Press Release
February 5, 2010

Transcript of ambush interview with Senator Chiz Escudero
Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System

Paano kung ang memory card o sim card sa makina ay pumalpak?

Ang problema ko doon sagot lang nila yun sa tanong kanina pero wala pa namang nakasulat na regulasyon tungkol doon e. Tila oiodo ang lumabas at dapat nakalagay iyon sa regulasyon.

Source code

Hindi ko talaga maintindihan kung anong problema at bakit ayaw ipakita iyon, sa totoo lang. Pangalawa, dalawang aspeto iyon. Tama si Ginoong Pascual, iba yung irereview mo yung source code, iba yung sisiguraduhin mo na yung nireview ang siyang gagamitin talaga ng makina. Dalawang bagay ang dapat na tiyakin at siguraduhin. Wala pang paraan sa ngayon na ibinibigay ng Comelec kung paani magawa iyon.

So you are not in favor dun sa close and secure na review ng source code?

Gaya ng nasabi ko hindi naman diamond ring yung source code. Pwedeng palitan ng pwet ng baso. Dapat ipakita iyon at ilahad at ilabas kasi kung may magha-hack noon e di buti nang malaman natin na pwede pa lang gawin dahil matagal na nilang pinagmamalaki e. Hamon sila ng hamon noon dib a. 10 million, 100 million kung sinong makakapag-hack e ni hindi pa nila hawak yung source code paanong maha-hack iyon? Ngayong nandun iyon at nakalabas, magandang malaman at maintindihan kung iyon nga ba ang ipinapangako nila sa atin o hindi.

So iba yung sinasabi ni Pascual noon na Cenpeg na dapat open sa public?

Hindi diamond ring yun ulitin ko. Source code lamang iyon na kung talagang iyon ang sinasabi nilang gagawin na program wala silang dapat itago.

Intellectual property question

Program yon na magbibilang. Kayang gawin iyon ng isang 4th year college student na marunong mag-program. Walang intellectual property issue iyon. Pangalawa, ni wala sa kontrata ng Comelec at Smartmatic iyon na may intellectual property rights sila tapos biglang ngayon meron? Hindi naman ata tama iyon. Sa item 7 ng kanilang licensee agreement parang bawal sa Comelec o Smartmatic na i-reveal ito, ang source code.

Ang problema nakalagay ito sa batas na dapat i-review ang source code.

Considering na di naipasa ang early voting, kinokonsidera nila yung pagpapalabas ng reso para sa re-voting.

Posible yun. Posible naman talaga yun. pinag-usapan iyon sa nagdaang hearing naming ng joint oversight na sa pamamagitan ng resolution ay magawa at gawin iyon.

So walang violation iyon sa Constitution?

Wala akong nakikita at kunsaka-sakali pwede namang may maghain ng kaso sa KorteSuprema. Sana lang mag-decision ang Comelecng maaga para may panahon yung mga botanteng makapag-adjust, yung mga kandidato makapag-adjust at para may panahong makapag-question sa korte kunsaka-sakaling mali ang ginawa ng Comelec.

Auditing.

E magulo naman talaga e. Wala pa ring regulasyon doon. Audit tayo ng audit wala naman palang silbi daw, magpoproklama din sila. Hindi pa rin nila naliliwanag kung anong gagawin nila sa random audit. Kung ako ang tatanungin ninyo ang National Board of Canvassers canvassing the votes for president and vice president. Dapat hintayin muna yung result ng random manual audit which can be done in one day, maximum two days, bago mag-canvass ng mga boto sa ibang probinsya.

Magagamit ba iyan sa election protest?

Hindi. Bago mag-canvass. Ibig sabihin bago magproklama. Ni wala pang protestang pinag-uusapan. Hindi pwedeng gamitin sa protesta yan kasi random e. Dapat ay maituro kang actual na palpak. And it's an indication kung may negative results yung random audit na may palpak. So dapat isantabi siguro muna iyon kung hindi tuloy ang proclamation. Kung mababago ang resulta dapat ipagpaliban iyon.

With this hearing today, nabawasan ba yung mga concerns nyo before o nadagdagan pa?

Walang katapusan at never ending na madadagdagan ang concerns dahil tila ilan sa mga agencies na inilabas natin hindi naman talaga nasasagot kaya ang gusto natin end to end presentation ng system at end to end presentation rin ng lahat ng problemang pwedeng mangyari. Kabilang na, nandyan pa yung nagdadala ng makina, nahulog, tatakbo pa bay un? Kabilang na rin yung binanggit naming kanina. Kasi kung nabasa ng tubig at ina-assume nila na saying naman daw ang makina. E di i-assume natin na dapat nasa regulasyon na kung nabasa yan kahit konti hindi na pwedeng gamitin iyan. E wala sa regulasyon iyon e. So ano yun pag nabasa ay teka punasan natin. Hindi pwedeng ganun.

