Press Release
February 18, 2010

Interview of Senate President Juan Ponce Enrile with Louel Katalbas
of Radyo Natin in Cadiz, Negros Occidental

Q: Mr. Senator, good morning!

JPE: Maayong aga Louel at sa mga taga Negros Occidental at lalong lalo na sa lungsod ng Cadiz. Gusto ko happy ka. Kasi, kayo happy ang mga taga Negros Ooccidental.

Q: Nakikinig sa ngayon yung mga may cellphone, Manong Johnny.

JPE: Ok na mga cellphone. Yung expiration date ng kanilang mga load eh bumaba na at yung load nila ay nababawasan na yung pagnanakaw ng kanilang prepaid load at saka yung voicecall sa cellphone ay binababa ngayon ng NTC dahil pinaiimbistiga ko yan. Tinutukan ko yang problema na yan, at yan ay aayusin ko para sa inyo. 80 milyong Filipinos ang nasasaktan sa mga ginagawa ng nasa negosyo ng telepono, kung 1 peso lang ang tinatanggal sa inyo everyday, eh 80 million pesos yan. Napakasakit.

Q: Mga balitang sangayon Mr. Senator. Senator Enrile, sir,nilagdaan ni President Gloria Macapagal Arroyo ang comprehensive senior citizen act of 2010. So ikaw eh alam ko na ikaw eh sa kapakanan rin ng mga senior citizen.

JPE: Oo, tama yun sapagkat ako'y senior citizen na din at saka ikaw siguro hindi pa siguro, ano?

Q: Malapit na malapit na.

JPE: At yung mga senior citizen na nangangailangan, eh kailangan tulungan sila. Kaya ang ginawa namin, ibinalik namin 20% na wala bawas sapagkat nabawasan dahil sa E-VAT. Tinanggal namin ang E-VAT kaya ngayon bumalik at dinagdagan namin ang mga pribilehiyo nila. At saka kinausap ko naman ang Malacañang na pirmahan na nila yan , sapagkat kailangan yan ng mga senior's citizens natin. At kaagad-agad noong inaprobahan yan e pinirmahan ko agad yan eh na enrolled bill dahil alam kuog kailangan ng mga senior's citizens yan.

Q: So at last nalagdaan na din ng president Sir.

JPE: Oo, tama. very good!!

Q: Next week yata eh 24th anniversary ng People Edsa Revolution. Nakamit ba ng Pilipino ang inyong mga mithiin na ilungsad natin ang and Edsa revolution?

JPE: Hindi pa natin nakakamit ang intensyon at idiwang ang ating Edsa revolution noong 1986,but there's always hope, diba? Louel, kailangan meron tayong pag-asa. Wag tayong mawawalan pag-asa, sapagkat pag nawalan tayo ng pag-asa ay wala tayo dito sa mundong ito. Kaya they should continue to hope. At dito sa darating na halalan, there is an opportunity for us na maghalal ng tao na sapat ang, sapat ang kakayahan, sapat ang karanasan , sapat ang kanyang commitment sa bayan upang sa ganoon ay uunlad ang bayan nating Pilipinas.

Q: Ma-recall ko pa Mr. Senator, na last 2004 elections nandito ka sa lungsod ng Cadiz kasama si FPJ. Merong rally sa public plaza so isa sa inyong campaign speech eh gusto niyong amiyendahan ang EPIRA law? Ano na ang status nito.?

JPE: (NO SIGNAL)

Q: Parang nawala ang signal ninyo sir parang naka mobile ka Senator Enrile, Sir?

JPE: Ok ngayon yung Power Reduction Bill eh gusto kung ibaba ng 2 pesos yung total power rate , eh andoon natutulog doon sa House of Representatives eh gusto ko ng tanggalin (NO SIGNAL) at sa ganun eh makamenos ng 9% ang mga tao eh pero andoon din natutulog sa House of Representatives.

Q: Ano kayang rason kung bakit natututlog yan sa "House of Representatives" sir?

JPE: Well palagay ko, alam mo ang rason niyan. pero kailangan may pag-asa tayo diyan at isusulong natin iyan tatapusin natin.

