Press Release
February 18, 2010

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

Radio Station: Daet, Camarines Norte
Anchor: Sherwin
Asis Program:
Magandang Umaga Bay

Electricity

Q: On the Electricity Rate Reduction Bill

JPE: Ang batas na 'yan na ipinasa namin sa Senado, nandoon naka-pending sa House of Representatives.

Q: Senator Enrile, alam ho ng marami nating mamamayang Pilipino na talaga hong pinaglalaban ninyo ang karapatan ng mga taong kumokonsumo ng kuryente kaya't sana nga po makapasa ang mga batas na 'yan upang kahit papano meron tayong pananggalang sa patuloy na pagtaas ng mga serbisyo po ng kuryente sa bansa, Mr. Senator.

JPE: Alam mo matagal ko ng isinusulong 'yan pero kahit na doon sa Senado nahihirapan ako dahil masyado yatang malakas yung mga negosyante ng kuryente. Kaya 'yan ang problema ng bansa natin. Maasahan ninyo habang ako'y nandyan isusulong ko yan hanggang hindi pa natatapos.

Cellphone Load

Q: Thank you so much, Mr. Senator, isa po sa tuwang- tuwa 'yung mga kababayan natin lalo na 'yung mahihilig sa text 'yung inyong infomercial sa TV gusto ko maging happy ka.

JPE: Gusto ko, Efren, happy ka sa kalusugan mo, kabuhayan mo, sa katahimikan ng bayan mo at sa mga katarungan na umaandar, umiiral sa lipunan natin. 'Yung sa text natapos na, napahaba na yung expiration date. Ngayon, 'yung disappearing load, naresolba na 'yun. Meron pang iilan-ilan pero naresolba na 'yan ngayon. 'Yung pagbaba ng presyo ng voice call at texting, 'yan ngayon ang ginagawa at susulong na 'yan. Papayag na ang Telcos na ibaba sapagkat noong primero ayaw nila, nagsampa sila ng kaso pero ibinasura 'yung kaso nila kaya ngayon wala silang choice kundi sumunod sa utos ng NTC.

Philippines being a Tax Haven

Q: Very good. Thank you so much sa balitang 'yan Senator Enrile. Sir, ang French Government, maiba ho tayo ng usapan, ay naglabas po ng mga listahan ng mga bansang magsisilbing tax havens. Ano ho ang magiging opinyon niyo dito?

JPE: Tax haven na ba ang Pilipinas? Hindi tax haven ang Pilipinas. Kapag pinag-usapan natin ang tax haven, 'yan ay tungkol sa income tax. Ang income tax natin dito ay mataas. Ang corporate income tax natin ay 32% ata ngayon at ang individual income tax natin, ang pinakamataas na rate ay 32%. Paano magiging tax haven itong Pilipinas natin?

Q: Opo, sir, may ginawa raw kayong Senate Bill para i-amend ang Tax Code ng bansa natin? Maari ho ba ninyong ipaliwanag kung paanong makikinabang ang mga gaya nating Pilipino, especially 'yung mga hikahos nating Pinoy sakaling maipasa po ang batas na ito, Senator Enrile?

JPE: Unang-una, ang ipinasa ko na batas ay nilibre sa taxation lahat ng OFWs at lahat ng Pilipinong nakatira abroad ay hindi na magbabayad ng income tax dito. 'Yung mga Pilipino na ipinagbibili ang kanilang tahanan at ginamit 'yung pinagbentahan para bumili ng tahanan muli ay walang tax 'yon. Itinataas ko 'yung personal exemption ng mga tax payers natin. Ako naman ay nagpasa ng batas upang maproteksiyonan ang mga mamimili natin, 'yung tinatawag na Anti-Trust Law, para hindi na mang-aabuso 'yung mga nagnenegosyo ng gasolina na pataas, pababa, pataas, pataas ang presyo nila. Failure of Elections

Q: Senator, yaman din lamang ho na malapit na ang halalan, sabi ko nga ho kanina we have 80 days before May 10, 2010 election, maaari ho ba kayong magbigay ng scenario kung saka-sakaling magkaroon tayo ng failure of election. At kung magkaroon po tayo ng failure of election, ano ho ba ang dapat? Sino ho ba ang dapat na pansamantalang hahalili o kaya mamahala ng bansa natin kung sakaling magkakaroon tayo ng failure of elections?

JPE: Eto personal kong opinyon. Ako, naniniwala na walang failure of election. Hindi mangyayari 'yan. Spekulasyon lang 'yan. Pangalawa, kung magkaroon ng failure of election, malalaman natin 'yan after May 10. May 11 alam na natin 'yan. Meron tayong 59 days to solve the problem. Ngayon, ako, kung manalo ako, I am still the Senate President until June 30 and up to the opening of session of Congress. So, under the Rule of Succession, kung wala ang Presidente, Bise-Presidente ang uupo. Kung wala 'yung dalawa, ang Senate President. Kung wala 'yung tatlo, Speaker. Kung nandiyan ako, by Rule of Succession, ako ang uupo. Pero hindi ako uupo kung ayaw ng aking mga kasamang senador. Ako ay desididong bumaba kung ang aking mga kasamang senador mayroon silang gustong piliing kapalit ko as Senate President anytime. Pangatlo, kung ako ang uupo at ako ang papaupuin ng aking mga kasamang Senador ay hindi ko patatagalin ang paghawak ko ng posisyon na Presidente sapagkat tatawag ako ulit ng eleksyon para magkaroon talaga ng Presidente na halal ng taong-bayan para walang disruption. Ngayon, kung wala na 'yun lahat, in the extreme case, hindi na mangyayari 'yung sinabi ko, wala na tayong remedyo kung hindi ang ating kapulisan at Sandatahang Lakas ang hahawak ng katahimikan sa bansa. Wala ng iba. At that point, lahat ng mga leaders ng bansa ay dapat magpulong-pulong. Sasabihin ni Villar, Noynoy, Gordon, Erap at Gibo, ako ang magiging hari. Kailangang ang mga taong-bayan at mga leaders ay magpulong-pulong para ang bayan natin ay hindi magkagulo.

Q: Pero Senator Enrile, naniniwala ho kayo na walang magaganap na failure of elections?

JPE: Ako, walang failure of elections. 'Yun ang paningin ko.

Q: Senator, ano ho ang mensahe ninyo sa lalawigan ng Camarines Norte sapagkat tuwina ay napapakinggan ho kayo ng ating kababayang Pilipino?

JPE: Alam mo, Efren, ang panawagan ko ay tayong lahat na mamamayang Pilipino ay maging alerto at bantayan, gamitin ang lahat ng kakayahan upang magkaroon ng eleksiyon. Tayong lahat ay magtulungan upang makapili tayo ng mga tao na sapat ang kaisipan, kaalaman, kakayahan, karanasan at pag-ibig sa bayan upang magsilbi at manungkulan sa bayan. Sapat ang kanilang katapatan. 'Yun lang po ang aking panawagan sa inyo. Alerto tayo. Bantayan natin para magkaroon ng halalan. At kapag nagkaroon ng halalan, piliin natin ang karapat-dapat na hahawak ng kapangyarihan para sa ganoon, gusto ko happy kayo, happy ka Efren.

News Latest News Feed