Kung i-aadopt ng House yung version ng Senate, ratified na ba yun?

Pwede naman talaga mangyari iyon subalit walang nang session ang Senado sa ngayon. Kamara na lamang ang pwedeng gumawa noon. Hindi pa ba nag-adjorun ang House?

Nag-adjorun na rin. So wala na talaga.

Wala.

Sa call for special sessions?

Kung iyon ay ipag-uutos, nandito naman ako at wala akong balak magbyahe at mangibang bansa, palagi akong aattend at wala rin akong balak mag-boycott ng anumang session.

May quorum ba kayo?

Tanungin mo yun mga nag-bo-boycott at hindi yung nag-aattend.

Kung wala naman disagreeing provision yung Senate at House version, pwede na daw iyon.

May disagreeing provisions e. Kasama sa bill ng Senado ang early voting sa iba't ibang lugar na kritikal at kailangang tutukan. Sa House ang nakalagay lamang ay early voting ng media. Ang Senate version maliban sa early voting ng media, pati early voting sa ibang lugar.

Paano kung pumayag na lang ang House n i-adopt ang Senate version?

Walang bicam at aprubado na iyon.

So that's possible pa?

Wala nang session e.

Sabi ng Comelec pwede pa rin sila magsagawa ng early voting kaya nga lang may malalabag na batas.

Naniniwala ako na possible iyon. Hindi pa naman nasusubukan kasi pwedeng mag-postpone ng election ang Comelec. Kung pwede mong ipagpaliban baka pwede mo ring unahin kaya lang may due process requirements. Dapat maaga-aga nilang desisyunan iyan. Bigyan ng notice yung mga maaapektuhang kandidato at botante. May panahon para mag-object, magprotesta at dalhin sa korte ang issue. At wag naman yung isang lingo bago mag-election sasabihin nila bukas na election sa probinsyang ito.

2nd part

Source code. Are you convinced na walang magiging problema?

Dalawa ang problema ng source code. Una, dapat buksan yan sa publiko at wag i-trato na parang dyamanteng hindi pwedeng hawakan man lang dahil baka mapalitan ng pwet ng baso. Pangalawa, dapat may proseso sila para matiyak na yung source code na tinesting natin, yung din ang actual na ilalagay at isusubo sa lahat ng 76,000 machines kasi baka yung source code na tinatago nila sa loob ng vault e tama nga pero pag pinasa at inilipat mo na sa kada makina, all 76,000 of them e baka iba na. Dalawang hakbang at dalawang bagay iyan.

Sabi ni Comelec Chairman Melo the least that we can do is show the results but they don't want to __ it yet, yung source code.

Hindi. Ipapakita nila yung review at ilalagay nila sa ilang work stations yung source code mismo pero read only. Ipapakita nila hindi lang yung audit ng seize test, pati yung source code. Iba yata yung nasabi sa inyo sa nasabi sa loob ng hearing.

Pero ok lang yun kung ipapakita?

Basta bigyan nila ng sapat na oras dahil kung read only yun ibig sabihin 4,000 lines iyon. Baka naman mamaya bibigyan lamang nila yung civil society at people's organizations na magche-check noon ng isa o 2 oras. Paano naman nila magagawa iyon sa 400,000 lines ng program?

Maha-hack ba iyon?

Hindi ko alam. Pinagmamalaki nga na kung sino raw ang makaka-hack bibigyan pa ng pabuya ng Coemlec noon e paano maha-hack yun e wala pa source code noon e. Ngayon dapat makita natin yung audit ng seize test at audit ng iba't ibang NGOs at POs kabilang na ang iba't ibang mga computer experts at program.

Other issues. Si GMA kinumpara kay Marcos and then the new press secretary said let the history judge GMA.

Sa ayaw at gusto ng bagong press secretary, huhusgahan naman talaga ng kasaysayan si Pangulong Arroyo pero iba yun sa paghusga kunsakasakaling may kasong maisasampa laban sa kanya matapos ang kanyang termino at wala nang immunity. Hindi kapalit ng paghusga ng kasaysayan ang paggawad ng hustisya kunsaka-sakali ng ating mga korte.

Pareho daw sila ni Marcos.

Mas malawak marahil ang karanasan niya dahil bata pa ako noon e.

Si Eliseo Dela Paz, sa Eurogeneral, is running for Congress so...

Walang prohibition iyon. Nasa kamay nbg mga botante natin kung papayagan at hahayaan nilang maging congreista siya. Hangga't walang conviction by final judgement, pwedeng tumakbo sinuman.

So kalakaran na ba na lahat ng sangkot sa kontrobersya, tumatakbo saposisyon sa gobyerno?

Tila kalakaran iyon at yun ang nasa ilalim ng batas dahil hindi bawal pero sana hindi kalakaran sa ngalan at para sa ating mga botante ang ihalal sila at bigyan sila ng reward sa pamamagitan ng pagboto sa kanila.

News Latest News Feed