Press Release
March 4, 2010

Transcript of Interview with Sen. Manny Villar - DZBB's Ikaw Na Nga Presidential interview series with Mike Enriquez

mike: ang sabi niyo tatapusin niyo ang kahirapan, paano ang gagawin niyo?

villar: yun ang ating pangunahing adhikain, alam niyo kasi itong mga nakakaraang dekada, ang ating bayan ay hindi napapamahalaan ng maayos dahil ang ginagamit nating basehan ng paghalal ng pangulo ay popularidad lamang at minsan emosyon.

ang totoo naman yan, maski naman saang organisasyon, saan straktura at saan bayan ay kakailanganin mo ang mga bagay na liderato, halimbawa, katulad naman ng kailangan naman nagpakita na ako, nag-demonstrate na ng liderato ang isang kandidato or isang mahahalal na pangulo.

pangalawa, dapat namang nagpakita na ng kakayahang mamahala. kasi pag wala kang kakayahan hindi naman puwedeng mag-aaral ka pa lang, hindi naman puwede on-the-job training, ika nga, o probationary period sapagkat napakalaki ng problema ng ating bansa. at pangatlo nga, kailangang may karanasan na at naipakita mo na, kasi alam mo, yang plataporma, ipapagawa mo lang sa speech writer mo yan, puwede kang igawa ng 200-point agenda, 100-point agenda, isang librong plataporma at tapos eh i-me-memorize mo o babasahin mo.

subalit ang tanong eh naipakita mo na ba ang kakayahan kung ikaw ay mag-a-apply na pangulo ng isang kumpanya, itatanong din sayo kung may napamahalaan ka na ba o may napangunahan ka na. ito ay mahalaga kasi napakasalimuot ng problema ng bayan.

galing kami sa mindanao ngayon, eh napakaraming brownouts at talagang napakalaki ng power shortage at kitang-kita mo dito, na kamukha noong 1986, 1990 na talaga naman puro brownout tayo, malaking problema ito at naniniwala akong ito ay isa lamang, alam natin iyan, may problema tayo ng corruption sa pamahalaan, may problema tayo ng brownouts, may problema sa ating agrikulture, sa ating edukasyon.

hindi puwede unang araw eh mag-aaral ka, kaya, nakikita ko na kung ikaw naman ay may karanasan, na ipakita mo napamahalaan natin ang mababang kapulungan, napamahalaan naman natin ang senado, napamahalaan natin ang pribadong sektor, yan naman ay hindi madaling pamahalaan na mga bagay, ako naman ay may konkretong mga piniprinsita sa ating mga mamamayan na programa at pinakikita ko naman itong aking kakayahan para magawa yung programa na yan.

mike: puwede mo ba kami bigyan ng ilang halimbawa ng sinasabi niyong konkretong paraan kung paano niyo titigilan ang kahirapan. paano titigilan ang kahirapan?

villar: hindi naman natin matatapos kaagad yan, pero halimbawa agrikultura, 70 percent ng mga mahihirap ay nasa agrikultura, at iyun agrikultura pano natin papaspasan iyan. kasi ito nakakaligtaan natin talaga ng ating pamahalaan at halimbawa yung afma, agricultural modernization program, eh p20 billion per year hindi na-ri-release, hindi sinusunod yung batas at p20 billion per year ang kakulangan na hindi natatanggap ng agrikultura, kung iyan ay maibibigay magagawa natin ang dapat na gawin sa agrikultura.

unang una yung pag-re-repair ng mga irrigation systems kagaya ngayon may el nino eh napakaraming mga crops na masisira na naman. ito'y mabilisan kasi matagal gumawa ng bago so dapat gawin i-repair agad iyan, gawin mo iyung mga postharvest facilities dahil iyun mga diyes porsiyento nawawala sa ani natin, wala yung pang-warehouse, yun milling facilities.

trabaho, ito kasi sa ngayon ang binibigyan natin ng insentibo yung mga kumpanya na basta papasok ka bibigyan ka ng insentibo. pero dapat yung labor intensive, kung ikaw ay maraming employ na mga tao, dun bibigyan ka namin ng incentive. kung malaki ang capital ipapasok mo wala kang tao wala kang incentive.

mike: bakit wala bang incentive ngayon?