Q: Isa sa mga problema dito sa Negros Occidental eh yung "El Niño" phenomenon. Yung kaibigan mo na presidente ng National Federation of Sugarcane Planters na si Mr. Nene Roxas yung nag appear sa gobyerno, oo si Nene yung kaibigan mo.

JPE: Mataas ang presyo ngayon ng asukal. Ah yung kalamay ah oh ba yayaman ang Negros Occidental ngayon sa mataas ang presyo ng kalamay ngayon kaya yan oh, yang "el niño" na yan hindi natin maiiwasan yan sapagkat Diyos yan eh. Nature, kaya ang dapat gawin ng DDNE (?) eh mag cloud seeding at kung meron pang mga ilog na buhay pa at marami pang tubig, eh gumamit ng temporary pumps to irrigate the dried lands .

Q: At saka yung sugar importation yung kinatatakutan ng mga sugar planter's dito eh, Mr. Senator.

JPE: Yung smuggling of sugar at yung sugar imports. Mahal ngayon ang sugar kaya bababa ang importasyon ng sugar sapagkat ang world market ng sugar eh tumaas dahil kulang ang supply ng sugar yung mga sugar production ng Brazil na ayun sa bioethanol .

Q: Kailangan po bang magimport tayo Mr. Senator?

JPE: Hindi na siguro dahil kahit mag import ka mahal din eh. Bakit kahit naman mag import ka mahal din eh . Kaya dito sa Pilipinas hindi pwedeng ibaba yung presyo ng sugar dahil kung hindi iniexport naman natin ang sugar natin diba?

Q: So dito tayo recently Mr. Senator nagpanawagan kayo na pagbigyan ang mga artistang nagiindorso ng mga politico upang magkaroon naman sila ng hanap buhay at sa ngayon lang nagbago ang isip ng Commission on Election at sinasabing hindi na pagbibitiwin or paresignan sa trabaho ang mga artista bagkus pinaubaya nalang sa management ng mga networks. Ano ang masasabi niyo rito?

JPE: Contra lang sa original position ng comelec ang dapat (NO SIGNAL).

Q: Ang inyong reaction or ang inyong stand sa propose na ireopen yung Bataan Nuclear Plant.

JPE: (NO SIGNAL)

Q: Parang naka mobile ka, Mr. Senator, kasi paputol-putol yung signal nimo.

JPE: Kailangan natin ng nuclear plant mas mababa ang presyon ng kuryente pag nag nuclear tayo .

Q: Dito sa amin sa Negros Occidental palaging brown out, load-sharing kasi mayroong shortage ng kuryente dito sa Negros Occidental.

JPE: Mayroon kayong geothermal sa Negros Occidental, malaki ang power system ninyo dapat mababa ang presyon ng kuryente ninyo joker man kayo diyan eh

Q: So may problema pa rin eh ano. May information kami dito, sir, na mayroon kayong bill. Balik tayo sa Power Reduction Bill kasi last 2004 dito sa Cadiz yung sinasabi. Para sa kaalaman ng ating taga-pakinig. Kalian kaya maaprobahan itong Power Reduction Bill?

JPE: Aba isusulong ko iyan pagbalik ko sa senado at kung hindi naman maaprobahan yung mga bills ko iipitin ko din ang mga bills nila sa Senado.

Q: Sir, message niyo nalang po sa ating mga tagapakinig dito sa Cadiz City at sa Northern Negros Occidental.

JPE: Salamat po sa panahong binigay ninyo sa akin na mapakinggan ninyo sana Louel sa panawagan ko sa ating mga kababayan sa Negros Occidental sa darating na halalan magtulungan tayo na pumili ng mga hahawak ng mga kapangyarihan maging president, bise presidente, mga senador at iba pa na sapat ang kaisipan, sapat ang kakayahan, sapat ang karanasan, sapat ang dedikasyon sa bayan para sa ganoon ay uunlad at maging progresibo ang sambayanang Pilipino. Magandang umaga po sa inyong lahat.

News Latest News Feed