Press Release
February 2, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW WITH
DEO MACALMA AND RUTH ABAO OF DZRH

On SWS survey

Q: Congratulations sir! Ano po bang ginagawa niyo at bumabandera pa rin kayo dito sa survey ng SWS? Maganda ang strategy niyo sa media, sa commercials... very effective...ibinalik niyo sa dati, ibinalik niyo si Mr. Palengke dahil mas kilala kayo dun...

MAR: Hindi naman nawala iyong Mr. Palengke. Halimbawa 'yung sa pre-need, Mr. Palengke din ang nakipaglaban dun. Lamang, hindi sa palengke pero ipinaglaban din iyong karapatan ng bawat tao na masiguro sa kung anong binili niya. Binili nila 'yung pre-need tapos niloko at ninakaw din sa kanila. Parang ganun din iyon.

Thank you very much sa ating mga kababayan na patuloy na naniniwala kay Mr. Palengke.

On Senate session/C5 controversy

Q: Ano po bang mangyayari mamaya diyan sa Senado...magkakaroon po ba ng showdown?

MAR: Maaari ngang magkaroon ng showdown. Itong C5 report ni Senador Enrile na nagsasaad ng mga violations ni Senador Villar sa ethics at sa pagsasamantala ng kanyang posisyon ay pagbobotohonan na, kung tatanggapin ba ito o hindi. Palagay ko, sa darating na mga araw ay magkakaalaman na talaga.

On Sugar Crisis

Q: Ano ba ang dapat nating gawin dito at pati ang presyo ng arina ay tataas na din at magtataas din ng P2 ang presyo ng tinapay?

MAR: Dito sa asukal, walang dahilan kung bakit tataas ang presyo. Nasa gitna tayo ng harvest season, punong-puno ang mga warehouse ng asukal. Ang kailangan lang ay umaksyon ang pamahalaan. May ahensiya naman - nandiyan naman ang Sugar Regulatory Administration. Baka ang pinapaboran nito ay ang iilan na gusto na magtaas ang presyo dahil makapagbili sila ng malaking imbentaryo sa mataas na presyo.

Q: Ang kinakatwiran nila ay dahil tumataas ang presyo ng asukal sa world market. Tama ba ang ganitong katwiran?

MAR: Kahit na tumaas pa ang international, eh marami nga tayong asukal ngayon. We are in the harvest season, punong-puno ang mga warehouse. Kaya sa SRA, puwedeng sabihin ng SRA na ang lahat ng reserved sugar, iyong tinatawag na reserved sugar na hindi kasi puwedneg ipagbili dahil reserved talaga iyan...sabihin ng SRA na lahat ng reserved sugar na iyan, ngayon ang destinasyon niyan ay domestic sugar na. Ibig sabihin, libre na ipagbili na ang mga iyan. Eh di automatically, mas maraming ligal na suplay sa domestic. Hindi ko talaga maintindihan iyang gobyerno...dahil punong-puno 'yung mga warehouse ng asukal, tapops ikakatwiran nila: we have no shortage, everything is okay, tumataas ang presyo, kaya kelangan mag-import. Pambihira talaga itong logic na ito!!!

Ewan ko ba...talagang baluktot ang pag-iisip nitong mga nakaupo ngayon. 'Yan ang tunay na dahilan kung bakit napakababa ng tiwala ng tao sa kanila dahil 'yung kanilang mga logic, iyong kanilang mga ginagamit na dahilan ay hindi katanggap-tanggap.

Q: Para sa inyo, hindi dapat magkaroon ng increase sa presyo ng asukal natin?

MAR: Tama kayo diyan. Ito medyo technical...

Sa bawat 100 tonelada ng asukal na inaani natin, ang SRA nagde-designate diyan. Halimbawa, itong 10 toneladang asukal na ito, reserved sugar iyan, hindi puwedeng ipagbili, hindi puwedeng galawin iyan, pero nasa warehouse iyan ha. Itong 25 o 30 tonelada, sasabihin nila international iyan, puwedeng ipagbili lamang sa international. Itong natitirang 60%, domestic iyan, puwedeng buying and selling iyan. So, iyong tinatawag na domestic sugar is onyl 60% of the crop. Eh sabihin lang ng SRA na lahat iyong pang-international, lahat iyong puwede lang ibenta sa international, dito na lang ibenta sa domestic. Eh di nadagdagan na agad iyong puwedeng ibenta dito sa atin. Eh di ipa-flood natin ang market ng supply, eh di bababa ang presyo. Bakit nila pinapabayaan ng ganyan? Bukod doon, meron pang 10% na tinatawag na reserved sugar. Puwede din iyang i-designate na domestic, puwede din iyang ipagbili, at sa ganung paraan, dadami ang supply. And at the same time, para din bumaba ang presyo. Eh pumapatak na ng P60 kada kilo eh. Samantala, nung DTI ako, P25 lang iyan eh...

In-analyze ko po iyan....iyong asukal, iyong fertilizer...lahat po iyan, hindi aabot sa P60 ang bawat kilo.

