Press Release
March 12, 2010

Transcript of Radio Interview of Senate President Juan Ponce Enrile
with DZMS Sorsogon anchor Andy Espinar (Bicol Target)

Q: Nasa linya po si Manong Johnny, Senate President Juan Ponce Enrile. Papunta po kayo dito sa Sorsogon, Senator?

JPE: Oo. Pupunta kami dyan.

Q: Ayos ano, kasi bago kayo dumating dito, at least nakapanayam na namin kayo. Unang katanungan po, dahil dito sa mga lumalabas na mga isyu sa ating bansa, ano ang reaksyon ninyo sa sinabi ng Malacañang na dapat isisi sa ating kultura at maging sa kasalukuyang kampanya ang masamang reading ng Pilipinas sa graft and corruption. Ito'y headline nitong nakalipas lang na mga araw.

JPE: Alam mo, wala naman sa kultura natin ang corruption. Sapagkat ako ay medyo may edad na, wala naman masyadong corruption sa Pilipinas after the war. Dumating ang mga Amerikano. Doon nag-umpisa ang medyo katiwalian sa gobyerno at dinala 'yan ng mga Amerikano sa atin. Pagkatapos, lumala ng lumala 'yan at naging ganito na hanggang ngayon tayo. Noong panahon ko sa gabinete ng panahon ni President Marcos, may corruption din noon pero nasa itaas. Sa ibaba, walang korupsyon at nasusugpo namin. Ang korupsyon lang noon ay sa Bureau of Customs pero ngayon medyo laganap na sa ibaba.

Q: Laganap na ano? May batas po kayo na pwedeng ipasa at pwedeng gawin ni Manong Johnny?

JPE: May batas na tayo. Maraming pang batas. Kailangan lang maipairal, ma-implement at ikulong ang dapat ikulong lalong-lalo na 'yung mga malalaking liders, malalaking empleyado ng gobyerno na gumagawa ng katiwalian.

Q: Another issue po, Mr. President, inyo pong sinabi na kapag tapos na ang hearing sa Senado ay hindi na nito obligasyon na bigyan ng security details ang mga testigo at whistleblowers. Sapat po ba ang budget na natatanggap ng Witness Protection Program na under ng Department of Justice?

JPE: Correction, ang sabi ko pagkatapos ng hearing at wala ng threat ay pwedeng tanggalin ang security at kung meron pa ay tuloy pa ang security. Sa lagay ni Boy Mayor, wala ng threat sa kanya. Kung may threat sa kanya, bibiyan sana namin siya ng security. Pero marami naman siyang kasama at hanggang ngayon ay walang complaints o mga threats sa kanilang buhay kaya pinull-out namin 'yung security. Ngayon, ang budget ng Witness Protection ay sapat ngunit dapat dadaan sila sa proseso bago nila magamit 'yon. Kailangan magtestigo talaga sila sa Korte.

Q: Ganon po pala 'yon. May mga batas na po ba tayo na pumoprotekta sa mga tinatawag na whistleblower?

JPE: Wala pa. Kailangan maglalagay tayo ng batas para sa ganon ay maliwanag ang usapan.

Q: So aantayin po namin kayo dito sa Sorsogon kasi di ba po pupunta kayo dito.

JPE: Andy, gusto ko happy ka diyan sa Sorsogon at sana huwag niyong kalimutan si Enrile na kandidato sa pagka-senador muli. Numero kinse sa Comelec ballot at tayong lahat ay piliin natin ang mga magagaling na maging senador lalong-lalo na ang magiging presidente ng Pilipinas. Kailangan na hindi na kailangang mag-aral na maging presidente, may karanasan na, alam na niya ang kanyang gagawin sapagkat walang panahon na mag-aral pa ang magiging presidente ng Pilipinas.

Q: Ano po ang reaksyon ninyo sa sinabi ng isang presidential bet na hindi na niya kailangang magbayad ng permit to campaign dahil kasama at kaibigan po niya ang mga rebelde.

JPE: Medyo delikado 'yon sapagkat ibig ba niyang sabihin ay kasama na sya sa patakaran ng kaaway ng gobyerno na kung saan ay gusto niyang panguluhan.

Q: Oo nga no. So, dapat sagutin niya 'yon.

JPE: Dapat i-explain nya sa bayan.

Q: Okay po. Aantayin namin kayo dito.

News Latest News Feed