villar: yung ating incentive program ngayon ay ginawa pa, napakatagal na panahon hindi dapat iyan ma-rationalize o mabago natin, halimbawa, turismo, infrastructure, yun business outsourcing, ito ay tatlo lamang, bukod sa agrikultura, na pag ito binigyan mo ng focus ay mabilis na mag-eemploy kaagad ng tao.

mike: agrikultura, trabaho. pamumuhunan, may mga mamuhunang ayaw mamuhunan pag may corruption

villar: totoo yan, maraming dahilan kung bakit ayaw pumasok, kulang sa imprastruktura, yung pag-implement ng mga programa pa-iba-iba, hindi patas, ako ang aking gagawin sa unang 100 days pa lang, ipapakita ko patas ang laban, yung mga i-bi-bid out na projects, i-bi-bid out ko yan televised imbitahin ko lahat, media, bishops kung sinong gusto sumali diyan, titignan niyo lahat ang dokumento, kasi i-te-televise natin ang bidding, sasabihin natin sa mga foreign investors, local investors basta pag-aralan niyo, open lahat yan kung gusto niyo sobre niyo hindi namin makikita lahat, walang hihingi.

mike: paano yung mga magnanakaw sa gobyerno sa ilalim ng villar administration

villar: hahabulin lahat iyan palalakasin ko ang judiciary. isa pa yan, marami nagsasabi "tatapusin ko ang corruption", pero ang tanong ko "may naipakita ka na bang kakayahan para magtapos ng corruption? " alam natin ang corruption ay hindi simple. yun ay napakahirap niyan. unang-una sinasabi tatapusin mo ang corruption na hindi mo tataasan ang suweldo ng mga tao, pero pag tinaasan mo ang suweldo ng mga tao, p300, p300,000-b ang kakulangan sa pananalapi natin. tinatawag nating fiscal deficit.

hindi madali magsabi, tataasan mo, ang puwede strategy diyan ay ilabas muna ang mga ibang trabaho muna hindi salary standardization law, kasi ang dito ang magpapahirap ng paglutas niyan eh yung salary standardization law na kung saan pantay-pantay ang mga suweldo ng mga tao at pangalawa yung civil service, protektado iyan hindi ka puwede mag-de-demote o mag-po-promote kaagad. anyway ang kinakailangan ipakita mo muna na ang office of the president ay hindi involved sa anumang corruption, hindi hihingi.

mike: ang pangulo walang bahid ng corruption?

villar: wala, itetelevise mo nga eh, iimbitahin mo nga lahat ng mga bishops, lahat.

mike: papano mo itinaas mo na ang suweldo, ginawa niyo ng transparent, meron pa rin nagnanakaw at kumukurakot.

villar: kailangan palakasin mo ang judiciary. hindi mo kaagad mawawala iyan kaya sinuman man magsabi pag-upo niya eh matatanggal niya, either hindi niya alam ang sinasabi niya o nagsisinungaling siya sapagkat iyan eh hindi kayang gawin kaagad. sapagkat kailangan idedemanda mo lahat iyan.

mike: gaano katagal po sa tingin niyo?

villar: sa judiciary, kailangan palakasin natin ang judiciary, kailangan increase ang budget ng judiciary para makakuha sila ng mas maraming mga abogado at yung judges natin dapat itaas ang mga suweldo para nang sa ganun eh mahabol mo ang lahat ng mga nangungurakot.

mike: ang dami pong mga budget ng iba't-ibang sangay ng gobyerno na dapat taasan ang suweldo ng mga kawani, ng mga teacher, sa judiciary. magdadagdag ng buwis sa ilalim ng villar administration? ano ba maasahan ng taong bayan pagdating sa mga bagong buwis?

villar: ang una po naman dapat gawin ay yung efficiency ng collection. dito naman maipapakita naman natin ang ating karanasan sa pamamahala, sapagkat kailangan kang mamamahala. pag ikaw ay hindi marunong, mag-aaral ka pa lang, hindi mo magagawa iyan. pero kung marunong kang mamamahala, sanay ka ng ikaw ay nagsisimula, naghahabol ka ng mataas na benta, mataas ang collection eh talagang tututukan mo ang collection na iyan, kasi nung panahon ni fvr, disi-siyete porsiyento ang ating collection over yung ekonomiya, ngayon eh 13 or 14 na lang, yung apat na porsiyenteo nawala, yan ay equivalent to p280-billion na.

