Press Release
February 22, 2010

Radio Interview of Senate President Juan Ponce Enrile
with Erwin Cabilbigan of Bombo Radyo General Santos

Q: Sir, may mga katanungan po kaming nakahanda para sa inyo. Kung papalarin kayo bilang senador, paano po maisasagawa ang entrepreneurial revolution na plataporma ninyo ni Sen. Villar?

JPE: Hindi ako kasama sa pangkat ni Sen. Villar nandyan. Plataporma ng Nacionalista yan, ewan ko kung paano nila maipatutupad yung entrepreneurial revolution.

Q: Dito tayo ngayon, Sir, sa ibang katanungan. Sang-ayon pa ba kayo sa proposal na bigyan ng emergency power si Pangulong Arroyo upang madaling malutas ang problema sa kakulangan sa kuryente?

JPE: Hindi, dahil wala namang magagawa kung bibigyan natin ng emergency power si Presidente. Hindi naman siya Diyos na pwedeng magpa-ulan. Anong magagawa niya maski na bigyan mo siya ng isang tambak na kaban ng kapangyarihan? Kung walang ulan, wala rin elektrisidad ngayon.

Q: So, sa inyo po, anong solusyon nitong problema natin sa kakulangan sa kuryente?

JPE: Cloud seeding para magkaroon ng ulan, para magkaroon ng tubig sa mga electric power stations para magkaroon sila ng additional supply.

Q: Ok. Sir, dahil sa EL Niño natutuyot na ang ating mga dam at inaasahan ang malaking pagtaas ng presyo ng kuryente. Ano po ba ang gagawing paghahanda ng pamahalaan ukol dito?

JPE: Dapat yung nuclear plant ay paandarin para sa gayun ay mayroon tayong sigurado, steady na planta na hindi umaasa sa ulan, umaasa sa imported krudo, imported coal at mga iba pa. Malinis pa iyon at mura pa ang presyo ng kuryente.

Q: Sa palagay nyo po ba ay panahon na upang pag-usapan ang pagbubukas ng nuclear power plant?

JPE: Dapat kahapon pa pinag-usapan yan.

Q: Sir, sa kabilang dako, kamakailan ay laman ho kayo ng editorial ng isang newspaper na tinutuligsa ang inyong opinion na dapat military ang mamamahala sa bansa oras na magkaroon ng failure of elections. Aniya ay dapat bumaba daw po kayo sa pwesto bilang Senate President upang magbigay daan sa isang senador na sa 2013 pa matatapos ang termino, nang sa gayon ito ay mamahala sa PIlipinas oras na magkaroon ng failure of elections. Ano po ang masasabi dito ni Senate President Juan Ponce Enrile?

JPE: Alam mo paninira yun, hindi nila naitindihan yung sinabi ko. Ang sinabi ko kung walang presidente, walang bise presidente, walang senate president, walang speaker. Sino ang hahawak ng kapangyarihan sa bansa? Kailangan papasok ang military. Hindi ako nag-imbento dun, ang Cory Administration ang naglagay na "the military is the protector of the people". Ngayon malalaman lang natin kung may failure of elections after the election of 2010. Sa May 11 alam na natin. Ngayon, mayroon tayong 59 days up to June 30 upang pag-usapan yan. Kung ako'y hindi manalo at kailangan na ibigay ko yung pwesto ko sa iba, ibibigay ko yun. I'll be the first one, ako ang una na magsa-suggest nun pero kapag nanalo ako I will continue as Senate President until I'm replaced by the members who elected me as Senate President. I cannot just resign without asking the people who elected me. Yung sa military ay hindi naman sila ang maghahari sapagkat yung gabinete will continue even if the President is not elected. They are a continuing body, so you have the Secretary of Defense, Secretary of Interior and Local Government, who will supervise the military and the police in the performance of their duty as protector of the people. So hindi itong ganitong mga magagaling na mag-e-editorial. Kung hindi nila naintindihan ang istraktura ng ating gobyerno, problema na nila yun. I am a professor of Constitutional Law. I've studied our structure of government. I know the Constitution backward and forward. I do not know about them.

Q: Ok, maraming salamat senador, good morning.

JPE: Thank You.

News Latest News Feed