Press Release
February 3, 2010

Transcript of interview of Senate President Juan Ponce Enrile
at Unang Hirit with Arnold Clavio

Q: Parang kahapon mukhang hindi kayo happy dahil hindi kayo nakapag-tanong.

JPE: Pano kang magtatanong, ayaw namang tumuka ng manok?

Q: So, anong inaasahan ng publiko ngayong araw, Senador?

JPE: Na-advice ako na tatanungin ako ng mga kasama ni Senator Villar. Kami, handang magpa-interpellate para sabihin nila kung nagsisinungaling kami, kung kami ay nagtatago, nag-iimbento, kung kami'y mga demonyo, kung kami'y mga Hudas o nagsisinungaling. Upang malaman ng madla at kailangan malaman ng publiko kung kami'y nagsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan at walang kasinungalingan.

Q: Senador, may punto po ba si Sen. Joker Arroyo na lahat kayo'y guilty kasi pinag-tibay nyo 'yung General Appropriations Act na nandun yung C-5 project?

JPE: Hindi naman. Hindi naman namin alam na dun nya gagamitin yun eh. Mayroon siyang lupa dun. Siya ba alam nya? Palagay ko alam nya dahil siya, hindi nya sinabi samin. Binulgar pa man nya 'yan nung araw eh. Alam nya, bakit hindi nya sinabi 'Uy, meron kang lupa dun. Meron kang interes dun kaya dapat hindi mo gawin yan.' Pero hindi naman alam.

Q: Itong reklamo kay Senator Villar, wala mang anumalya diyan pero unethical?

JPE: Hindi, merong anumalya. May Anti-Graft talaga diyan eh. 'Yung papaburan mo ang sarili mo para gagamitin mo 'yung pera ng bayan. Ano yun? Dapat basahin nila yung Anti-Graft Law.

Q: Pero kahapon parang inisa-isa nya 'yung bahagi ng Committee Report, Senador at parang kinuwestyon nya halos lahat.

JPE: Oo, pero ayaw niyang matanong. Pano yan Arnold? Syempre masasabi kong 'Ako'y inosente, ako'y nanggaling sa mahirap, ako'y matiyaga, sipag at tiyaga, at ako'y umunlad, ako'y isang maginoong tao pero sa dinami nun, kung tatanungin ka, ikaw ba'y may lupa dun?' Nakipag-usap ka ba dun sa mga taga-DPWH para gawin yung daan na idudugtong mo dun sa unang pinagawa mo na Las Piñas-Parañaque link road? At may lupa ka ba dun sa dinaanan na kalye dahil diyan ay pinadaan mo yung kalye dun at pinagawa mo? Totoo ba itong dokumentong ito na nagsasabi na ikaw ang promotor? Ikaw ang imbentor? Ikaw ang nagpondo? Ikaw ba ang chairman ng Finance Committee dun? Ikaw ba ang Presidente ng Senado dun? Hindi ba bawat release ng mga insertion, mga amendment ng mga Senado kailangang irerekumenda mo at pipirmahan mo at hihilingin mo sa Malacañang? Sa committee ng senado, tatanungin namin 'yun. Sino ba ang kaaway mo dun sa Senado? Si Angara ba kaaway mo? Si Enrile ba kaaway mo nung umupo sya ng Chairman ng Committee of the Whole? At bakit hindi mo inobjekan yung Committee of the Whole nung binuo?

Q: So lahat yan di nya nasagot?

JPE: Wala siyang kibo.

Q: Senador, ano bilang natin? 12 o 2/3 vote? Papaano ba?

JPE: Aba, hindi naman suspension, hindi naman expulsion. Sinasabi kung expulsion o suspension yan, 2/3. Nung nangyari sakin 'yan, majority, sinensure din ako. Sa America, lahat ng sine-censure na senador at mga congressman ay majority lang.

Q: Senador, sa kaso ni Sen. Ping Lacson, kahit ba wala sya pwede syang magparating ng explanation to vote?

JPE: Aba hindi, kailangan present. Si Ping hindi pwedeng bumoto.

Q: Si Senator Ping ba makakabalik o ano bang communication with you, Senator?

JPE: Wala siyang communication sa akin. Sumulat siya sa akin at sinabi na 'Mr. Senate President, hindi ako pwedeng dumalo sa session dahil may problema ako.'

Q: Senator, sa kabila ng mga kontrobersiyang ito, may mga mahahalagang Panukalang Batas bang tatalakayin ngayon sa session?

JPE: Natapos na namin kagabi yung Information Bill. Meron pa. Yung National Telecommunications pero marami pang magtatanong dun at saka 'yung Mindanao Economic Authority na lang naiiwan at saka yung Disaster Bill, hindi pa natatalakay 'yun.

News Latest News Feed