mike: ang sinasabi niyo eh makolekta lang mabuti

villar: ito ay malaking bagay na, ngayon hindi ko pa rin naman maipapangako na walang karagdagang buwis to be honest about it at ang totoo niyan, yun muna ang unang gagawin, talagang yan ang tututukan ko talaga iyan, ang pagkolekta ng buwis dahil alam ko naman ang mga industriya na hindi nagbabayad eh. more or less alam ko naman. galing ako diyan. alam ko ang mga industriya na mahina ang collection.

mike: anong industriya?

villar: marami yan at alam naman ang lahat iyan. ang totoo niyan ay hindi na pino-focus iyan. makikiusap tayo na magpataas naman kayo ng bayad sapagkat mahalaga ito.

mike: pag hindi sila tumugon sa paki-usap niyo?

villar: well sa tamang handling, tamang pagpapatakbo ng bir at customs ay talagang kaya naman iyan. ako naman ay matagal na akong namamahala ng mga tao, alam kong kaya kong itaas iyan.

mike: paulit-ulit niyong ibinibigay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng karanasan sa pagpapatakbo, napaka-kumplikado ng gobyerno, iba ito sa pribado. sa pribadong sektor simple lang. kung kayo na nga ang susunod na pangulo, lahat ng sinundan niyo, lahat may karanasan pero tingnan ninyo ang nangyari sa gobyerno.

villlar: ang bise-presidente ay hindi pamamahala, ang isang senador ay hindi pamamahala, ang isang mayor naman ay isang pamamahala ng isang maliit na unit. iba yung pamamahala talaga. ang sa akin naman ang mina-manage ko ay siguro yung pinakamahirap na i-manage sa institution ng bansa, ang senado, ang house of representatives. mike ako ay naging speaker of the house at ako'y naging senate president. at ako naman ay nakapagtayo ng negosyo natikman ko yung maliliit na unit ng pagmamaneho, pamamahala niyan, kung paano mamahala ng isang maliit na negosyo at napalaki natin ito hanggang maging number 1.

kaya sabi ko nga lahat ng klase ng pamamahala, hindi po lahat may karanasan. ang pangulo halimbawa ay hindi pa nakaranas mamahala bago siya naging pangulo, naging isang professor at naging legislator, naging vice president, hindi po yan ang pamamahala, ang pamamahala ay talaga ikaw ay naging ceo, yung pong vice president ka eh hindi pa rin iyun masasabi. kung ikaw ang namuno, number 1, masasabi mo ikaw ang namahala.

halimbawa, as a legislator, iba ang karanasan ng legislator, iba ang karanasan ng pangulo ng senado, iba ang karanasan ng legislator, iba ang karanasan ng speaker of the house. kasi ikaw ang nagpapatakbo ng buong house at iba naman ang vice president ka ng isang organization, iba naman yung ikaw yung pangulo, kasi ang pangulo, ikaw talaga ang magde-deliver. kaya dun ako hindi sumasang-ayon, yung karanasan iba-iba iyan, hindi yan karanasan na sinasabi ko.

kasi kung puwedeng karanasan mo na ikaw pangulo ng cooperative o pangulo ng association, subalit alam mo naman yung complexity, ang kumplikasyon ng buong bansa at iyung kinakailangan, yung pinakamahihirap na i-manage na institusyon na ipakita mo na kaya mong mamahala. ang masasabi ko lang naman, ako lang naman sa history ng pilipinas ang may ganito na karanasan. at maipagyayabang ko naman na walang naging speaker, senate president after the war. at even before the war, wala pang nagiging speaker of the house at senate president at pribadong sektor. tayo pa lamang mike at yun naman ay inihahandog natin sa bayan para itoy magamit natin para sa paglutas ng ating mga suliranin yung atin karanasan.

yun naman siyempre hindi natin magagarantiyahan iyan, yung success. ang sinasabi ko lamang, tayo may pinakamataas na probilidad dahil kaya naman natin. ang maganda sa bayan natin mike ay (inaudible) ... hindi maganda ang nangyayari ngayon� na madali ring itaas ang level ng pag-ma-manage.

mike: administration ba kayo o opposition?

villar: ako ay maski kailan independent ako at yun nga ang sinasabi sa akin, sinisiraan ako ng mga kalaban.