Q: Anong dapat gawin diyan?

MAR: Ang dapat gawin ay ipababa sa gobyerno. Nandiyan naman ang regulator, nandiyan naman ang pamamaraan, nandiyan naman ang ahensiya. Pero kung wala namang political will, matuwid at matapat na pagseserbisyo, eto ang nararamdaman, nakikita natin ngayon. On Cheaper Medicines bill

Q: Meron na bang bagong listahan ngayon?

MAR: Naku, pinapa-high blood mo ako. Eto, pakitang-tao lang. Walang second round. Sa batas na ipinaglaban natin, ang lahat ng gamot dapat under review. Para masiguro na hindi tayo pinagsasamantalahan. Anong ginawa ng gobyerno? Nagpakitang-tao. At kinalahati pa iyong rekomendasyon ng DOH na Mandatory Price Ceilings, ginawang voluntary na lang. Ganunpaman, nagkaroon naman ng pagbaba at iyon naman talaga ang layunin natin, ang ipababa ang presyo ng gamot. Pero limitado dito sa 21 gamot na ito.

Nasaan ang second round? Ang third round? Last year pa itong batas na ito. Tapos hanggang sa ngayon, ang lambot! Kulang talaga ang implementasyon nito. Samantala, sa bawat araw na hindi makakainom ng gamot kahit sinong maysakit ng diabetes, high blood o rayuma, lalong lumalala ang sakit nila.

Q: Adding insult to injury pa. Naipasa na natin iyong senior citizens exemptions sa VAT pero nanganganib pa na baka i-veto ni presidente. Ang sinasabi nilang dahilan, malaki daw ang mawawala sa kaban natin, about P54m to P60m... ano po ang tingin niyo dun?

MAR: Ang punto dito...kung hinakbangan ng gobyerno, kung gumalaw ang gobyerno dito sa Cheaper Medicines, aba'y sa laki ng pagbaba ng presyo, kahit may VAT magiging mas mura eh...halimbawa dito sa Norvasc, P45 to P47 ang bawat tableta. Diyan sa P47, lagyan natin ng VAT at iyan ay P6. Eh P22 na lang ang bawat tableta ngayon eh. Kaya ang VAT, P2 na lang. So dun sa higit na P20 na savings, makakabili na ng -- kilo ng bigas o 2 latang sardinas na iyan eh.

Ang point dito, kung humakbang ang gobyerno dito ng tama, halimbawa dito sa Cheaper Medicines, aba'y iyong reklamo siguro na tanggalin na iyang VAT na iyan sa mga gamot ay mababawi na. Ang laki ng savings talaga. Wala naman tayong hinihingi na higit pa dun sa presyo na sinisingil ng mga kumpanyang ito sa ibang bansa. Sinasabi lang natin, kung anong sinisingil ninyo sa ibang bansa, 'yun din dapat ang sinisingil niyo dito. Huwag niyo kaming pagsamantalahan, huwag niyo kaming abusuhin. Iyan ang sinasabi natin.

On LPG Safety Bill

Q: Ano na po ang update sa LPG bill na ito?

MAR: Nakapag-sponsor na po tayo sa floor. Nasa period na po tayo ng interpolation. Ang issue po diyan ay ang kaligtasan ng mga LPG na nakakalat ngayon sa ating bansa. May istatistika na napakalaking porsiyento, mga 30% hanggang 40% ay mga bulok, second-hand na mga tangke at maaaring bigla na lang na sumabog o lumiyab iyan. So ang ang kaligtasan ng mga misis, ng ating mga tahanan ang nakasalalay diyan. Iyan ang sinusulong natin: na magkaroon ng reglamento, mas matindi, mas istriktong reglamento para diyan sa mga LPG tank na mga iyan. Dahil sa ngayon, kahit reject na sa ibang bansa, hinahayaan pa ring pumasok dito. Eh bakit naman iyong second, third o fourth hand na reject na sa ibang bansa ay papayagan pa natin na makapasok dito sa bahay sa atin.

Q: Hindi pa ba maipapasa iyan?

MAR: Hindi ko po masasabi. Two days to go. Pero naka-sponsor na po tayo diyan. May counter-part measure po ito sa Congress.

Ang sa totoo po, ang mga nagkwe-kwestiyon diyan ay iyong mga maliliit na LPG dealers kasi ang kanilang mga imbentaryo pulos mga second hand na tangke. Iyong malalaki - sa Shell, sa Petron, sa Liquigaz - balewala sa kanila iyan kasi talagang branded ang kanilang tangke. Eh ayaw naman nating mawalan ng trabaho at hanapbuhay iyong maliliit. Sa kabila noon, binabalanse natin iyan para makasiguro tayong ligtas iyong ating mga misis. Kaya ang ipinaglalaban kong probisyon diyan ay bigyan ng sapat na panahon at kung kinakailangan, pautang itong maliliit na LPG dealers upang makabili sila ng bago at ligtas na mga cylinder at makapagpatuloy sila ng kanilang mga negosyo.

News Latest News Feed