Press Release
February 17, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW
WITH DZMM's TED FAILON AND PINKY WEBB

On the Expanded Senior Citizens' Act and Cheaper Medicines law

MAR: Sa palagay ko naman ay napaka-simple nito para sa ating mga lolo at lola sa larangan ng gamot. 'Yung 20% na discount nila sa mga gamot na binibili nila ay magiging buong 20% discount na at hindi na babawasan pa nung sa VAT.

Q: Ano ang proseso? Magkakaroon pa muna ng IRR? Sino ang gagawa nito?

MAR: Kumbinasyon po iyan. Palagay ko 'yung departamento at 'yung BIR, DOF dahil dun sa pangongolekta nga. Ang problema diyan, 'yung VAT collections na siyang nagbabawas nung kanilang 20% discount.

Q: Gaano kaya ang time frame dito? Gaano katagal ang IRR? 'Yung normal process kung gaano katagal bago makamit ng ating mga senior citizens ang aim ng batas?

MAR: Palagay hindi naman gaano katagal, hindi ko lang talaga masabi kung ilang araw at ilang linggo. Ang alam ko is that hindi naman ito surpresa, ayaw ko namang manghimasok sa trabaho ng DOF, pero kung responsable ang nasa DOF at kung si GMA ay gusto talaga niya na mangyari ito, nautusan na niya matagal na ang DOF na simulan na ang pagsulat ng IRR.

Q: Pero pwedeng ma-delay?

MAR: Siguro pero iilang araw lang o iilang linggo. Ito'y inaasahan na ng mga senior citizens natin. Napakalaking bagay, napakalaking tulong nito sa kanila.

Q: Hindi lang sa gamot makakamit ang 20% discount, kasama dito ang public vehicles, medical services plus domestic travel kasama dito, tama ba?

MAR: Tama, pero ang talagang pinaka-kailangan ng mga senior citizens ay ang kanilang mga gamot eh. Hindi naman sila araw-araw nagta-travel at dun naman sa jeep o public transport, wala naman talagang VAT 'yun eh. Ang talagang problema nila ay, halimbawa may P100 na gamot, ang in-expect ng ating mga lolo at lola ay 20%, magiging P80 na lang. Ang nangyayari, dahil may 12% VAT, bale 8% na lang ang discount nila. Yan ang talagang nirereklamo ng mga senior citizens, lalong-lalo na sa gamot dahil Maintenance 'yan eh.

Q: Malinaw na maraming benefits ang ating mga lolo't-lola, numbering about 6m in our country. Meron ding nakalagay dito na ang poorest of the poor ay makakatanggap ng P500 na allowance kapag na-identify na ng DWSD kung sino itong mga indigents na ito. Meron ding mga funeral benefits, halagang P2,000.

MAR: Tama iyan. At ang pinaka-mahalaga ay huwag itong dalhin sa politika, lalong-lalo na iyong pag-identify sa kanila (indigents). Isa iyan sa mga nakikita nating problema, tulad ng sa Philhealth. Kung saan politiko - barangay official, o kaya mayor o kaya konsehal - ang nagsasabi kung sino ang makakatanggap ng Philhealth coverage, lalong-lalo na sa local. Ang kalusugan naman ay pangkalahatan iyan eh. Bakit naman meron pang political consideration.

Q: Kung kayo ang tatanungin, Matagal na ang 1 month sa IRR. Kayo ay kasama sa oversight committee na maninigurong ang magiging IRR nito ay hindi babago sa batas, hindi po ba?

MAR: Tama, maasahan niyo po iyon. Pero higit pa dun ay patuloy ang aking pagtulak dito sa Cheaper Medicines.

Dahil sa totoo lang, hindi ko minamaliit ito ha, importante ito. Pero 'yung pinaglalaban dito ay 'yung diperensiya ng 20% at 'yung 12%. Maliit lamang ang halaga. Pero kung mapatupad natin na tunay itong Cheaper Medicines law na ito, mahigit sa kalahati ang presyo eh. Halimbawa dito sa Norvasc, P45 dati iyan. Ang VAT sa P45 ay hindi hihigit sa P6. Pero iyang P45 na iyan, ngayon ay nasa P22 na. Ang laki. Ang P20 na savings, kalahating kilong bigas iyan o kaya ay 2 latang sardinas. Malaking bagay 'yung pagkakamura nitong mga gamot na ito, lalong-lalo na sa maintenance medicines - sa rayuma, sa diabetes, sa high blood, at iba pa - na araw-araw iniinom ng ating mga senior citizens,

Q: Dun po sa Zithromax, malaki po ang ibinaba, ito iyong gamot para sa trangkaso. Pero dun po sa Celebrex, parang kakaunti ang ibinawas. Mahal kasi masyado.

MAR: Tama ka diyan. Iyan ang dahilan kung bakit lalo nating pinupukpok, itinutulak ang national government na huwag mag-relax, huwag pabayaan ang kanilang implementasyon. Parang nagkalimutan na eh. Pagkatapos lumabas iyong unang listahan ng mga gamot, parang hanggang dun na lang. Wala na 'yung second round, third round. Sa batas, supposed to be, lahat ng gamot I-re-review nila nang sa ganun ay marepaso ang pricing ng mga gamot na ito, hindi lang limitado dun sa unang batch ng mga gamot na nailabas na.

Q: Merong binanggit na para sa cancer, sa depression. Kaya lang ang problema, nagrereklamo ang Private Hospitals Association of the Philippines atsaka dun sa mga drug manufacturers. Hindi daw ibinigay sa kanila 'yung rebate dun sa kanilang pagbaba ng presyo ng mga gamot. Kaya sabi ng PHAP, itataas daw nila ang presyo ng mga lab tests para mabawi ang kanilang mga nalugi.

MAR: Baka mga isolated case iyan. Pero para sa akin, kung ayaw ibaba ang presyo, maraming dahilan talaga. Simpleng-simple lang ito. Binigyan natin ng martilyo ang gobyerno para pukpukin ang presyo ng gamot. Pero bakit nag-aalangan ang gobyerno na gamitin ang kapangyarihan nito, itong martilyong ito. Kaya nga natin binigyan ang gobyerno ng martilyo ay para pukpukin itong mga presyo na ito. Kailangan pong hawakan ng tamang kamay itong martilyong ito para umusad po tayo.

News Latest News Feed