mike: kayo daw ang totoong manok ni arroyo sa eleksiyon

villar: pinakamalaking kasinungalingan iyan. unang-una sasabihin nila sa akin, "bakit ang laki ng ginagastos mo," tapos sasabihin nila sa akin, "ikaw daw ang villarroyo," eh ako pala ang gumagastos, bakit mo sasabihing arroyo ako. ibig mong sabihin, mike, ako gumagastos, hindi ako humihingi maski kanino, at pangalawa, ang ginagamit kong organization ay ang nacionalista party, kung organization ko sa akin, ang pera ko sa akin, ano pa't kailangan ko pa ang pangulo, kung titingnan natin kung sino nangangailangan sa pangulo, sino ba nangangailangan diyan, sino ang kailangan ng suporta.

mike: hindi niyo raw kasi binabatikos, di niyo tinitira si pres. arroyo, lahat ng presidentiables halos tinitira ang administration. kung bumabanat man kayo hindi kasing tindi ng banat ng iba.

villar: ang ibig mong sabihin hindi ako madaldal. sapagkat ang tatlong malalaking imbestigasyon laban sa pangulo, np ang humawak. una, sino ba nag-imbestiga ng jueteng, di ba ako. ako namahala, sino ba nag-imbestiga ng "garci", di ba np? si remulla, sino ba nag-imbestiga ng zte, di ba si alan cayetano, np. tatlo kami np.

ano naman ang inimbestigahan ng liberal? pero sila ang pinaka-madaldal. ang sinasabi ko lang, kung tutuusin mo sa gawa, kami ang talaga ng tunay na oposisyon, tingnan mo sa grupo ko mike, nandito sa akin si satur ocampo, si liza maza, si querubin, papano naman naging administrasyon yan. si bongbong marcos. oposisyon kami, in fact tingnan mo, may pamilya ba akong nasa gobyerno ng arroyo? Wala . pero marami silang pamilya na nasa arroyo.

kaya sinasabi ko naman, maliwanag, na ako maski kelan, buong buhay ko, kaya ako nagtatrabaho para hindi ako aasa sa iba kaya, simula nang pumasok ako sa larangan ng pulitika, wala kang masasabing si manny bata nito, si manny bata ng isang pangulo, lahat halos ng pulitiko pag nagsisimula, bata ni ganito iyan, pero subukan mo ko i-trace mo sa akin, wala pang nakakapagsabi, si manny, bata ni presidente ganito, bata ni tycoon. wala, eversince independent ako. nagtayo ako ng sarili kong partido, gumagastos ako ng sarili kong pera, hindi lang ako madaldal pero ang totoo niyan, mas oposisyon ako sa kanila.

mike: bakit di ka dumadaldal laban sa administrasyon, laban kay arroyo?

villar: hindi ako dumadaldal laban sa oposisyon, laban sa administrasyon, hindi lang ako madaldal. pero ang totoo niyan, pagka ang usapan sa speeches ay sinasabi ko naman talaga hindi ako sumasang-ayon sa pangulo, napakaraming beses na hindi ako sumasang-ayon sa pangulo. nung ako ang pangulo ng senado, pinaka-independent ang senado. ang senado lamang ang lumalaban sa pangulo. kung natatandaan niyo noon, ngayon ba lumalaban ang senado? hindi ba tahimik sila ngayon.

mike: ano po mangyayari kay arroyo at fg kung magkakaroon ng villar administration?

villar: sa akin, sinuman ang mag-file ng kaso sa kanila, madami naman daw magpa-file ng kaso, ay ok lang. hindi ako hahadlang diyan at kung ano man ang mangyari, bahala sila magdepensa sa sarili nila at ako'y papalakasin ko pa nga judiciary para nang sa ganun mas lumakas sila sa paghabol hindi lamang sa pangulo kundi sa lahat ng mga naging corrupt nitong administrasyon.

mike: numero unong punto laban sa inyo ay ang inyong integridad

villar: ang hindi nila maisip, marami sa mayayaman ang ganyan, hindi nila maisip kung papano ang isang mahirap ay kayang yumaman sa malinis na paraan. alam mo mayroon tayong talangka-mentality na pag ikaw umaasenso, talaga katakut-takot ang binabato sa iyo.

maliwanag naman mike, lahat naman ng mga bagay na ito ay inaakusa sa akin ng mga kalaban ko mismo sa pulitika. at sinasabi ko nga sa media ba't hindi niyo na lang banggitin na ang nagsasabi naman ganyan mga kandidato rin sa pagka-pangulo, siyempre naman ano naman maasahan natin na sa pag kalaban.

