of the whole eh kung anon a ang sinabi na karapatan daw.

News Latest News Feed