pero ang punto ko, meron tayo judiciary, meron tayong hukuman, kung ako man ay nagkamali, i-file niyo lahat. subalit ang totoo niyan malinis sa aking konsiyensiya na wala akong ginagawang masama, wala akong ninanakaw sa gobyerno at yung integridad ko lang ang aking pinagmamalaki. ang sinasabi ko lang, ako'y pinagtutulungan pero wala naman silang napo-prove na anumang ginawa ko at ang sinasabi lang nila ... subalit mero naman tayong judiciary 'di dun niya dalhin.

mike: nagpdala daw kayo ng tao kay gordon para alukin?

villar: nakikita ko na yang pattern na iyan, na lahat sila gusto nila akong ipicture na bayad ng bayad, binabayaran ang media, bili ng bili.

alam mo mike, sinasabi ko nga ang sa akin, unang-una, kagaya ng akusasyon na yan, papano naman nalaman na ako ang nagpadala. pangalawa, eh bakit naman ngayon lang. tsaka hindi niyo ba napuna, lahat naman sila nakalaban ko na sa senado ay nagpapalit-palit, ito muna ang bibira, pasa-pasa, nakikita natin ang pattern, ito muna, pagkatapos na ito ayaw na patakbuhin ng media, o ito naman isa.

pero kung titingnan mo naman ang mga characters, mga personalidad dito, yung mga players ay sila-sila rin naman, hindi naman nagbabago mga players, paulit-ulit lang ang mga isyu, nirere-cycle. suwerte naman sila napag-uusapan muli dahil pag nabubuhay ng konti, pag hindi na nabubuhay, meron na naman isang magsasalita naman pero sa grupo rin nila.

mike: wala kayong inaalok?

villar: ako nagkakampanya. ako eto na meron na kaming plano, may plataporma na kami, may programa na kami at wala na kaming iniisip kung may aatras pa, may hindi aatras, hindi na kami nakiki-alam sa iba. ang sa akin lang assumption, lahat sila tatakbo na, at hindi naman ako yung bayad ng bayad ng ganyan.

alam mo nakikita ko na strategy ito para masira ang image ko. ba't pa naman ako kailangan magbayad, ako naman nung mga nakakaraang panahon, nagpakita naman ng galing, magaling naman tayo makisama, magaling naman tayo mamahala, hindi ko kailangan ang ganyan na mga bagay para makakuha ako ng kumpiyansa ng mga susuporta sa akin.

halimbawa yung mga ganyan-nakikita ko ang pattern para ipareho ang sinasabi nila dahil ang strategy, magki-create sila ng impression na ako ay mahilig magbabayad pero galing naman sa sipag at tiyaga itong pera ko. galing sa dugo at pawis ito. hindi ko ito basta ipinamimigay lang maski kanino at kaya ko naman ito ng hindi ko kailangan sila.

mike: kasi sa lahat ng kandidato kayo may kakayahan mamigay at mamili

villar: masasabi ko lang, halimbawa sa paggastos, eh hindi naman ako artista, hindi naman ako celebrity, wala naman ako ama na presidente, ina na president. ito lamang ang pagkakataon ko para makilala ako ng ating mga kababayan, hindi naman ilegal iyan at pinaghirapan ko naman ang pera na iyan.

pero mali naman gumagawa sila image na parang namimili ka, hindi po maganda iyan. sa akin tumutulong ako sa mahirap. aaminin ko napakalaking pera ang nilalabas ko sa mahihirap noon pa, for the past 20 years.

mike: iyan ang isa sa pinakamalaking kaba ng ilan na sa laki ng sarili perang inyong ginagastos pag kayo susunod na pangulo, maraming nahihirapang maniwala na hindi niyo ibabalik sa sarili niyo kahit katiting man ang sarili niyong perang ginagasatos niyo ngayon.

villar: alam niyo kung gusto ko pang yumaman, bakit pa ko mamimigay ng pera, nakita mo naman namimigay ako ng pera 20 taon na. napakarami ko ng naipamigay na pera hindi ko naman hinahangad, binabalik ko ba iyun.

ibig ko sabihin kung titingnan mo ang ugali ng tao, yan ba dati namimigay. pag di namimigay isang tao at bigla namigay baka babawiin pa. pangalawa, kung gusto ko mas yumaman pa, mas gusto kong maging negosyante na lang. magaling naman akong negosyante, kikita ako. eh bakit tatakbo pa presidente.

News Latest News Feed